Chapter 8

5 1 0
                                    


ALY'S POV

Bukas na ang exam namin pero hindi ko alam kung makakabayad ako. Last exam ko at nag-promissory note si mama sa isang subject teacher ko. Mabait si Ma'am Bernadette dahil sa kaniya rin ako sumasabay pumasok at umuwi, may service kasi sila. Nag-quiz kami at parang review na rin namin para bukas. Ang saya mag-aral lalo na kung may mga kaibigan ka.
Palagi pa ring magkasama si Reane at Chelsea, pero hindi na iyon bago sa'kin. Nandiyan naman si Sandy para samahan ako palagi.

Pag-uwi ko ay nag-igib ako sa balon ng panligo ko bukas, mahirap din kasi ang tubig sa amin. Masuwerte ang mga taong maraming tubig at hindi na kakailanganing mag-igib pa. Simula elementary ako ay ako na ang nag-iigib sa bahay namin. Kahit mayroon si kuya ay ako ang nag-iigib, kaya ko rin naman. Hindi kami mayaman, pero alam kong mayaman ako sa karunungan. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil never kong binigo ang mga magulang ko. Straight top 4 ako noong Grade 4-6 ako. Naaalala ko pa noong naging top 3 ako noong grade 1 ako, tie kami ng crush ko. Housewife si mama at si papa naman ay personal driver at nasa Manila siya. Last year ay bumisita kami sa kaniya. Namimiss ko na tuloy siya, lalo na at hindi siya umuuwi. Lagi kasi siyang may trabaho at kahit Linggo ay pumapasok siya. Ang sabi ni papa, kung uuwi siya ay masasayang lang ang pera dahil hindi rin naman siya magtatagal. Mas mabuting ipadala na lang niya ang pera. Ipinapangako ko sa sarili ko na kapag nakapagtapos ako ay gagawin kong mayaman ang pamilya ko. Iyong tipong hindi na kami uutang sa kapitbahay. Pabago-bago ang isip ko sa kukunin kong course sa college. Noong elementary kasi ako ay gusto ko ang nursing, ngayon naman ay education.

"Bakit wala kang pangalan, Alyanna?" Tanong ni Ma'am Maria. Kinakabahan na ako dahil ang alam ko at may promissory note na silang ibinigay.

"Ma'am, hindi ko po alam," Naiiyak na ako dahil baka hindi ako makapag-take ng exam. Nagsimula na silang mag-exam pero hindi pa ako pinapapasok. Maya-maya ay may pumasok na teacher at may ibinigay na papel.

"Aly, mag-exam ka na," Nakahinga ako nang maluwag. Shems, akala ko hindi na ako makaka-exam. Kumuha ako ng ballpen at umupo na ako. Hindi ako masiyadong nakapag-review pero tanda ko pa naman ang mga lessons. Pagkabasa ko sa questions ay nadalian lang ako. Ilang minuto ay natapos na ako, pero nagtataka ako dahil ako lang ang tumayo. Tumingin sila sa'kin kaya't nahiya akong lumapit sa Adviser ko para ibigay ang test paper ko.

"Sana all," Sambit ng isa kong kaklase. Uminom ako ng tubig at lumapit ako kay Sandy.

"Hintayin kita sa labas," Lumabas na ako at kinuha ko na 'yong libro at notebook ko para mag-review para sa next subject. Lumingon ako sa classroom at napansin kong may nagkokopyahan. Hindi ko na isinumbong dahil magmumukha akong pabida. Baka awayin pa nila ako. Alam nilang exam pero hindi sila nag-review. Sayang lang ang tuition ninyo kung hindi naman kayo nag-aaral nang mabuti. Ang swerte ninyo dahil may sapat kayong pera, at hindi na ninyo kailangang umutang pa. Sana lang ay matuto kayong tumulong sa inyong magulang sa pamamagitan lamang ng pag-aaral nang mabuti para makapasa, hindi 'yong makikipagkopyahan. Free books na lang dapat ang ibibigay sa'kin at payag naman ako. Pwede naman akong makihiram sa kanila kung kailangan. Sinabi ni papa na bilhan daw ako ng libro dahil mahihirapan daw ako kapag wala. Balang araw ay masusuklian ko rin ang paghihirap ninyo, mama.

Recess na at natapos na rin ang isang subject namin. Hindi naman ako nahirapan dahil familiar at memorized ko na ang lessons. Bumili ako ng kwek-kwek at hinintay ko na si Sandy dahil bumili naman siya ng pagkain niya. Pagkatapos ay bumalik na kami sa classroom. Nagbabaon ako ng lunch kaya't hindi na rin magastos. 60 pesos ang baon ko at kumakasya rin naman. 20 pesos ang pamasahe ko back and forth. May 40 akong pang-recess, pero 30 lang ang nagagastos ko dahil hindi ako nagmemeryenda sa hapon. Kwek-kwek ang binili ko at 6 pieces 'yon for 30 pesos dahil 5 pesos isa. May natira pang 10 pesos at iipunin ko 'yon. Hindi naman sa nagtitipid ako pero hindi talaga ako magastos. Kung tutuusin nga ay ayaw ko nang mag-recess dahil pakiramdam ko ay sayang lang sa pera. Naaawa na ako kina mama dahil alam kong umuutang pa siya para lang may allowance kami ng mga kapatid ko. Law student si ate, si kuya naman ay college na rin at Electric ang course niya. May bunso akong kapatid at grade 6 siya, grade 8 din ako. Sa private ako nag-aaral dahil maganda ang pagtuturo nila dito. Lalo na at dito rin nag-aral si kuya noong high school.

"Naka-review ka na?" Tanong sa akin ni Sandy nang makaupo kami.

"Oo," Kumain ako at uminom ng tubig. Nagkakausap din naman kami minsan ni Reane pero may parte sa akin na gustong ako lang ang kausapin niya. Hindi naman sa inaangkin ko siya pero para kasing inaagaw nila ang best friend ko.
Since Grade 7 ay si Reane na ang naging kaibigan ko, at hindi ako papayag na malayo lang siya ng gan'on. Nagsimula na ulit ang exam at dalawang oras din iyon. Sa tuwing natatapos ang iba ay cellphone agad ang hawak imbes na libro o notebook. Wala akong cellphone kaya wala akong oras para sa mga ganoong bagay. Mabubuhay naman ako kahit walang gan'on, lalo pa at hindi naman kailangan ang cellphone sa pag-aaral, unless kailangan ng mas mabilis na research.

Half day ngayon dahil last day na ng exam namin. Hindi ko rin naman ramdam na bagsak ako dahil nadadalian ako sa mga subjects, except sa Math.
Naaalala ko pa noong 21/40 ang nakuha ko. Mabuti na lang at nakalahati ko. Nahihirapan ako masiyado sa Math, sa tuwing discussion kasi ay laging lumulutang ang utak ko. Dalawa ang gate sa school, isa sa harap at isa rin sa likod. Naglalakad ako at sa likod ako dumaan dahil mas malapit doon patungo sa palengke. Mag-isa lang ako at medyo nababahala ako dahil may mga tambay rito. May naninigarilyo pa, hindi ako makahinga kapag gan'on.

"Hi, ate," Narinig ko ang nagsalita pero hindi ko nilingon. Naglakad na ako nang mabilis dahil kinakabahan ako at baka bugbogin nila ako.
"Ay, snober si ate," Hindi ko naman kayo kilala, why would I entertain you? Wala akong payong at sobrang init, lalo na at 11:30 na. Wala akong dalang panyo at pinagpapawisan na ako, nakakainis naman. Pagkarating ko sa palengke ay sumakay na ako sa tricycle. Hindi pa iyon aalis hangga't hindi pa iyon napupuno. Ang boring masiyado dahil wala man lang akong cellphone.
Uminom na lang ako ng tubig at tumingin sa labas. Maya-maya ay may dumating nang mga pasahero.

Bumaba ako sa tapat ng store nila Bryan dahil doon kasi ang daan patungo sa bahay namin. Magkapitbahay lang kami at kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siya. Crush ko siya simula pa noong Grade 5 kami. Hindi ko alam kung bakit hindi niya 'yon naramdaman. Grade 7 ay umamin ako sa kaniya pero pagkatapos n'on ay hindi na ako kinausap. Nakakahiya rin naman kasi na umamin ako sa kaniya, eh hindi naman ako maganda. Gwapo si Bryan at alam kong hindi ako pasok sa standards niya. Ayos lang sa akin na walang magkagusto, hindi ko naman kailangan ang love life para maging masaya. Nandiyan naman pamilya at mga kaibigan ko.

You don't need a lover to be happy~

Unknown Destiny (ONGOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin