Chapter 1

12 0 0
                                    

JOSH'S POV

Naglakad ako papunta sa classroom namin dahil ito ang unang araw ng pasukan sa taong ito.
Kaibigan ko ang ilang mga kaklase ko, ngunit may isang babaeng nakatitig sa akin. Maganda siya, maputi, at sa tingin ko ay mabait. Nagpakilala na ang iba at ako na ang sunod.

"Good morning, everyone. My name is Joshua Evangelista. I'm 13, and I love math." Ngumiti ako at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Witwiw!" Sumipol si Adrian kaya't nagtawanan ang lahat. Pinapahiya talaga niya ako.

"Okay, next," Saad ng adviser namin at tumayo naman ang babaeng nakatingin sa akin kanina. Siguro ay transferee siya dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Hmm, my name is Amber Castillo. I'm also 13, just like Josh," Humagikhik siya na parang kinikilig.

"Ayieeeee! Bagay kayo!" Sigaw ni Adrian at tinutulak niya ako gamit ang balikat niya.

"Huwag ka ngang maingay," Tinignan ko siya nang masama pero hindi pa rin natakot.

"Okay, class, today is our seating arrangement. Kindly stand up and go to your seat if I insisted to." Tumayo kaming lahat at sumunod sa akin si Adrian na tatawa-tawa. "Para may thrill, magkatabi ang boy at girl." Lahat ng kaklase ko ay natawag na at kami na lang ni Amber ang hindi pa. "Castillo, Evangelista," Dumiretso kami sa gitna at siya ang umupo sa right chair at ako naman sa left.

"Ehem, first love na 'yan," Pang-aasar ng isa ko pang tropa na si Allen.

"Kayo ha, grade 8 pa lang kayo. Huwag muna love ang inaatupag." Pagsisita ng adviser namin.
Nagsimula nang magturo si ma'am sa harap, at saktong math ang subject namin. Nagso-solve ako sa isang equation at napansin kong nahihirapan si Amber.

"Gusto mo ba ng tulong?" Tanong ko sa kaniya at nagulat siyang tumingin sa akin.

"Ah..oo sana eh, pero nakakahiya," Kinuha ko 'yong notebook ko at binigay ko sa kaniya.

"Kopyahin mo na lang," Sabi ko upang hindi na siya mahirapan pa. Alam kong mahirap ang math,  at hindi rin naman masamang magpakopya hahaha.

"Salamat," Ngumiti siya at iyon ang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Tumango na lamang ako bilang sagot. Bawat araw na math ang subject namin ay nakasanayan ko nang turuan siya. Ang saya sa pakiramdam na nagiging komportable na ako sa kaniya.

"Ay ay ay, kayo na ba?" Tanong ni Adrian at hindi ako nagsalita.

"Hindi pa," Nagulat ako sa isinagot ni Amber.
Napalunok na lamang ako nang bigla kong ma-realize ang ibig niyang sabihin. Binalewala ko na lamang iyon at nagsimulang aralin ang solutions na ginawa ko. Pagkabukas ko ng pahina ay napansin kong may nakasulat sa likod ng math notebook ko.

Gusto kita

Binalewala ko uli iyon at itinuloy ang aking ginagawa. Break time na at nagpasya na akong lumabas ng classroom, lumapit naman agad sa akin si Adrian at bigla na naman niya akong inasar. Lumipas ang mga araw ay gan'on na ang trato namin sa isa't isa.

"Ikaw ah, dumada-moves ka na," Tinulak niya ako gamit ang balikat niya at hindi ko maiwasang matawa. Pumasok na kami ng canteen at nakita ko si Amber na mag-isang kumakain sa isang table. Transferee lang siya kaya wala siyang kaibigan na kasama. Gusto ko siyang lapitan pero alam kong aasarin na naman ako ni Adrian.

"Sige pre, alis na muna ako. Puntahan ko lang si Joanne." Tumakbo palabas si Adrian at ako ang naiwang mag-isa. Nagkaroon na ako ng pagkakataong makalapit kay Amber. Ang lungkot niyang tignan at hindi ako sanay na makakita ng babaeng mag-isa.

"Ahm, wala ka bang kaibigan dito?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Meron," Ngumiti siya.

"Eh bakit mag-isa ka?" Kumuha ako ng upuan at tinignan ko ulit siya.

"Mag-isa?" Taka niyang tanong. "Kasama kaya kita," Hindi ko mapigilang matawa sa kaniya.
"Oh, tumawa ka na. Mas pogi ka kapag ganiyan. Lalo na kapag lumalabas dimple mo." Ngumiti ulit siya. May nakaka-appreciate pala sa mukha ko, kahit papaano. Malapit nang mag-time kaya't pumunta na kami sa classroom.
Inaasar ulit ako ni Adrian at kaunti na lang ay masisipa ko na siya.

"Ligawan mo na kasi," Saad naman ni Allen. Hindi ako nagsalita at umupo na lang.

"Torpe talaga 'yang kaibigan namin, Amber. Pero alam mo, gusto ka rin niyan, nahihiya lang," Tumawa si Adrian at medyo nainis ako.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, lods." Nag-peace sign siya at umupo sa upuan niya.

"Sinong crush mo?" Nagulat ako sa tanong niya at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ikaw," Hindi ko napigilang magsalita. Gusto ko mang mag-deny ay hindi ko magawa. Gusto ko na siya, at naging komportable na ako sa kaniya.

"Ako? Wala akong crush eh," Malungkot niyang sabi. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko. "Oy, bakit natahimik ka bigla?" Bigla siyang natawa.

"M-may iniisip lang," Pinilit kong ngumiti pero sa totoo lang at hindi ko alam ang gagawin. Bakit ganito ang nararamdaman ko, siguro nga ay crush ko siya. Kahit naman sino ay magkakagusto sa isang tulad niya. Mabait, may pakialam, at hindi ka niya ipapahiya.

"Crush mo ba ako?" Tanong niya nang makalabas kami ng school. Napahinto ako sa paglalakad at unti-unti akong lumunok.

"M-mauna na ako," Utal kong sagot at tumalikod na sa kaniya.

"Crush din kita," Para akong nabuhusan ng tubig. Hindi ako makapaniwala. Ano na ang mangyayari nito? Hutekkk.

Kinaumagahan ay hindi kami nag-usap dahil na rin sa hiya. Hindi ko alam kung dapat bang hayaan naming mahulog kami sa isa't isa. Hindi naman masama ang sumubok, dahil kapag hindi ko ito ginawa ay baka magsisi ako.

"Pwede ba akong manligaw?" Naglakas ako ng loob para tanungin ito. Alam kong bata pa kami, at ito na siguro ang tinatawag nilang puppy love. I will not call this a puppy love, because it's my first love. She is my first love.

"Ipakilala mo muna ako sa magulang mo," Ngumiti siya at nagulat ako. "Joke lang,"

"Sige ba, gusto mo ba ngayon na?" Tumawa siya at mahina niya akong hinampas sa braso.

"Joke nga lang eh," Tumawa ulit siya at nabibighani ako sa ganda niya.

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko," Nagkunwari akong malungkot at napaisip naman siya.

"Tinatanong pa ba 'yan?" Lumapit ako sa kaniya at bigla niya akong niyakap. Ito ang unang pangyayari sa aking buhay. Ang yumakap sa akin ang taong gusto ko.

"Magpo-propose na ba ako?" Tumawa siya at hindi ko rin mapigilang matawa. I never imagined this.

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now