Chapter 18 - Finale

1K 50 10
                                    

Pormang-porma si Magnus ng bumaba mula sa kanyang kwarto. Nakita niyang nagbabasa ng newspaper si Magnum sa salas kaharap ang umuusok na kape. 

"Brother, ayos lang ba ang porma ko? Wala bang kulang? 'Yung buhok ko, hindi ba magulo?" Tanong niya rito. 

"May ball party ka bang pupuntahan?" Tanong ni Magnum na bahagya lang tumingin sa kanya. Inangat nito ang kape at uminom. 

"Manliligaw ako."

Umubo si Magnum at natapon ang kape sa hita nito.

"Sh't!" Reklamo nito habang ginagawang pampunas ang newspaper sa nabasang pants. Bumaling ito sa kanya na salubong ang kilay. "Seryoso ka?"

"Oo naman! Three weeks na akong nanliligaw kay Sabrina at ngayon ang una naming date." Proud niyang sabi.

"Okay, goodluck." Balewala nitong sabi.

"Teka. Iyan lang ang sasabihin mo? Tingnan mo muna ang itsura ko kung maayos na."

"Hindi ito ang unang beses mong makikipag-date. Kaya huwag kang umasta riyan na parang first time mo." Seryoso nitong sagot.

"Ano ka ba, Brother. First date ko ito sa babaeng mahal ko. Kaya dapat maayos ang aking itsura para hindi siya maturn-off." Nakangiti niyang paliwanag.

Hindi naman siya nito pinansin at iniwan siya sa salas.

"Menopause na yata ang kakambal kong 'yun ah." Kibit balikat niyang komento.

Nagtungo si Magnus sa Medios Light house para sorpresahin si Sabrina. Ngayon pa lang niya ito yayain ng date. 

Kaagad niyang nakita ang dalaga pagpasok niya sa Medios Light house. Nagtaka siya sa salubong nitong kilay habang kausap ang sopistikadang babae sa harapan nito.

"Malandi ka! Akin lang si Magnus!" Galit na sigaw ng kausap nitong babae.

Nagmamadali namang lumapit si Magnus kay Sabrina ng sasampalin ito ng babae. Humarang siya sa unahan ni Sabrina kaya sa dibdib niya dumapo ang palad ng babae.

Gulat naman ang rumehistro sa mukha ng babaeng kausap ni Sabrina.

"Oh my God, Magnus. I'm so sorry." Mabilis itong sa kanya at mapang-akit na hinaplos ang dibdib niya. Sinadya pa nitong idikit ang malusog na dibdib sa katawan niya.

Umatras naman siya at umiwas. Maganda na 'yung maagap siyang kumilos baka mapunta sa wala ang panliligaw niya.

"Miss, ginagalang ko ang mga babae. Walang kwenta ang buhay naming mga lalaki kung wala kayo sa buhay namin." Sambit ni Magnus. Malawak namang ngumiti ang babae sa harap niya pero mukhang sasabog naman si Sabrina sa likuran niya. "Pero, walang kwenta ang buhay ko kung wala ang babaeng ito sa likuran ko. Siya ang buhay ko. Pakiusap, umalis ka na bago pa dumugo ang ilong mo." Muli niyang sabi sa babae.

Inirapan naman nito si Sabrina.

"Magsasawa ka rin sa kanya. Kapag nangyari 'yon narito lang ako. Ito ang calling card ko." Nakangiting sabi ng babae kay Magnus.

"Hindi na kailangan, Miss. Tapos na akong maglaro. Humanap ka na lang ng iba." Mahinahon niyang sagot sa babae.

Napapahiya naman nitong binawi ang calling card. Itinago nito ang pagkapahiya sa pamamagitan ng pag-irap.

"Peste talaga ang mga kagaya niyang nagkakagusto sa'yo. Nakakainis na sila." Reklamo ni Sabrina ng umalis ang babae.

Humarap naman si Magnus dito.

"Sagutin mo na kasi ako para official na tayo. Hindi ka na nila guguluhin." Nakangiti niyang biro rito. Palagi niyang sinasabi iyon simula ng manligaw siya. Kaya alam niyang hindi nito seseryosohin iyon kahit seryoso siya sa sinabi. 

"Sige. Kapag ginulo pa nila ako, tatamaan na sila sa akin. Dapat malaman nila na girlfriend mo na ako."

Natigilan naman si Magnus. Mahigpit niyang pinagdikit ang labi para supilin ang ngiti. Tumikhim siya para maging normal ang boses sa kanyang sasabihin.

"Pinag-isipan mo bang mabuti bago sabihin 'yan? Ayokong napipilitan ka lang dahil sa mga babaeng gumugulo sa'yo. Seryoso ako sa intensyon ko sa'yo kaya handa akong maghintay para-"

Naputol ang sasabihin ni Magnus ng biglang hilahin ni Sabrina ang necktie ng suot niyang suit.

"Ang dami mong sinasabi." Sambit nito bago halikan ang kanyang labi.

Napangiti siya sa ginawa nito. Nagustuhan niya ang pagiging aggressive nito ngayon. Sana palagi itong aggressive.

Nabitin si Magnus ng humiwalay agad si Sabrina sa kanya.

"Isa pa." Hiling niya rito pero inirapan lang siya ni Sabrina.

Dumukwang siya rito at bumulong.

"I love you." Nakangiti niyang sabi.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya.

"Siraulo." Sambit nito at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Mas lumawak ang ngiti ni Magnus. Nasanay na rin siya sa mga lenggwahe nito at ang 'siraulo' ay I love you para sa kanya. Inakbayan niya si Sabrina.

"Tol, hiramin ko muna ang mahal ko!" Sigaw niya kay Ken na nakapwesto sa bar counter.

"Layas! Huwag na kayong babalik. Pakasalan mo na!" Sagot nito.

"Salamat, Tol! Halika, date tayo."

Hinila niya palabas si Sabrina. Natigilan sila ng humarang ang limang lalaki sa parking lot. May mga dala itong baseball bat.

"Sugurin nyo sila!" Sigaw ng na sa unahan. 

"Ano ba 'yan? Istorbo naman." Reklamo ni Magnus.

"Ako na ang haharap sa kanila. Ayokong sirain nila ang una nating date."

Hindi na napigilan ni Magnus si Sabrina ng salubungin nito ang limang lalaki. Napakamot na lang siya sa batok ng mabilis nitong napatumba ang mga lalaki.

"Sinabi ko sa inyo na huwag na kayong magpapakita sa akin. Ang lakas ng loob ninyong bumalik tapos nanggugulo na naman kayo rito. Peste kayo! Hindi na kayo nagtanda!" Sigaw nito sa isang lalaki. Sinipa pa nito ang nakahandusay na lalaki. 

"Tara na. Sayang ang oras." Nakangiti nitong sabi ng bumaling sa kanya.

Muli niya itong inakbayan at hinalikan sa sentido.

"Badass bouncer."

Tumawa naman ito sa sinabi niya.

"Trabaho lang." Nakangiti nitong sagot.

Ngumisi si Magnus at walang paalam niya itong binuhat. Mabilis naman itong yumakap sa batok niya at humilig sa kanyang balikat. Naglakad siya patungo sa kotse habang buhat si Sabrina. 

"Thank you, Magnus." Bulong nito.

"No, Sabrina. Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Salamat dahil naging makulay ang buhay ko ng dumating. Mahal na mahal kita."

Tumunghay ito sa kanya at ngumiti.

"I love you too."

Pigil ang ngiti ni Magnus pero hindi pa rin niya mapigilan kiligin sa sinabi nito. 

"Ang sarap pakinggan. Isa pa nga." Nakangiti niyang hiling. Hindi na talaga maalis sa labi niya ang ngiti sa tuwing kasama si Sabrina. Hindi iyon normal na ngiti lang. Ngiti iyon na may kasamang pagmamahal.

"Siraulo."

Malakas siyang tumawa ng umirap ito sa kanya. Isang mannerism na minahal niya kay Sabrina. Kahit ano naman ang reaksyon nito, natutuwa siya. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit anong kapintasan ay balewala sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil alak ang kanyang naging sandalan noong oras na kailangan niya ng kasama. Nasaktan siya noon at humantong sa isang bar para uminom. Iyon din pala ang magiging daan para matagpuan niya ang Badass female bouncer sa katauhan ni Sabrina. Ang babaeng pagbibigyan niya ng buong panahon at pag-aalayan ng pagmamahal habang siya'y nabubuhay. 

END.

...

...

...

Nagustuhan nyo ba? Hehe!

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon