Chapter 15

656 36 0
                                    

Sumisipol na naghanap ng susuotin si Magnus sa kanyang dressing room. Dumaan siya sa ahensya kung saan siya nagtatrabaho para magpalit ng damit. May mga naiwan siyang damit doon for emergency purposes. On the way ang ahensya sa trabaho ni Sabrina. Nagpadaan siya roon bago ito pumasok sa trabaho. Susunod naman siya roon para makasama ang dalaga. Totoo ang sinabi niya rito. Hindi niya sasayangin ang bakasyon para lang sa wala. Seryoso siyang makuha ang loob nito. 

"Pwede na 'to." Tukoy niya sa nakuhang casual attire sa dressing room. "Kahit ano naman ang isuot ko, gwapo pa rin ako." Nakangiti niyang puri sa sarili habang nagpapalit ng damit.

Naghanap siya ng card sa drawer na pwede niyang gamitin. Ang alam niya meron siyang itinatago roon.

Napangiti si Magnus nang makita ang isa niyang card doon. Nang damputin niya iyon, napansin din niya ang nakatuping papel sa gilid. Kinuha niya iyon at binuksan. 

"Sulat pala ito ng Mommy ni Sabrina. Naiwan ko pala ito noong nag-file ako ng vacation leave pagkatapos ng aksidente ni Sabrina. Tamang-tama, ibibigay ko na ito sa kanya para siya ang unang makabasa nito." Isinilid niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon pero may maliit na papel na nalaglag mula sa sulat. 

Pinulot niya iyon. Pangalan ng lugar ang nakalagay sa papel. 

"Medios Light house. Pamilyar sa akin ang lugar na ito." Sambit niya habang iniisip kung saan iyon narinig. "Ah, alam ko na! Dito nagtatrabaho si Sabrina ngayon." Nakangiti niyang bulalas nang maalala ang lugar. Ngunit nagtaka siya kung bakit naroon ang address. 

Tiningnan niya ang likuran ng papel. May nakasulat din doon na nagbigay ng labis na kaba sa kanya.

"Dio Medes Organization main headquarters? D'mn! Dapat kong puntahan si Sabrina. Delikado para sa kanya ang lugar na iyon." Nagmamadali siyang lumabas sa dressing room.

Nakasalubong naman niya ang kapwa modelo na may hawak na susi.

"Peter!" Tawag niya rito.

"Oh, Magnus? Akala ko ba na sa bakasyon ka? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa kanya ng makita siya.

"Pwede bang hiramin ko ang sasakyan mo? Ibabalik ko rin. Emergency lang."

Tumingin ito sa hawak na susi at sa kanya.

"Walang problema kaya lang ayos lang ba sa'yo?"

"Oo, ayos lang sa akin. Basta makarating ako sa pupuntahan ko." Nagmamadali niyang sabi.

"Sige. Mag-iingat ka." Hinagis nito ang susi sa kanya.

Sinalo naman niya iyon.

"Salamat." Sambit niya rito.

Pagkarating sa parking lot, pinindot niya ang key button sa hawak na susi para malaman kung nasaan ang sasakyan nito. Namutla siya ng makita ang isang mamahaling motorsiklo. Pinagpapawisan siya habang lumalapit sa sasakyan. Bumabalik sa alaala niya ang phobia sa motor. 

Namuo ang pawis sa kanyang noo ng hawakan niya ang motorsiklo. Pumikit siya para alisin sa kanyang isip ang imahe ng nangyaring aksidente noon, dahilan ng pagkamatay ni Marga, ang bunso at nag-iisa nilang kapatid na babae ni Magnum.

Naririnig pa niya ang masayang boses ng kapatid habang angkas niya ito sa bagong bili niyang motor. 

'Kuya Magnus, faster! I love this feeling riding your motorbike. I feel like I'm a bird. I'm flying, Kuya!'

Paborito nitong umangkas sa kanyang motor at maramdaman ang preskong hangin sa kanilang lugar. Ngunit isang aksidente ang nangyari ng mawalan nang preno ang isang truck. Deretso sila nitong sinalpok sa intersection. Sugatan siya habang dead on arrival si Marga.

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon