Chapter 11

1 0 0
                                    

ALY'S POV

Alas siyete na ng umaga kaya't binilisan ko na ang pag-aayos dahil mahirap ang tricycle rito.
Binigyan na ako ni mama ng baon at agad na akong naglakad palabas ng bahay.



"Ma, punta na ako." Pagpapaalam ko.



Nasa tapat na ako ng store nila Bryan at umupo ako malapit doon upang maghintay ng tricycle.
Ilang sasakyan na ang dumaan pero hindi pa rin dumarating 'yong tricycle na service ng teacher ko, sa kanila kasi ako sumasabay. 7:20 na pero unti-unti na akong kinakabahan dahil ayokong ma-late sa klase. May flag ceremony pa naman.



Ilang segundo pa ang lumipas bago dumating ang tricycle.



Pagkarating ko sa school ay naglilinya na sila. Sabi ko na nga ba, mala-late ako. Natapos ang flag ceremony at nakalinya ulit kaming bumalik sa classroom. Kasama ko si Reane at puro tawanan sila na hindi ko man lang maintindihan kung ano ang tinutukoy nila.



Math ang una naming subject at bawat explanation ng aming teacher ay naiintindihan ko ngunit kapag seatwork na ay wala na akong maintindihan.



"Crystal, paturo naman." Seatmate ko ang top 1 namin. She is fat but smart.



"Kopyahin mo na lang," Binigay niya 'yong notebook niya kaya't kinopya ko na. Hayst, hindi ko naman gets sagot niya. "Mahirap i-explain." Tumawa siya.



Hindi ko alam kung tamad ba siyang mag-explain o sadyang ayaw niya lang akong turuan. Hirap kasi 'pag bobo ka sa math.



Natapos ang subject namin kaya't nagdaldalan na naman ang mga kaklase ko. Nakaupo lang ako habang hinihintay na susunod na subject. Hindi rin naman ako 'yung tipo ng taong lumilipat ng pwesto, lalo na't kung wala namang dahilan.



"Aly!" Lumingon ako sa nagsalita at boses iyon ni Sandy. Sinenyas niyang maupo raw ako sa tabi niya kaya't lumapit ako.



Nagsimula kaming magkuwentuhan at nagiging komportable ako sa kaniya. Kung tutuusin ay mas close na kami kaysa kay Reane na mismong best friend ko. Wala na akong masisisi dahil mas pinili niyang sumama kay Chelsea kaysa sa'kin.



"Bakit gano'n...sila lagi ang magkasama?" Lumingon siya kina Reane at Chelsea.



"Kaya nga, eh." Malungkot kong sagot. Hindi ko na itatangging nagseselos ako kay Chelsea dahil pakiramdam ko ay mas masaya siyang kasama kaysa sa'kin.



Nagsimula nang mag-make up si Sandy at hindi na ito bago.



Lagi kaming magkasabay ni Sandy sa recess, lunch, at uwian. Ngunit kahit siya ang kasama ko ay si Reane pa rin ang gusto kong makasama.



"Card day na pala mamaya 'no?" Tanong ni Sandy kaya't tumango ako.



Lunch time na pero iniisip ko kung may honor ba ako wala. Pero pakiramdam ko ay wala. Nakakahiya naman at nakakadismaya kung wala akong maipagmalaki kina mama. Sabagay, matatalino mga kaklase ko kaya may tendency talagang hindi ako umabot sa with honors.
Sa math pa nga lang ay puro line of 8.



Ala una na at may mangilan-ilan nang parents ang dumating ngunit alam kong wala si mama.
Pumunta si mama sa Manila kung saan nagtatrabaho si papa at ate. Medyo nalulungkot ako dahil hindi si mama ang kukuha ng card ko, although p'wede ko namang makuha iyon.



Pumasok na si ma'am Hoover at ang lahat ay tumahimik na.



"Good afternoon po, sir and ma'am." Nakangiting bungad nito. May ilang mensaheng sinabi si ma'am bago nagbigayan ng card.
Tinawag ang name ko kaya't tumayo na ako at kinuha ito. Matataas ang grado ko ngunit kinakabahan ako dahil baka wala akong honor ngayon.



Awarding na at si Eugine ang unang tinawag sa harapan. Nakatingin ako sa bintana dahil ayaw kong marinig o malaman na hindi ako kasali sa may award.



"Bautista, Alyanna C." Bumilis ang tibok ng aking puso. Huh? Weh? Totoo? Tumayo na ako at binigay sa akin 'yong certificate. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman ngunit iba pa rin kung nandito si mama.



"It's an urgent announcement po kaya ngayon ko na po ito sasabihin," Lahat kami ay nakatingin kay ma'am. "There is a virus that started from Wuhan, China, ngunit sa kasamaang palad po ay kumalat ito sa buong mundo." Lalo akong kinabahan. "Isa po ang Pilipinas sa naapektuhan."



Hindi ko maintindihan kung anong virus ang tinutukoy nila.



Nagsimula na ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko at mga magulang nila. Natatakot ako dahil nasa Manila si mama. Paano kung maraming positive sa lugar na iyon. Paano kung mahawa siya, paano kung matamaan siya.
Pinauwi kami nang maaga at sinabing maghanda at bumili ng mga facemask, alcohol, gamot, at mga bagay na maaaring magamit laban sa kumakalat na virus.



Dumaan ang isang Linggo, nang malaman ko ang balitang magpapanukala sila ng Modular Distance Learning, kung saan mag-aaral sa loob ng bahay. Kasalukuyan akong nag-aaral sa LUCST (La Union Colleges of Science and Technology). Hindi na kami nabigyan ng pagkakataong ipasa mismo sa aming guro ang aming mga aralin dahil patuloy pa rin ang pagkalat ng nasabing virus.



Natapos ang pagiging Grade 9 nang hindi ko man lang nakita o nakasama ang mga kaibigan ko, lalo na si Reane.



"Kailangan palang bayaran 'yong libro." Saad ni mama habang nakahawak ng resibo. Nasa cashier kami dahil ie-enroll ako ni mama. Kailangan bayaran ang libro kahit na modular naman ang mangyayari. Hindi rin naman iyon magagamit lahat. Kung pwede namang apat na libre na lang ang ibigay. Four major subjects including, Math, Science, Filipino, at English. Last year kasi ay gano'n ang ginawa ni mama since wala kaming malaking pera para bumili ng buo.



Umuwi kami ni mama at ginawa ko na rin ang dapat kong gawin. Naglinis pa muna ako bago naghugas ng pinagkainan.
May pinsan akong nagtuturo sa DEGMNHS (Don Eulogio de Guzman Memorial National High School) at kinausap siya ni mama na doon na lang daw kami i-transfer ng kapatid ko.



"Ma, parang ang pangit naman doon." Pagrereklamo ko. Kung tutuusin ay mas gusto kong mag-aral sa private dahil walang magulo, walang maingay, at makakatutok ka sa pag-aaral. Unlike sa public na magulo ang mga estudyante at walang manners gaya ng iba.



"Module lang din naman, hindi naman kayo magkikita-kita." Pagpapaintindi sa akin ni mama. Nang marinig iyon ng kapatid ko ay nagreklamo rin siya. Alam kong hindi sapat ang pera namin pero kung learnings ang usapan ay tiyak na mas maganda ang private.



"Kailan po kami mage-enroll?"



"Kinausap ko na si Bernard, siya na raw ang bahala. Magpapasa lang ako ng mga kailangang requirements."



Hindi na ako umimik dahil gusto ko na ring mag-aral. Iniisip ko lang kung magkakaroon ba ako ng kaibigan doon. Lalo pa't transferee lang din ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now