Chapter 7

2 1 0
                                    


JOSH'S POV

Magkatabi kami ni Amber ngunit dahil nabago ang seating arrangement ay napunta siya sa harap at ako ang nasa likuran niya.

"Josh, may bago naman na siya," Humalakhak si Adrian habang nakatingin kina Amber. Ang sakit lang isipin na may bago na siya, ang bilis niyang maka-move on. Dumating na ang adviser namin kaya't tumahimik na silang lahat. Palagi akong nage-excel sa klase, lalo na sa Mathematics. Napapangiti ako sa tuwing hinihiram ni Amber ang notebook ko noon. May kung anong kumirot sa aking puso na maalalang hindi na uli 'yon mangyayari.

"May dimple ka pala," Bigla akong natahimik sa imagination nang biglang magsalita si Leigh. Siya pala ang seatmate ko ngayon, hindi ko man lang napansin. Hindi ko rin alam kung bakit napapansin nila palagi ang dimple ko. Eh ako, Amber, kailan mo ako mapapansin?

"Hoy, tara, ml," Natawa ako sa tuwing nagyayaya si Adrian. Ang lakas din kasi niyang maglaro, nakaka-adik din kasi eh. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan si Amber. Kung kaya ko ba siyang palitan. Ayoko nang magka-girlfriend. Gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko na walang distraction.

But she's not a distraction, she's my inspiration.

Pero paano? Hiwalay na kami.
Tumingin ako sa daliri kong may singsing at doon na ako nakaramdam ng sakit. Nangako akong habang suot ko 'to, siya lang ang gusto kong pakasalan. Nangako rin naman siya, pero siya rin naman ang nagbago.

"Ex mo ba siya?" Nakasandal ako sa upuan nang magsalita si Leigh. Kinukulit niya ako kahit wala naman akong pakialam sa kaniya. "Ang ganda niya," Lumingon ako kay Amber.

"Sobra," Si Amber lang ang babaeng maganda sa paningin ko except kay mama.

I will treat you as a princess even if I'm not your prince~

"Huwag ka nang malungkot diyan, magbabago rin ang nararamdaman mo," Hindi ako nagsalita at tumingin lang kay Amber. Magbabago lahat, pero hindi ko alam kung magbabago rin ba ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa tuwing maglalakad ako sa hallway ay naaalala ko si Amber na naglalakad papalapit sa'kin at biglang hahawakan ang kamay ko. Miss ko na siya.

"Josh," Naglakad ako palabas ng classroom dahil uwian na. "Sandali," Lumingon ako nang biglang lumapit si Leigh. "Umuulan kasi eh, may payong ka ba?" Tumingin ako sa labas at ang lakas nga ng ulan. May payong ako pero gusto kong si Amber ang sumabay sa'kin. Tinignan ko ang upuan niya pero umuwi na pala siya.

"Ahm, sige, sabay na lang tayo," Naglakad na kami at dahil maliit ang payong ay nababasa na ang braso ni Leigh kaya't inakbayan ko siya para makalapit sa'kin. Ayos lang kung mabasa ako, ayos lang din kung masaktan ako. Halatang nagulat si Leigh sa ginawa ko kaya bigla ko siyang binitawan dahil baka iba ang isipin niya.

"Dito na lang ako, thank you," Tatakbo na sana siya papunta sa waiting shed nang mapansin kong may pula sa likod ng pantalon niya.

"Ahm, Leigh," Lumingon naman siya agad at hindi ko alam kung paano ko sasabihin iyon.
"May dalaw ka ba ngayon?" Nag-aalinlangan kong tanong at maya-maya ay tumingin siya sa likod niya. Mukhang siyang napahiya kaya't nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya matutulungan. Wala naman akong jacket para ibigay.

"Uy, Josh, nandiyan ka pala," Tumawa si Adrian at lumapit sa'kin. Nakita ko siyang may suot na jacket kaya kinuha ko 'yon sa kaniya. "Ano na namang ginagawa mo?" Pinigilan niya ang kamay ko.

"Ipahiram mo na 'yang jacket mo sa kaniya," Taka naman siyang tumingin kay Leigh.

"Bakit naman?" Yumuko si Leigh at mukhang nahihiya na siya. Lumapit ako kay Adrian at bumulong.

"May tagos siya, potek," Nagtakip siya ng bunganga dahil alam kong natatawa siya. Gago talaga nitong lalaking 'to.

"Edi umuwi na siya, bakit ko ibibigay jacket ko? Tapos malalagyan ng dugo, nakakadiri." Hindi ko na siya pinakinggan at hinubad na sa kaniya ang jacket niya. Nakakahiya kayang makita ng ibang tao na may tagos.

"Gago talaga 'to, madudumihan 'yon!" Itinali ko na sa bewang ni Leigh 'yong jacket para makauwi na siya.

"Sige, ibabalik ko na lang," Inalis ni Leigh ang jacket at akma niyang ibibigay kay Adrian.

"Huwag na," Pigil ko sa kaniya. Dugo lang naman 'yan, malalabhan din naman.

"Labhan mo 'yan ah, ang baho pa naman ng dugo. Baka malansa pa, kadiri." Halatang naiinis si Adrian. Hindi man lang magpaka-gentleman. Umalis na kami at kanina pa siya nagmumura.

"Jacket lang naman 'yon, lalabhan din naman hahaha," Tumawa ako.

"Palibhasa hindi mo jacket 'yon. Kung ikaw, kaya mo bang ipahiram jacket mo sa babaeng may tagos!?" Natawa ako at bigla kong naalala noong binigay ko jacket ko kay Amber dahil may tagos din siya noon.

"Oo," Lumunok ako at naiiyak ako sa naaalala ko. Gusto ko ulit maging girlfriend si Amber. Nawala na siya, pati ang pangakong magpapakasal pa kami. Kung sabagay, bata pa ako at alam kong marami pa ang mangyayari sa buhay ko.

You can't control anything~

Kinaumagahan ay nakita ko si Amber na may kasamang iba at hindi na ako magugulat.
Nagtama ang paningin namin pero naglakad lang siya at nilampasan ako. Mabuti pa siya ay naka-move on na, eh ako, kailan kaya? Kung iisipin ay hindi ko na siya makakalimutan pa dahil siya ang unang babaeng minahal ko.

She's my first love who broke her promise.

Sabi nila, huwag kang mangangako kung hindi no naman kayang panindigan. Hindi rin kasi lahat ng pangako ay nangyayari. Maaaring may masamang nangyari kaya iyon nagbago. Hindi ko siya masisisi kung hindi niya ako nakikita sa future niya. Mas mabuti na ito para hindi na ako umasa pa na kami talaga sa huli. Sana nga ay kami talaga. Araw-araw kong hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat. Panaginip lang na iniwan niya ako, para kapag gumising ako ay siya pa rin ang girlfriend ko. Nangako ako sa kaniya at napatunayan ko iyon. Time will heal myself. Alam kong mawawala rin ang sakit, hindi man ngayon pero alam kong mangyayari din.

"Josh, may ikukuwento ako sa'yo," Lumapit si Adrian at tinapik ako sa balikat. "Alam ko na kung bakit biglang nakipaghiwalay sa'yo si Amber," Nang marinig ko ang pangalan ni Amber ay nabuhayan ako sa sasabihin niya.

"Sabihin mo na," Lumapit siya sa'kin at saktong pumasok 'yong boyfriend ni Amber.

"Nakita raw ni Joanne si Amber at 'yang lalaking 'yan na nagyayakapan sa labas ng school. Kayo pa no'ng mga oras na 'yon pero hindi man lang nahiya. Tol, boyfriend ka niya tapos makikipaglandian sa iba." Kumuyom ang kamao ko at hindi ko mapigilang magalit.

"Kaibigan niya lang 'yon," Tumawa si Adrian kaya't lumingon ang iba naming kaklase. Alam kong hindi niya 'yon magagawa.

"Friends with benefits HAHAHAHA," Tumawa uli siya nang malakas kaya't pati sina Amber at lumingon na. Natahimik ako at hinintay siyang tumingin sa'kin. Paano mo nagawang makipaglandian sa iba habang may tayo pa? Hindi mo man lang ako maipagmalaki sa ibang tao. O baka naman dine-deny mo ako sa kanila.

It's not my loss, it's my gain.

Unknown Destiny (ONGOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن