"Bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto."sagot ko.

"Yon naman pala, eh. Feel at home." Kahit nakakausap ko na siya may nararamdaman pa rin akong konting lungkot. Hindi ko kasi alam kung tuloy-tuloy na ang paguusap namin, o baka pagkatapos nito hindi na naman niya ako pansinin.

"Max, ayaw mo bang ibalik yong samahan natin?" Natigilan siya sa pagnguya.

"Higit pa don ang gusto ko, Krista." Ako naman ang natigilan.  "....pero okay lang kung hindi mo talaga ako mapagbibigyan. Sabi ko naman sayo, bigyan mo ako ng oras para mapag-isa, babalik ako."

Tumango ako. After namin kumain, ipinahanda na niya yong kotse, ihahatid ako ng driver niya. Ayaw ba niya akong ipagdrive pauwi? Di bale na nga. Kinuha ko na yong mga gamit ko dito sa kwarto niya at nilagay sa paper bag yong mga damit ko na hinubad ko kagabi.

Ang suot ko ngayon ay damit niya.

"Max thank you sa breakfast, ha?"

"Maliit na bagay lang yon. Yong driver ko na ang bahalang maghatid sayo. Mag-iingat ka, goodluck sa work." Tumango ako, lalapit sana ako sa kanya para yakapin siya kaso tumalikod siya saka sumilip sa bintana. "....ayon, okay na yong kotse. Hinihintay ka na ng driver."

Lumapit pa rin ako sa kanya saka ako yumakap sa likod niya.

"Bye, alis na ako."

"Okay, Krista."

"Naalala ko, may kasalanan ka sa akin. Lagi mo akong hinahalikan, kagabi hinalikan mo ako sa harap pa ng maraming tao."

"Ah yon ba, hindi ko na uulitin 'yon. Lasing kasi ako kagabi, hindi ko napigilan ang sarili ko. Sorry." Hindi raw uulitin!

"Sige alis na ako."paalam ko. Lumabas na ako at nagtungo dito sa kotse. Bago kami umalis pinagmasdan ko pa ng isang beses ang bahay niya. Napakalaki, pero halatang malungkot ang bahay na ito. Gusto ko sanang samahan muna siya rito kaso may pasok ako.

Nasa byahe na kami pauwi sa apartment ko.
Parang bata pa 'tong driver ni Max. Napaniwala niya ako na grab taxi ang sasakyan na ito, sa kanya pala. May sarili pa siyang driver.

"Hindi po ba nagda-drive si Max ng kotse?"tanong ko.

"Hindi po, Mam." Pero nag-dadrive iyon ng motor. Tamad lang siguro siyang magdrive ng kotse. Napasandal ako dito sa back rest ng upuan. Nalulungkot na naman ako.

Ilang taon kaming magkasama ni Max. Kaming dalawa lagi ang magkakulitan pero ako yong laging napipikon. Kahit may halong inis napapatawa niya ako palagi. Kapag umiiyak ako sa kanya ako tumatakbo, sa kanya ako nagpapa-comfort. Siya ang sumbungan ko. Kapag may sakit ako siya ang nag-aalaga sakin. Ipinagluluto niya ako, pinapainom ng gamot, dinadalhan ako ng pagkain sa opisina.

Pero ngayon, siya naman ang nangangailangan ng pag-intindi bakit nga ba hindi ko siya magawang intindihin, kailangan niya ng comfort pero wala ako sa tabi niya. Kung may isang taong lubos na iintindi sa kanya. Dapat ako 'yon.

Tama nga ata siya. Ako yong nag-iignore sa kanya, hindi ko nakikita kung gaano niya ako alagaan at pahalagahan dahil ang nakikita ko lang sa kanya ay yong bad side niya pero yong kabutihan niya sa akin hindi ko magawang i-consider.

Ang sabi niya hindi niya kayang mag-express ng nararamdaman niya. Hindi niya alam ang gagawin niya kaya siguro mas minabuti niyang iwasan ako, hindi para sirain ang pagkakaibigan namin kundi para ipa-realize sa akin kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.

Nag-iinit ang paligid ng mga mata ko.

"Pwede ba tayong bumalik sa bahay ni Max, Kuya? May nakalimutan kasi ako."

"Sige po, Mam." Agad na nag U-turn ang sasakyan at bumalik kami rito sa bahay ni Max. Patakbo akong umakyat papuntang kwarto ni Max at pagtapat ko dito sa pintuan ay kumatok ako ng ilang beses. Halatang nagulat siya pagbukas niya ng pintuan.

"Krista? Bakit? May nakalimutan ka?"

Tumango ako. ".....ano yon? May naiwan kang gamit?"

Binuksan niya maigi ang pintuan saka siya nagtingin-tingin sa loob ng kwarto tila may hinahanap siya. Iniisip talaga niyang may naiwan ako.

"Max....."

"Wala naman, eh. Ano bang naiwan mo?"

Naglakad ako palapit sa kanya saka ko siya niyakap.

"Ayokong mawala ka sa akin pero natatakot ako."

"Anong ibig mong sabihin, Krista?"

"Natatakot ako na magaya sa mga babaeng iniwan mo. Ayokong magaya sa kanila na lumuluhod sa harapan mo."

"Kaya ka ba bumalik para sabihin yan sa akin?"

"Sorry kung ini-ignore kita. Hindi ko nakikita yong mga bagay na ginagawa mo para sa akin. Nakatatak kasi sa isip ko na isa kang heartbreaker." Halata sa mukha niya ang lungkot dahil sa sinabi ko na isa siyang heartbreaker pero pinilit niyang ngumiti. "......pero Max, ang totoo marami kang katangian na maganda na hindi ko binibigyang halaga. I'm sorry."

"Krista, mahal kita. Sayo ko lang naramdaman yong kakaibang pakiramdam na hindi ko naramdaman sa iba. Kahit iwasan kita at layuan hindi ko magawa na alisin ka sa isip ko. Pinipilit ko lang maging okay pero hindi talaga ako okay." Yumakap siya sa akin saka siya lumuhod.

"Max, anong ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan." Umiling siya saka siya tumingala sa akin.

"Hindi ka luluhod sa harap ko, dahil ako ang luluhod sayo Krista. Baliktad na ang mundo ko ngayon, lahat ng ginagawa ko sa iba noon sa akin nangyayari. Ako yong umiiyak ngayon, dahil sayo. Pero okay lang, basta para sayo luluhod ako, kung pwede akong magmakaawa para sa pagmamahal mo gagawin ko dahil nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Marahan kong hinaplos yong buhok niya, para tuloy siyang bata.

"Hindi mo kailangan magmakaawa, Max. Kapag hindi ka pa tumayo diyan hindi kita pagbibigyan sa hiling mo." Hinila ko ang mga kamay niya para tumayo na siya.

"Mahal mo rin ba ako, ha? Kahit katiting lang?"

"Max, ikaw yong tao na ayaw kong mawala sa buhay ko. Hindi kita hahanapin kung hindi ka mahalaga sa akin, ang hinihiling ko lang huwag mo akong iwasan. Dahil pareho lang tayong nahihirapan. Okay?"

Tumango siya.

"....makinig ka. Bibigyan kita ng pagkakataon na ipakita sa akin na sincere ka sa nararamdaman mo sa akin. Kapag nagawa mo yon, makukuha mo ako at ang pagmamagal ko ng buong-buo. Naiintindihan mo ba?"

"Naiintindihan ko. Kung ganon may pag-asa na ba ako?" Gusto kong matawa, hindi pa nga siya nagsisimula, eh. Gusto agad niyang makasiguro.

"Patunayan mo muna sa akin. Paano, kailangan ko munang umalis. Pero mag-taxi na lang ako kasi nakakahiya sa---."

"Hindi mo kailangan mag taxi. Sasamahan kita pabalik ng apartment mo."

"Talaga?"

"Oo, wala naman akong ginagawa." Bakit kaya kanina hindi niya ako sinamahan? Dahil ba binigyan ko na siya ng pagkakataon kaya niya ako sasamahan pauwi ng apartment ko ngayon?

Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makasakay kami dito sa kotse. Gumaan na ang pakiramdam ko, mas okay na ngayon kesa kanina. Tama lang na magpakatotoo ako kesa uuwi ako na malungkot.

.....

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang