Chapter 9

3 0 0
                                    

JOSH'S POV

Pagkapasok ko sa room ay nadatnan ko si Amber na mag-isang nagbabasa ng libro. Gusto ko man siyang lapitan ay wala na akong karapatan. Umupo ako at kitang-kita sa mga mata niya ang saya habang siya ay may kausap sa telepono. Hindi na ako magtataka kung boyfriend niya iyon. Ano bang meron siya na wala ako?

"Good morning, Josh." Lumapit si Leigh sa akin na kakarating lang. "Kumusta?" Mabuti pa siya, kinukumusta ako. Eh, ikaw, Amber? "Woi," She snapped her fingers para magising ako sa reyalidad.

"Sorry, may sinasabi ka?" Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"Wala, sabi ko pogi ka." Ngumiti siya at halata na ang pag-blush sa kaniyang pisngi.

"Narinig ko na 'yan, eh." Kahit hindi ko sabihin ay si Amber ang naaalala ko sa tuwing naririnig ko ang mga salitang 'yan.

"Huh? Kakasabi ko lang kaya 'yon." Tumawa siya at pati si Amber ay napatingin.

"Ah..hahaha." Awkward na talaga ang atmosphere.

"Ay, oo pala, maaga tayo uuwi mamaya, 'di ba?" Tumango ako. "Gusto mo ba sabay na tayo umuwi?"

"Ahmm, p'wede naman."

"Sure ka, ah?" Ngumiti siya at bigla niya akong tinapik sa balikat.

"O-oo naman." Sinubukan kong tumawa pero nagmumukha akong tanga. Hindi ako sanay na may humahawak sa balikat ko, maliban na lang kung mga tropa ko ang gagawa.

Nagsimula na ang klase pero hindi ko maalis ang aking paningin kay Amber. Hindi ko maisip na bigla na lang siyang nawala sa akin.
Paano kaya kung kami pa ngayon?

"Gagi, Josh, huwag mong sabihing hindi ka pa naka-move on? HAHAHAHA." Inakbayan ako ni Adrian, at heto na naman siya. Lagi akong inaasar.

"Tumigil ka nga."

"Ikaw ang tumigil. Ilang buwan na nga kayong hiwalay, eh."

"Eh, ano naman?" Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya't nilingon ko siya.

"Hindi naman siya kawalan, pre." Unti-unti niyang hininaan ang boses habang nakatingin sa malayo. Nakatingin siya kay Amber kasama si.... Jeremy?

"Josh, si Jeremy ata iyon, eh." Turo niya sa kaniya.

"Magkakilala sila?"

"Ewan ko, ba't ako tinatanong mo?" Humalakhak siya.

"Hutekk," Naglakad ako paalis pero hindi ko na siya nilingon.

Uwian na at agad-agad na lumapit sa akin si Leigh.

"Tara na, Josh." Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na palabas ng room.

"Uy, may bagong love team." Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Nasa classmate ang true love!" Lalo silang tumawa kaya't napapayuko na lang ako.

"By the way, taga saan ka nga pala?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Sa-"

"Sa puso ni Amber?" Tumawa siya.

"Bolero ka pala."

"Gusto kitang patawanin, eh. Tignan mo, your dimple is fading na." Hinawakan niya ako sa mukha kaya't nagulat ako at lumayo. "Ay, sorry, hehe."

"Ayos lang." Nasa labas na kami ng school at saktong nakita namin si Amber at Jeremy.

"Nagsusubuan sila, oh. Iyak ka na." Tumawa siya na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. "Hala, sorry."

Tumingin ako sa taas at hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa nakikita ko.
Best friend ko ang pinagpalit sa'kin? Nice.

"Josh, sorry, hindi ko naman sinasadya-"

Naglakad na ako nang mabilis dahil gustong-gusto nang umuwi.

Kinabukasan ay hindi ako nakipag-usap sa kahit na sino. Nawawalan na ako ng gana sa lahat.
Nilingon ko si Leigh pero tutok lang siya sa pagsusulat. Nakokonsensya ako sa kaniya dahil iniwan ko siya nang hindi man lang ako nagpaalam.

"LQ agad?" Tumawa si Adrian at alam kong pinagtitripan ako.

"Uwi na ako." Kinuha ko yung bag ko at walang alinlangang lumabas ng room. Naka-ilang hakbang na ako ngunit walang Leigh na lumapit sa'kin. Ang inaasahan ko ay kakausapin ako dahil iyon ang lagi niyang ginagawa.

Nasa labas na ako ng school pero walang Leigh sa paligid. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinahanap, although si Amber pa rin ang mahal ko.

"Josh," Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Jeremy. "Pre,"

"Bakit?" Sinubukan kong kumalma dahil alam kong magiging emosyonal ako. Hutekk, bading na naman ako.

"Kami na nga pala ni Amber."

"Ahm, congrats." Tinapik ko siya sa balikat at naglakad na muli ako.

"Hindi ka ba magagalit sa'kin?"

"Bakit naman?" Lumulunok-lunok si Jeremy at alam kong hindi niya rin alam ang sasabihin.

"P'wede mo akong suntukin ngayon."

"Ha? Bakit ko iyon gagawin?"

"Kasi dahil sa akin hiniwalayan ka niya."

"Wala na akong magagawa dahil desisyon niya 'yon." Huminga ako nang malalim upang mas maging maayos ang aming usapan. "At saka, siguro nga ay nagkulang ako at hindi ko siya napahalagahan nang maayos." Tumingin siya sa akin ngunit hindi ko magawang magalit. "Hindi ko rin kasi alam na naghahanap pa pala siya ng mga bagay na wala ako," Ngumiti ako nang mapait. "Pero alam mo, sobra akong naiinggit sa'yo. Sa hitsura mo pa lang, talo na ako." Tumawa ako nang pilit para kahit papaano ay hindi magkaroon ng away.

"Josh," Tinapik niya ako sa balikat.

"Ayos lang, masaya ako para sa inyo. Pero ito lang ang masasabi ko..." Tumingin ako sa kaniya. "Huwag mo sana siyang sasaktan." Tumango siya at gumaan naman ang pakiramdam ko.

And I hope you'll do it.

"Okay lang ba sa iyong sabay ulit tayo mamaya?" Nakangiting lumapit sa akin si Leigh at hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman. Siguro ay dahil nasanay na akong makasama siya.

"Sige ba," Pumayag ako dahil wala rin naman akong kasama.

"Pero libre mo ako." Humalakhak siya.

"Susubukan ko," Nilabas ko ang wallet ko pero bigla niya akong pinigilan.

"Joke lang, ikaw naman." Nakahawak siya sa kamay ko at unti-unti kong napagmamasdan ang mukha niya. Ang ganda pala niya.

"Sigurado ka?" Tumango siya bilang sagot.

Nagsimula kaming maglakad at tumigil din nang may makita kaming street foods.

"Pili ka na ng gusto mo." Saad ko sa kaniya.

"Pinili na kita.." Lumingon ako pero bigla siyang natawa. "para ilibre ako." Pilit akong tumawa kahit naintindihan ko ang pinupunto niya.

Bumili na kami at agad din naming inubos dahil kailangan na rin namang umuwi. Naglalakad lang ako at sanay na ako.

"Josh!" Agad akong lumingon. "Thank you!" Kumaway siya habang nakangiti.

Unti-unti na rin akong napapangiti dahil sa kaniya. Is this part of moving on?

Pain isn't permanent~

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now