Chapter 1

1.3K 60 0
                                    

Masayang nagtatawanan ang tatlong kalalakihan sa loob ng isang bar. Hindi nila alintana ang tingin ng mga kapwa customers. May palihim na kumukuha ng larawan at hayagang sinisigaw ang kanilang pangalan. Sino bang hindi mapapalingon sa kanila? Grupo lang naman sila ng mga sikat na modelo sa bansa. Ang iba sa kanila ay gumagawa na rin ng pelikula at drama katulad ni Magnus Anticlair, ang pinaka-sikat sa tatlo. 

"Happy birthday, Tol! Sana malasing mo kami. Huwag ka tatakas ngayong gabi para mag-take out ng babae. Babantayan ka namin." Nakangising sabi ni Jude kay Magnus. 

Kaarawan ngayon ni Magnus. Wala sa bansa ang kanyang mga magulang at kakambal na si Magnum kaya mga kaibigan niya ang kanyang kasama. 

"Salamat, Tol. Pagbutihan mo ang pagbabantay sa akin. Baka mamaya, bumagsak ka na riyan sa kalasingan." Sagot ni Magnus. 

Tumawa naman si Ken, ang isa pang kaibigan ni Magnus. 

"Bottoms up para kay Magnus!" Sigaw nito habang nakataas ang hawak na bote ng alak. 

"Bottoms up!"

Nag-toast ang tatlo at inubos ang laman ng hawak na bote. 

"Kaya pa ba? Isa pa lang ang iniinom mo parang babagsak ka na. Paano mo pa ako mababantayan niyan?" Kantyaw ni Magnus kay Jude. 

Namumungay na ang mga mata ni Jude, ang pinaka-mahinang uminom sa kanilang tatlo. Swerte na kung gising pa ito sa ikatlong bote ng alak. 

"K-kung hindi mo kaarawan ngayon, hindi talaga ako iinom. Nakakadala uminom ng alak. Ang sakit sa ulo kapag nalalasing." Sagot nito sa kanya. 

"Sabihin mo lang Tol kung uuwi ka na. Tatawag ako ng driver para ihatid ka." Muli niyang sabi. 

"H-huwag mo akong alalahanin, Tol. May mag-aasikaso sa akin dito. Mag-enjoy ka lang diyan. Libre namin ito ni Ken. 'Di ba, Tol?" Baling na tanong nito kay Ken. 

"Tama si Jude, Magnus. Dito nagtatrabaho ang kapatid ni Jude kaya hayaan mo na ang isang 'yan. Mag-enjoy ka na lang ngayong gabi. Maraming chika babes oh!" Sang-ayon ni Ken. 

"Maraming salamat mga Tol. Palagi kayong nandyan para sa akin. Baka tayo talagang tatlo ang forever." Nakangisi niyang biro sa dalawa. 

"Kilabutan ka nga, Magnus. May Kristine na ako." Sambit ni Ken tukoy sa fiancé nito. 

"Hindi rin kita papatulan kung babae ako. Hindi kita type." Tanggi ni Jude. Bahagya pa itong lumayo sa kanya at tumabi kay Ken. 

"Hindi mo 'yan sasabihin kung babae ka. Walang tumatanggi sa itsurang ito. Baka matanaw mo lang kahit hibla ng buhok ko, humabol ka na." Nakangisi niyang sabi. 

"Birthday mo naman kaya papayag na kami. Regalo na lang namin ang pagsang-ayon sa'yo ngayon." Nakangising sabi ni Ken. 

"G*go! Kahit hindi ko kaarawan, alam kung sang-ayon ka sa kagwapuhan ko." Proud niyang sabi. 

"Lumakas ba ang aircon o lumakas ang hangin? Bigla kasi akong kinilabutan ng lumamig ang paligid." Inosenteng tanong ni Jude pero alam ni Magnus na siya ang tinutukoy nitong hangin. 

"G*go ka, Tol!" Dinampot ni Magnus ang takip ng bote at pabirong binato kay Jude. 

Nagulat siya ng biglang sumulpot ang isang kamay sa harap ni Jude at sinalo ang takip ng bote. 

"Huwag mong dagdagan ang trabaho namin sa pagkakalat mo. Sa mesa mo ilagay ang takip ng bote at huwag ihagis kung saan-saan." Seryoso nitong sabi sabay lagay ng ice bucket sa mesa nila. 

Badass Female BouncerWhere stories live. Discover now