Chapter 4

799 38 0
                                    

Tinawagan ni Sabrina ang kanyang Tito Mando, ang may-ari ng bar, dahil sa hindi inaasahang pagdating ng limang panauhin. 

"Sabrina, Iha. Kung tumawag ka para itanong ang tungkol sa iyong mga bisita, alam ko na pupunta sila riyan ngayong araw." Diretsong sabi ni Mando pagkasagot ng tawag ni Sabrina.

"Tito, ano po bang ginagawa nila? Bigla na lang silang sumusulpot tapos kailangan naming magsara ng ilang linggo o buwan para gamitin nila ang bar. Nakakapagtaka dahil hindi kami pwedeng pumunta rito kapag narito sila." Curious na tanong ni Sabrina.

Sinulyapan pa niya ang limang panauhin na sinusuri ang bawat sulok ng bar. Kahina-hinala ang kilos ng mga ito at tila palaging alerto. Ilang beses na niyang nakasalamuha ang lima pero wala siyang ideya sa ginagawa ng mga ito. Isang palatandaan ng pagsulpot ng mga ito ay ang biglaang pagpatay ng ilaw katulad ng nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang purpose ng pagpatay ng ilaw sa tuwing dumarating ang mga ito. 

"Top secret daw ang ginagawa nila. Hayaan mo na sila, Iha." Sagot nito.

"Mga agent po ba sila?" Mahina niyang tanong para iwasan na marinig ng panauhin.

Tumawa naman si Mando sa kabilang linya.

"Ikumusta mo na lang ako sa iyong Ina, Iha. Magpapaalam na ako sa'yo. Marami pa akong gagawin. Basta gawin mo na lang ang inuutos nila. Maliwanag ba?"

"Sige po, Tito. Mag-iingat kayo riyan."

Matapos ang pag-uusap ni Sabrina at Mando, hinarap naman ng dalaga ang mga bisita.

"Ms. Kim, kailangan namin ang lugar simula bukas." Pormal na sabi sa kanya ng lalaki na nagpakilala bilang Akilo. Ito rin ang palagi niyang nakakausap sa lima. 

"Hanggang kailan nyo gagamitin ang bar?" Tanong niya rito.

"Tatawagan ka na lang namin." Sagot nito.

Tumango na lang si Sabrina. Wala naman siyang magagawa dahil iyon ang utos ng Tito Mando niya. Patuloy pa rin ang sweldo nila kahit hindi nagtatrabaho at isa iyon sa gusto ng mga kasama niya. Sumasideline naman siya sa ibang Bar kapag kailangan ng bouncer. Kapag wala, tambay siya sa bahay at nagbababad sa pagbabasa ng libro at panonood ng telebisyon. 

...

Dumating ang weekend kaya napilitang dumalo sa family dinner si Sabrina. Simula ng mag-asawa ulit ang kanyang Ina, lumipat na ito ng tirahan at nag-iisa na lang siya sa kanilang bahay.

"Ms. Sabrina Kim, naghihintay na po sila sa komedor." Magalang na sabi ng isang kasambahay ng buksan nito ang pintuan.

Dumiretso si Sabrina sa komedor. Nakita niyang kumpleto na ang lahat doon. Maging si David, ang boyfriend ni Jade na ex-boyfriend naman niya, ay naroon din. 

"Sab, upo ka na! Kanina ka pa namin hinihintay." Masayang paanyaya sa kanya ni Alicia, ang asawa ni Jude na isa rin modelo. 

Tumayo naman ang kanyang Ina at sinalubong siya ng yakap.

"Akala ko hindi ka darating." Sambit nito na halata ang kasiyahan sa boses. 

Niyakap niya rin ang Ina pero kumislot ito ng lumapat ang kanyang kamay sa likuran nito.

"May masakit ba sa'yo, Mom?"

Umiwas ito ng tingin at pilit na ngumiti.

"W-wala anak. Anong nangyari sa kamay mo?" Pansin nito sa nakabenda niyang kamay. Nasugatan siya ng sanggahin ng lalaki ang suntok niya gamit ang bote ng alak. Nakaalis na siya sa bar ng mapansin ang nakabaon na bubog doon. Ni hindi niya naramdaman na kumirot iyon.

Badass Female BouncerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang