Chapter 16

649 34 0
                                    

"Sir Ken," bati ni Sabrina sa bar owner.

Ngumiti ito sa kanya. 

"Please take a sit." Paanyaya nito sa kanya na pinaunlakan niya. 

Napansin ni Sabrina na may kakaiba sa ngiting pinapakita nito ngayon. Tila may ibig sabihin sa likod niyon. 

"Sabrina Kim, you know what is this place, right?"

Bahagyang natigilan si Sabrina. Hindi maaaring maexpose ang cover niya ng ganoon kaaga. Hindi pa sapat ang mga impormasyong nakukuha niya sa lugar. Kailangan pa niya ng masusing imbestigasyon para malaman kung sino ang Big boss ng Dio Medes Organization. 

"Tinanggap kita rito para magtrabaho pero iba ang layunin ng pagpunta mo rito. Tama?"

Hindi sumagot si Sabrina. Nanatili siyang nakikiramdam sa paligid. 

Tumayo si Ken. Nakalagay sa bulsa ng pantalon ang isa nitong kamay habang pinaglalaruan ang isang ballpen sa kabila. Tumigil ito sa likod ng inuupuan niya. Bahagya itong dumukwang sa kanya. Itinutok nito sa leeg ang hawak na ballpen. Lumabas doon ang isang patalim.

"Anong gagawin mo ngayong expose na ang cover mo sa mismong Big boss?"

Nanatiling kalmado si Sabrina kahit nagulat siya sa rebelasyon nito. Ang alam lang niya ay naroon sa lugar na iyon ang Big boss pero hindi niya inaasahan na kaibigan ito ni Magnus. 

"Ano kayang magandang gawin sa'yo? Pahirapan muna bago patayin o patayin agad? Boring naman kung papatayin kita ng walang hirap. Napakadali noon."

"Kung plano mo akong patayin, hindi mo na ako ipapatawag dito. Nagkalat ang mga tao mo sa labas. Isang utos mo lang, tapos ang problema mo. Anong kailangan mo sa akin, Big boss?" Seryoso at walang kaba niyang tanong.

Marami itong pagkakataon para patayin siya. Ito ang unang nakaalam na buhay siya maliban sa grupo ni Captain Alvarez. Nakausap niya ito ng mag-apply sa trabaho. Hinayaan lang siya nitong magpakalat-kalat sa teritoryo nito habang paminsan-minsan niyang sinusundan si Magnus. Naroon din ito sa tuwing pinupuntahan niya si Magnus sa pag-aakalang magpapakita ang Big boss dahil sa memory card. Alam niyang magiging target si Magnus dahil doon. Buong akala niya sinabi rin nito ang totoo kay Magnus pero hindi. Hindi nito sinabi na buhay siya. Hinayaan lang siya nitong kumilos na parang wala itong pakialam sa ginagawa niya. 

Tumawa si Ken. Inalis nito ang patalim sa leeg niya at naglakad patungo sa harap niya. Umupo ito sa upuang kaharap niya.

Kung pagmamasdan niya itong mabuti, wala sa itsura ni Ken ang pagiging Big boss ng organisasyon. Maamo ang mukha nito na parang hindi gagawa ng masama. 

"Kakaiba ka talaga. Matalino at matapang. Iyan siguro ang nagustuhan ni Magnus sa'yo. Ang lalaking 'yon sobrang nag-aalala sa'yo. Hinahanap ka niya sa labas pero bago mo siya puntahan, may ibibigay ako sa'yo."

Tumayo ito at umikot sa mesa. Binuksan nito ang drawer at kinuha ang isang folder. Inilagay nito iyon sa mesa.

"Kunin mo." Sambit nito sa kanya. 

Kinuha iyon ni Sabrina at binuksan. Namilog ang mga mata niya ng makita ang laman niyon. 

"Ito ang-" 

"Iyan ang mga kailangan mo. Mga impormasyon tungkol sa Dio Medes Organization." Nakangiti nitong putol sa sasabihin niya. 

"Bakit mo ibinibigay sa akin 'to?" 

Huminga ito ng malalim at marahan na naglakad. Tumigil ito sa harap ng glasswall. Nakatanaw ito sa mga gusali sa labas. 

"Dio Medes Organization is a rightful organization before. Maayos itong pinamunuan ng Lolo Diomedes ko. Pero ng mawala siya at napunta sa akin ang pamamahala, nagkaroon ito ng lamat. I'm not a good leader at aminado ako roon. May mga nakapasok na hindi dapat. Maraming krimen ang nangyayari sa loob ng organisasyon taliwas sa kawanggawa nitong layunin noon. Hindi na ito katulad ng dati. Ang magagawa ko lang bilang Pinuno ay linisin ang mga kalat." Kwento nito bago muling humarap sa kanya. Umupo ito sa swivel chair.

Badass Female BouncerWhere stories live. Discover now