"Oh? Parang ang seryoso ng pinag-uusapan n'yo ah." Sabay kaming napalingon ni Daddy sa likod n'ya nang marinig namin ang boses ni Mommy.

My ear-to-ear smile immediately flashed when Mommy hugged me using her one shoulder.

Mabuti na lang at biglang dumating si Mommy, kasi kung hindi, hindi ko alam kung saan papunta itong pag-uusap namin ni Daddy.

"Well, it is just about our airlines." Si Daddy ang sumagot habang ang mga mata ay sinisenyasan ako. Kaagad ko naman itong nakuha.

"Really?" Mommy rolled her eyes. "Puwede ba na huwag n'yong ipasok dito sa loob ng bahay ang tungkol sa trabaho?" Naiinis na saad ni Mommy habang palipat-lipat ang mga mata sa amin ni Daddy.

Tumawa lamang naman ako at tumango-tango.

"Uh, Mom, Dad, I have to go." Pagpaalam ko sabay halik sa pisngi nina Mommy at Daddy.

"Gusto mo bang ihatid kita?" Daddy asked.

Kaagad naman akong nagpanic pero hindi ko pinahalata. "Thanks, but I can handle myself, Dad. Magcocomut—"

"What?!" Mommy instantly react, causing me to stop from what I was about to say. "Anong magcocomute? We have a service, Yvette! May driver tayo! Wait, I'll call Mang Ar—"

"Let her do what she want to do, Yvana. Malaki na s'ya. If she want to commute, then let her be. Let her make her own decision."

Sa pagkakataong ito natulala ulit ako. Hindi dahil sa nasaktan ako sa sinabi ni Daddy, kundi dahil nagulat ako.

Really?

S'ya ba talaga 'to?

Sinabi ba talaga n'ya 'to?

Nakakapanibago.

Okay. Bye! Ingat!" Mommy waved her one hand to me. Tumango lamang naman si Daddy sa akin. Tumango rin ako sa kan'ya pabalik at nginitian. Pagkatapos nito ay tumalikod na ako at sinimulan nang maglakad.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan na isipin ang mga sinabi ni Daddy kanina. He says that let me do whatever I want to do, and let me do my own decision in life, but why it's like contradicting to what he said earlier? He don't want Benjamin to me, but he wants me do to my own decision. Pa'no kung si Benjamin ang desisyon ko sa buhay? Magagalit ba s'ya sa akin?

Iniling-iling ko na lamang ang ulo ko at binuksan ang maliit na pinto sa gate namin. Tinawag ko naman ang isa naming kasambahay na nasa may garden namin nang nasa labas na ako ng gate. Inutusan ko s'yang iserado ang pinto at pagkatapos no'n ay naglakad na ako sa labasan para makahanap ng tricycle. Magtri-tricycle na lang ako kesa magtataxi.

Nang nasa loob na ako ng tricycle tamang-tama naman na may nagtext sa akin.

Napangiti ako nang makita na kay Benjamin ito galing.

Marcus:
Hi!

Sinadya ko talaga na gawing Marcus ang pangalan n'ya sa phonlist ko. Mas hot kasi kapag Marcus kesa sa Benjamin. At tiyaka mas guwapo kasing basahin ang Marcus kesa Benjamin.

Kaagad akong napapikit ng mga mata at napahawak ng mahigpit sa cellphone dahil sa namumuong kilig sa sistema ko. Hindi ako kinikilig dahil sa hi ni Benjamin, kinikilig ako dahil sa iniisip ko.

Feeling ko sasabog na ang puso ko!

Marcus:
Are you busy? Can I call you?

Kaagad akong napaayos ng upo nang mabasa ang bagong text ni Benjamin. Napakagat labi muna ako bago sumagot sa text message n'ya.

Malas naman. Nasa loob ako ng tricycle, hindi ako makasigaw at hindi ko malabas ang kilig ko.

Ako:
Hi! Yeah sure call me

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora