Chapter 21

2.2K 128 15
                                    


Krista San Jose

"Bakit ayaw mong tumira sa ganito kagandang bahay Max?" Curious kasi ako. Nagpapakahirap siya sa apartment tapos may magandang bahay naman pala siya.

"Malungkot dito. Mas gusto ko sa apartment kasi madali kitang mapuntahan. Madaling kumilos."

"Wala kang kasama rito?"

"Yong driver ko ang kasama ko rito. Wala akong kasambahay dahil madalang naman ako rito noon. Pero once a month pinapalinisan ko ang buong bahay, ako na ang naglilinis ng sarili kong kwarto. Kaya pinag-aralan ko rin ang magluto para kaya kong buhayin ang sarili ko kahit walang ibang tao na gagawa non para sakin."

Parang question and answer ang nangyayari. Sa tagal naming magkakilala may sekreto pa pala siya kagaya nito. Pero hindi ako nagtatampo na hindi niya sinabi sakin na mas maayos ang buhay niya sa ipinapakita niya sa akin. Mas gusto ko nga na mas lalo siyang magtagumpay sa buhay at career niya.

"Kaya mo ba inilihim sa akin na mayaman ka para hindi kita utangan?"biro ko sa kanya. Natatawa siya. Ayan tumatawa na siya. Tumayo siya at umupo dito sa tabi ko.

"Alam mo Krista, nirereserve ko lang lahat ng ito para sa future. Pero it doesn't mean na titigil ako na mag explore ng ibang bagay. Hindi ko sinabi 'to sayo dahil hindi naman ito importante sa akin. Gusto ko lang ng simpleng buhay kagaya ng nakasanayan nating dalawa. Masaya ako na tumira sa apartment."

Alam ko naman nagsasabi siya ng totoo.
Kahit pringles lang ang ibigay mo sa kanya, masaya na siya. Simpleng tao lang siya, na hindi mo makikitaan ng yabang sa katawan. Pero kung pormahan lang naman, maporma siya kaya nga madaling makabingwit yan ng babae. Kasama ko rin siyang kumakain sa mga turo-turo canteen, wala siyang arte. Masaya ako na malaman na kahit wala siyang trabaho ngayon hindi siya mahihirapan.

Mahirap siyang intindihin, para kasi siyang may sariling mundo pero kapag nasasaktan ako dahil sa ibang tao siya ang unang tao na natatakbuhan ko. Hindi niya pinaramdam sa akin na nag iisa ako sa mga panahong kailangan ko siya. Ngayon lang kami nagka-problema ng ganito kalala.

"Krista, matulog ka na. May pasok ka pa bukas, ako wala naman akong gagawin dahil wala akong trabaho. Baka magmukmok lang ako rito."nagpunta siya sa banyo paglabas niya nakabihis na siya. Plain Tshirt at jogging pants ang suot niya. Humiga siya dito sa kama saka niya niyakap ang unan. Habang ako nananatiling nakaupo dito sa tabi ng kama. ".....humiga ka na."

Sumunod ako sa sinabi niya.

Kung hindi ko siya pinuntahan sa bar hindi kami magkakausap ng ganito. Todo iwas siya sa akin pero ngayong kasama ko siya, parang okay naman kami. Humiga na ako pero hindi agad ako nakatulog, nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko yong nangyari kanina. Naghalikan kami sa harap ng bar.

Kung hindi ko mahal ang taong 'to bakit hinahayaan kong halikan niya ako? Sa harap pa ng ibang tao.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Paggising ko kinaumagahan wala siya dito sa tabi ko kaya bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Hinanap ko kung saan ang kusina baka nandon siya. Nakakatuwa naman ang bahay niya.

"Max?"

"Oh, Krista gising ka na pala. Nagluto ako ng breakfast."

Nilapitan ko siya.

"Nakakahiya naman pinaghanda mo pa ako."

"Bakit ka naman mahihiya. Lagi naman natin ginagawa 'to sa apartment. Di ba?"

"Sabagay, ahm nagdadala ka ba ng babae mo rito?"tanong ko nong magsimula kaming kumain.

"Hindi ah."natatawang sagot niya. "....ikaw pa lang ang naiuwi ko rito at wala akong ibang dadalhin dito kundi ikaw lang."

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon