Chapter 14

679 33 0
                                    

Masayang nagtatawanan si Chief Mike at Jap sa opisina ni Jap. Kaagad itong pinuntahan ni Mike ng makuha ang memory card kay Magnus. 

"This toast is for you, Kumpare." Nakangiting sabi ni Jap kay Mike. 

"Problem solved, Kumpare. Cheers!" 

Magkasabay uminom ang dalawa. Muli silang tumawa pagkatapos uminom.

"Ito ang nagbibigay ng malaking problema sa'yo, Kumpare. Ikaw na ang bahalang sumira sa bagay na iyan. Malinis at walang aberya ko 'yang nakuha sa Anticlair na iyon." Sambit ni Mike. Ibinigay nito ang memory card kay Jap.

"Wala ng ebidensya ang magpapatunay sa ginawa kong krimen. Magpapatuloy na ang ating operasyon, Kumpare." Masayang sabi ni Jap.

"Tama. Matatalo na natin ang Big boss na akala mo kung sino kung mag-utos. Kung kilala ko lang siya, matagal ko na siyang tinapos." Nanggigil na sabi ni Mike. Hindi talaga ito pabor sa pamumuno ng Big boss. Ayaw nito ng inuutusan pero dahil mas mataas ang posisyon ng Big boss, wala itong magagawa kundi sumunod. 

"Huwag kang mag-alala, Kumpare. Darating din tayo sa puntong iyan. Kahit saan pa siya magtago, mahahanap natin siya. Tatalunin at kukunin natin ang buong kontrol sa organisasyon."

Muling nagtawanan ang dalawa sa maganda nilang plano laban sa Big boss. 

"Cheers, Kumpare! Para sa nalalapit nating tagumpay." Masayang sabi ni Mike. 

Pansamantalang naantala ang kasiyahan ng dalawa ng pumasok ang sekretarya ni Jap.

"Sir, a particular person from Diomedes Company is here. He wants to see you, Sir." Magalang nitong sabi.

"Let him in." Nakangiting sagot ni Jap.

Umalis naman ang sekretarya para papasukin ang panauhin. 

"New client?" Tanong ni Mike.

"Yes. A big client." Nakangiting sabi ni Jap. Halata ang labis na kasiyahan sa boses nito.

"Sir, he's here." Muling sabi ng sekretarya ni Jap. Tumayo si Jap at sinalubong ang panauhin. 

"Mr. Santos, nice to meet you. My name is Karl Bautista from Diomedes Company." Pagpapakilala ng lalaki habang nakalahad ang kamay nito. 

"Nice meeting you too, Mr. Bautista. Please take a sit. If you don't mind, is it fine that my friend is here? He's also interested with the proposal we'll be discussing later." Tanong ni Jap.

Ngumiti naman si Karl.

"I don't mind, Mr. Santos. Besides, he's also my target."

Nagulat ang dalawa ng itaas nito ang dalang briefcase. Sa gilid noon nakalabas ang dulo ng isang baril. Unang pinaputukan ni Karl si Mike ng bunutin nito ang baril sa baywang. Mabilis bumagsak ang Chief ng tamaan ito sa dibdib. Sinunod nito si Jap ng kumilos ito para kumuha ng armas. Bumagsak din ito sa sahig. 

"Boss, I got the memory card from them." Pagbibigay report ni Karl sa kabilang linya. 

"Good. Proceed with our real business." Utos ng na sa kabilang linya. 

"Roger that, Big boss."

...

Samantala, napuno ng pagtataka at pangamba si Magnus dahil sa sinabi ni Sabrina. Ngayon niya naisip ang posibilidad na kasabwat ito sa tangkang pagpatay sa kanya.

"Sigurado ba kayo? Baka nagkakamali lang kayo? Paano sila magiging magkasabwat?" Muling tanong ni Magnus kay Captain Alvarez. 

Nagpatuloy ito sa pagmamaneho bago sumagot. 

Badass Female BouncerWhere stories live. Discover now