Chapter 4

5 1 0
                                    


JOSH'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa tuwing kasama ko si Amber. Napakaswerte ko sa mga oras na ako ang pinili niyang maging boyfriend. Sana ay siya na talaga ang aking mamahalin magpakailanman.

"Josh," Sambit niya habang nakayakap sa akin.

"Hmm?" Tinignan ko siya at sobrang ganda niya.

"I love you," Napangiti ako at lalo ko siyang niyakap nang mahigpit.

"I love you too," Pumikit ako at ine-enjoy ang bawat sandali na kasama ko siya. Sabi nila, kapag sobra kang masaya ngayon ay maaaring sobra ding lungkot ang iyong mararamdaman. Natatakot ako na baka kunin siya ng papa niya sa akin lalo pa't sikreto lamang ang aming relasyon.
Bawat araw na lumipas ay masaya kaming dalawa na parang wala nang makakasira sa amin.

"Saang simbahan gusto mong ikasal?" Tanong ni Amber na siyang nakapagpakilig sa akin.

"Kahit saan, basta sa'yo ako ikakasal," Humagikhik siya at alam ko ring kinikilig din siya.

"Walang forever," Narinig kong sambit ni Adrian na kanina pa pala nakatingin sa amin.
Kahit kailan talaga ay panira siya ng moment.

"Inggit ka lang kasi," Sagot naman ni Amber at natawa ako. Mas maganda kung ngayon na kami ikasal hahaha.

___

Nagpaalam si Amber sa akin na may bibilhin lang sa canteen kaya't nasa labas ako ng classroom na naghihintay. Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa siya. Hindi na ako nakapaghintay kaya't pumunta na ako sa canteen para hanapin siya.
Nakita ko siyang nakahawak ng binili niya at akma nang aalis. Gusto ko sana siyang lapitan ngunit may nagsasabi sa utak kong 'huwag'. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya dahil gusto ko siyang makausap.

"Amber-" Sambit ko sa pangalan niya nang biglang may lumapit sa kaniyang lalaki. Nagtawanan muna sila at hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Alam kong kaibigan niya lang 'yon pero iba ang nararamdaman ko. Naglakad na sila palabas at hindi man lang ako nilingon.
Hindi ko man lang maipagmalaking girlfriend ko ang kasama niya. Boyfriend niya ako pero para lang akong isang lalaking walang karapatan sa lahat.

"Uy, Josh!" Lumingon ako sa nagsalita at iyon si Joanne. Matagal ko nang alam na crush siya ni Adrian pero hindi niya ito maramdaman. "Nakita ko naman si Amber," Tinuro niya sa labas pero hindi ko magawang tignan. "Kayo na ba?" Tanong niya at lalo akong hindi nagsalita.

"May kasama ka ba ngayon?" Nag-isip muna siya bago nagsalita. "Ihatid na lang kita sa classroom mo," Kinuha ko ang bag niya at naglakad na ako. Kung kaya mo akong balewalain, kaya ko rin iyong gawin sa'yo. Nang makarating na kami sa classroom ni Joanne ay nagulat siya bigla.

"Uy, ano namang nakain mo at hinatid mo ako?" Nag-aalinlangan niyang tanong.

"Mag-iingat ka," Ngumiti ako sa kaniya at sinadya ko talagang lakasan ng boses ko dahil nakita ko si Amber na nakatingin sa amin.
"Tawagan mo na lang ako, alam mo naman number ko 'di ba?" Gulat na gulat si Joanne sa iniasta ko. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ni Amber, naiinis ako sa kaniya. Hutekkk.
Naglakad na ako paalis at hindi ko na siya pinansin.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay hindi ako maka-focus sa klase. Gusto ko na lang umuwi at matulog.

"Hoy, huwag mong sabihing crush mo rin si Joanne?" Umupo si Adrian sa tabi ko. "May girlfriend ka na nga, aagawin mo pa siya," Ngumiwi siya.

"Huwag ka ngang maingay," Natapos na ang klase kaya't tumayo na ako. Gusto kong manapak ng tao pero hindi ko magawa.

"Josh," Bigla akong natigilan sa paglalakad. Miss ko na siya. Miss na miss ko na. "P-pwede ba tayong mag-usap?" Pinipigilan kong maluha.

"Nag-uusap na tayo," Sagot ko at hindi siya nagsalita. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako,"

"Tungkol kanina..."Lumingon ako sa kaniya at pinilit kong ngumiti.

"Ang alin?" Hindi na naman nagsalita. Mahirap bang sagutin? Gaano ba kahirap ang magsabi ng totoo? "Late na, mauuna na ako," Pagpapaalam ko sa kaniya. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kaniya dahil ginusto ko 'to. Ako pa rin naman ang pumasok sa buhay niya at kasalanan ko 'yon. A secret relationship is not that bad but I think it's worth it. Worth it namang masaktan kung sa kaniya rin naman ako sumaya.

Umaga pa lang ay para na akong pagod na pagod na gusto ko nang magpahinga. Para akong nawalan ng gana nang hindi ko siya makita sa classroom. Kasalanan ko naman siguro kung bakit siya lumalayo sa akin. Naalala ko ang ginawa ko kahapon at pakiramdam ko ay nasaktan ko siya. Kasalanan ko ulit iyon.

"Sad boy," Nabigla ako sa sinabi ni Adrian. Tumayo ako at nakita ko si Amber na parang malungkot. Sorry.... Gusto ko mang banggitin ang salitang ito ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob. Lalapit sana ako nang bigla siyang maglakad papunta sa upuan niya. "Ang hina mo talaga, pare," Ngumiwi si Adrian habang umiiling. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pagiging duwag ko. Huminga ako nang malalim at mamaya ay kakausapin ko siya. Hihingi ako ng tawad sa ginawa ko kahapon.
Nagsimula ang klase pero si Amber ang nasa isip ko. Palagi na lang ganito, hutek.

"Anong gagawin ko?" Napasabunot ako sa buhok ko habang tinatanong si Adrian.

"Maligo ka, para kang sabog," Napapikit na lang ako at natawa. Masaya rin pala magkaroon ng kaibigan gaya niya.

"Hoy, anong pinag-uusapan ninyo?" Lumapit si Allen.

"Sabog kasi si Josh, tapos sad boy pa. Double kill na 'yan," Nagtawanan sila at nagulat ako nang biglang lumingon si Amber.

"Amber, ligawan ka raw ni Josh hahaha,"Nagtawanan muli sila. Palagi na lang akong pinagtitripan ng mga 'to, kapag kayo ang nakaranas nito, tatawanan ko rin kayo. Tumayo si Amber habang nagta-type sa phone. Uwian na kaya't lumabas na siya.

Chat received:

Uuwi na ako, Josh.

Lalo akong nawalan ng gana kaya't nagdesisyon na akong umuwi.

"Laro na lang tayo mamaya, mauuna na ako nito," Pagpapaalam ko sa kanila. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang big deal sa aking hindi kausapin ni Amber. Sabagay, mahal ko siya. Hindi na iyon magbabago kahit paulit-ulit man niya akong saktan. Tumingin ako sa daliri kong may singsing at napangiti ako.

Yes, we're not engaged but we promised to stay together.

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now