Chapter 10

0 0 0
                                    


JOSH'S POV

Magkatabi kami ni Leigh sa room at kapag kasama ko siya ay unti-unti kong nakakalimutan na may ex ako. Iba ang saya ko sa tuwing kasama ko siya, at iba rin ang lungkot ko sa tuwing wala siya.

"Josh," Nilingon ko siya dahil parang nahihirapan siya sa pag-solve. Kahit gusto kong kalimutan si Amber ay siya ulit ang naaalala ko.
"Paturo naman." Kinuha ko ang notebook niya at nagsimula na akong magpaliwanag sa kaniya.

"Ang galing mo." Nakangiti siyang kinuha 'yong notebook at nagsulat na.

"Naks naman, LQ lang kahapon, eh." Siniko ako ni Adrian at nagtawanan naman sina Allen.

"Iba talaga ang charms ng isang Joshua."
Nagtawanan ang iba kong kaklase at biglang nagtama ang paningin namin ni Amber.

"Uy, muling ibalik!" Nagtawanan muli sila.

"Nasa ex ang true love! HAHAHAHAHAHA." Kahit hindi ko tignan ay boses iyon ni Adrian.

"Comeback na 'yan, comeback na 'yan!" Sabay-sabay nilang sigaw habang nagtatawanan.
Hindi ko makita kung nasaan si Leigh, hutekk, kasalanan nila 'to.

Lumabas ako ng room at nakita ko siyang nakatayo sa corridor.

"Leigh," Pagtawag ko sa kaniya pero malungkot siyang lumingon. Lumapit ako sa kaniya at pilit akong ngumiti. "Recess tayo..."

"Ikaw na lang, wala akong gana." Lumunok siya at bigla nang naglakad papasok sa room.
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Ang hirap-hirap intindihin ng mga babae, nakakainis.

Ilang oras na ang nakalipas ngunit si Leigh ang iniisip ko. Wala naman akong nasabing mali sa kaniya pero bakit gano'n siya?

"Leigh, usap tayo." Naglalakad siya kaya sumunod ako. Lalo niyang binilisan ang paglalakad kaya't binilisan ko rin. "Saglit lang."
Patakbo ko siyang hinawakan sa kamay.

"Ang hirap-hirap mo namang mahalin, Josh!" Tumulo ang luha niya at hindi ko ito inaasahan.

"A-ano? Hindi ko maintindihan." Inilayo niya ang kamay niya at nagpunas ng luha.

"K-kahit pala araw-araw akong nandiyan para sa'yo, siya pa rin ang gusto mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kita, Joshua. Hindi mo ba iyon nararamdaman?" Bawat salitang kaniyang binibitawan ay nagmumukha akong masama sa paningin niya. "Kung sabagay, si Amber pa rin ang mahal mo."

"Anong sinasabi mo?"

"Tama naman ako, 'di ba? Alam ko naman 'yon, eh. Kaya nga minsan umiiwas na ako."

"Ex ko na si Amber."

"Oo, pero alam kong mahal mo pa rin siya."

Hindi ako nagsalita dahil iyon ang totoo.

"Sorry, Leigh. Pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo." Tumango-tango siya ngunit alam kong nasasaktan siya.

"Sorry din pero noong nakita kita, pinangarap ko nang magustuhan mo rin ako." Unti-unti siyang ngumiti nang mapait bago siya naglakad paalis.

Ang sama-sama ko. Siguro nga ay deserve kong maiwan at masaktan. Tumagal ng ilang buwan ang pag-uusap namin ni Leigh kahit ganoon ang nangyari sa amin. Hindi nagtagal ay unti-unti na akong nagkagusto sa kaniya. Kahit na nasaktan ko siya ay hindi niya ako iniwan.

"Josh!" Lilingon na sana ako pero bigla ko na lang naramdaman na nakayakap siya sa akin.
"Miss na agad kita." Humarap ako sa kaniya pero medyo lumayo ako. Kahit kami na ay nahihiya pa rin ako sa kaniya. Ayokong mag-take advantage dahil nirerespeto ko siya bilang girlfriend ko.

"Siguro kung kasal na tayo, lagi mo akong yayakapin." Nakangiti ako sa paglalakad ngunit hindi siya nagsalita.

"Kung ikakasal tayo," Napalingon ako sa kaniya ngunit bigla siyang natawa. "Joke lang! HAHAHAHAHAH."

"Magtatampo talaga ako 'pag hindi tayo kinasal."

"Grade 9 pa lang tayo, uy. Excited ka na sa kasal."

"Syempre naman 'no, para ready tayo."

"Ang tanong, tayo ba talaga?" Unti-unti naglaho ang saya sa aking mukha. Tama siya, walang kasiguraduhan.

"Joke lang ulit!" Tumawa siya at niyakap ako.
Ang sarap pala sa pakiramdam na mayakap ng taong mahal mo. Hindi ko kasi ito naramdaman kay Amber.

"Oh, ba't tumahimik ka?"

"Nagugutom na ako." Pilit akong tumawa at niyaya na siyang lumabas.

Dumaan ang tatlong buwan na magkasama kami ay unti-unti na siyang nagbago. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dahilan.

"Josh, sorry pero parang hindi ko nakikita ang future ko na kasama ka."

"A-anong ibig mong sabihin?" Bumilis ang tibok ng aking puso at kahit anong oras ay pwede nang tumulo ang aking luha.

"Kahit kasama kita ay parang may hinahanap ako na hindi mo maibigay."

"Mahal mo naman ako, 'di ba?"

"Minahal kita..." Yumuko siya na tila ay may iniisip. "Pero pakiramdam ko ay nagiging rebound mo lang ako." Tumulo ang luha niya.

"Sino ba ang nagsabi niyan? Mahal kita, Leigh Anne."

"Pero hindi ko iyon maramdaman."

"Bakit? Paano?"

"Alam kong kahit kasama mo ako ay si Amber pa rin ang iniisip mo."

Truth will set you free~

"Leigh, hindi naman sa gano'n."

"Eh, anong gusto mong gawin ko? Ang manatili sa lalaking mahal pa ang ex?"

"Hindi ko na mahal si Amber, okay? Besides, hindi kita liligawan kung siya pa rin ang nasa puso ko. Please think about it."

"O sige, sabihin na nating hindi mo na siya mahal, pero ako...hindi ko ramdam na secured ako sa'yo. Na may future ako sa'yo. At higit sa lahat, hindi kita ramdam bilang future husband ko." Hinawakan ko siya sa kamay at hindi ko na mapigilang umiyak.
Lagi na lang ba akong masasawi sa pag-ibig? Pagod na pagod na ako.

"Pero bakit 'yong iba, kahit may ex na 'yong partner nila, never nilang inisip na rebound sila, at never nilang naramdaman na wala silang future."

"Pero iba ako sa kanila." Ibinaba niya ang kamay ko at umalis.

Dalawang taon na pala akong pinagkaitan nang masayang pag-ibig.
Si Amber ang first love ko when I was in Grade 8, and my second love is in current time.

~I don't want to be in love again~

Sana kung mahulog man ulit ako, sana ay huli na siya. At sana ay tumagal na kami habang buhay.

Wishes might come true~

"Kahit pala pogi, iniiwan." Nagtawanan sina Adrian at hindi na ito bago.

"Ang ingay ninyo."

"Mabuti na lang, hindi ako pogi." Saad ni Adrian at natawa kami.

"Mabuti rin at alam mo."

"Well, at least hindi iniwan." Umiling-iling siya habang nakatingin kina Allen na kanina pa tumatawa.

Something happens unexpectedly~

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now