Chapter 2

5 1 0
                                    


JOSH'S POV

Ngayong araw ay napagdesisyonan kong dalhin si Amber sa bahay namin para maipakilala ko na rin kina mama. Kaibigan ko na si Amber at alam kong walang malisya sa gagawin ko.

"Kinakabahan ako," Nakayukong sambit ni Amber.

"Ano ka ba, kasama mo naman ako," Ngumiti ako at inakbayan siya. Nasa harap pa lang kami ng bahay ay todo ngiti na si papa. Aasarin na naman ako nito.

"Pa, si Amber nga pala, kaibigan ko," Pagpapakilala ko sa kaniya.

"Hello po, tito," Inalalayan ko si Amber na pumasok sa bahay. Kinikilig ako sa tuwing ngumingiti siya.

"Kayo na ba?" Tanong ni papa at tinignan ko siya.

"Depende po tito kung liligawan ako ni Josh,"
Natawa si papa at saktong dumating naman si mama na mukhang galing sa barangay hall. Wala si kuya dahil pumasok siya sa school.

"Ma, si Amber po, 'yong kinukuwento ko po sa inyong kaibigan ko," Tumango si mama at ngumiti.

"Dito ka na kumain, iha, alas-dose na rin," Pumasok kami sa bahay at dito na kumain si Amber. Pakiramdam ko ay napakaswerte ko sa araw na ito. Siya ang unang babaeng pinakilala ko sa pamilya ko, at sana ay siya na rin ang huli.
Hindi masakit na sumubok, dahil mas masakit kung hindi mo sinubukan kahit na may pagkakataon pa. Hinatid ko sa tabi ng kalsada si Amber upang maghintay ng tricycle. Gusto ko sanang ihatid siya sa bahay nila pero nahihiya ako. Hindi naman niya ako boyfriend para gawin ko 'yon, sadyang feeling lang ako.

"Josh, alis na ako," Yumakap siya sa'kin at nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita at lalong humigpit ang yakap niya. Hindi ko magantihan dahil sa sobrang pagkabigla ko. "Salamat," Ngumiti siya at umalis na. Naiwan akong nakatulala habang inaalala ang mga pangyayari kanina. Napapangiti ako habang binubuksan ang pinto ng bahay namin.

"Binata na talaga ang anak ko," Inakbayan ako ni papa at natawa na lang ako. Gusto ko si Amber, at gusto ko siyang maging girlfriend. Hindi ko nga lang alam kung paano ko siya liligawan, hutekkk.
Lumipas ang mga araw ay pumupunta na sa bahay namin si Amber, minsan ay nakikipagkwentuhan na siya kina mama. Magaan ang loob ni mama sa kaniya, dahil na rin siguro sa gusto ni mama ng anak na babae. Kung gusto pa niya ng anak, bakit hindi ulit sila gumawa ni papa? Madali lang naman siguro, char hahaha.

____

"Ano na namang iniisip mo?" Tanong ko kay Amber na kanina pa nakatulala.

"Huh? Wala," Tumawa siya at ramdam kong may kakaiba. Hindi naman siya ganito sa tuwing kinakausap ko siya.

"May problema ba?" Umiling siya at sumenyas na aalis na. Hindi ako kontento sa mga isinasagot niya. Nagsimula na ang klase pero wala sa discussion ang utak ko. Kanina pa ako nakatingin kay Amber, pero parang ayos lang sa kaniya ang lahat. Natapos ang klase pero wala na akong gana. Gusto ko na lang umuwi lalo na at nauna na rin siya.

"Tsk tsk tsk, wala pang kayo pero nagkakaganiyan na kayo," Umiling si Adrian pero hindi ko na siya pinansin. Inaalala ko ang mga bagay na nasabi ko na pwedeng ikinalungkot niya. Wala naman akong maalala, o sadyang makakalimutin lang ako. Kahit sa pagpikit ng mga mata ko ay siya ang iniisip ko. Kumain na kaya siya? Anong ginagawa niya ngayon? Ayos lang ba siya? Kinuha ko 'yong phone ko at gusto ko siyang i-chat.

Composed chat:

Okay ka lang ba?

Nagdadalawang isip ako kung ise-send ko ba o hindi.

*Chat erased*

Pumasok ako sa classroom pero hindi ko siya makita, at tanging bag lang niya ang nakita ko.

"Wala pang kayo pero break na agad," Nagtawanan sina Adrian at naiinis ako. Break time na namin at mag-isa akong pumunta ng canteen. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Amber na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad pero bigla kong napansin si Amber na nakatingin sa akin. Gusto ko siyang kausapin pero bigla na siyang lumapit sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita pero may luha sa kaniyang mga mata.

"Amber, may problema ba?" Yumuko siya at wala akong magawa kundi ang yakapin siya.
"Nandito lang ako," Lumayo siya sa yakap at namumula na ang kaniyang mga mata. Kinuha ko sa bulsa ang panyo ko at ibinigay ito sa kaniya.
Naglakad na kami papunta sa classroom at doon na niya ikinuwento ang nangyari.

"Nag-away sina mama at papa," Mahina niyang sabi. "Pero alam mo ba, natatakot ako," nagsimula na naman siyang umiyak. "Natatakot ako na baka...baka hindi ka tanggapin ng parents ko," Napalunok ako.

"Ayos lang, Amber," Ngumiti ako sa kaniya pero tumitig lang siya sa akin.

"Pero gusto kitang maging boyfriend," Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Gusto rin kitang maging girlfriend," Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti. May pagkakataon pa naman para mapatunayan ko sa mga magulang niya na kaya kong mahalin ang anak nila.

"Gemays, akala ko break na kayo," Boses iyon ni Adrian. "Ay, wala palang kayo," Tumawa siya nang malakas at napailing ako. Sana nga ay matanggap din ako ng mga magulang niya. Dahil kapag dumating ang araw na maging girlfriend ko siya, hindi ko na siya pakakawalan pa.
Half day kami ngayon at niyaya ko si Amber na pumunta sa bahay para na rin magka-bonding kami.

"Ayos lang ba sa'yo na sa bahay ninyo muna ako?" Ngumiti ako sa tanong niya.

"Oo naman," Maikli kong sagot. "Pero mas ayos kung doon ka na rin uuwi," Dagdag ko.
Pumasok na kami sa bahay at parang sanay na sila mama na makita kaming magkasama. Sabagay, legal na kami although hindi pa kami. Iniwan ko siya sa kwarto dahil may inutos si mama, at hindi ko na rin namalayan na nakatulog siya. Ang ganda niya kapag nakapikit, sa susunod ay siya na ang katabi ko kapag kasal na kami. Napapangiti ako sa iniisip ko. Habang tulog siya ay naglaro muna ako ng Mobile Legends, pero syempre naka-earphones ako para hindi siya maistorbo. Kung papansinin ng iba, parang kami na, at alam kong malapit na.

Unknown Destiny (ONGOING)Where stories live. Discover now