Chapter 6

686 38 1
                                    

Kinabukasan, maagang nagtungo si Sabrina sa presinto para gawin ang iniutos ni Akilo. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi kagabi. Tuloy-tuloy lang ang kanyang paglalakad. Sumakit pa ang binti at hita niya pagkarating sa bahay. Wala rin siyang maayos na tulog dahil sa nangyari. 

"Sir, narito na ba si Captain Alvarez?" Tanong ni Sabrina sa desk officer. 

"10:00 am ang dating niya. Hintayin mo na lang doon." Turo nito sa isang upuan. 

"Sige, Sir. Salamat."

Matiyagang naghintay si Sabrina. 8:00 am pa lang kaya dalawang oras siyang maghihintay roon. 

Maya-maya, napansin niya ang pagdating ng isang matangkad na lalaki. Sa tingin niya na sa early fifties na ito pero matikas pa rin ang pangangatawan. Halatang may mataas itong posisyon dahil lahat ng nakakasalubong nitong pulis ay sumasaludo rito. 

"Dizon, kapag may naghahanap kay Alvarez sabihin mo na nag-leave. May importante akong iniutos sa kanya." Sambit nito sa desk officer. 

"Yes, Chief Torres! Meron na pong naghahanap sa kanya. Ayon po. 'Yung babaeng nakajacket ng maroon." Turo sa kanya ng desk officer.

Sandaling tumingin sa kanyang direksyon ang Chief at muling tumingin sa kausap na pulis.

"Pabalikin mo na lang siya next week." Sambit nito bago pumasok sa isang silid.

Narinig ni Sabrina ang sinabi nito kaya hindi na niya hinintay na paalisin siya ng pulis. Kusa na siyang lumabas sa presinto.

Habang na sa byahe, nakatanaw lang sa labas ng sinasakyang bus si Sabrina. Iniisip niya ang nangyari sa harap ng Lively Bar, ang pagkatao ni Akilo at ang tungkol sa memory card. Kung tama ang hula niya na isang NBI agent si Akilo, dapat niyang sundin ang sinabi nito. Dapat kay Captain Alvarez mapunta ang memory card at hindi sa ibang tao. 

Naramdaman ni Sabrina ng may umupo sa tabi niya. Hindi niya sana iyon papansinin pero nagsalita ito.

"Huwag kang gagalaw kundi sabog ang tagiliran mo." Banta nito sa kanya habang may nakatutok sa kanyang tagiliran. 

Lumingon siya sa lalaki. Nakasuot ito ng itim na shades. Pamilyar ito sa kanya.

"Isa ka sa kasama ni Akilo na nagpunta sa Lively bar. Anong kailangan mo sa akin?" Mahinahon niyang tanong.

"Alam mo ang kailangan ko sa'yo. Ibigay mo sa akin ang memory card."

"Wala sa akin ang hinahanap mo." Sagot niya.

Idiniin nito ang bagay na nasa tagiliran niya. Hindi niya alam kung ano iyon dahil natatakpan iyon ng suot nitong jacket.

"Huwag mo akong lokohin. Alam kong hawak mo pa rin ang memory card."

"Wala sa akin ang hinahanap mo." Tanggi pa rin niya.

Bahagya itong tumigil sa pagsasalita. Napansin niya ang bahagya nitong pagbaling sa kanan kaya nakita niya ang suot nitong earpiece.

"Copy." Sagot nito at hinila siya patayo. Pinatigil nito ang bus at hinila siya palabas. Walang nakakapansin sa sitwasyon nilang dalawa. Nakaakbay ito sa kanya habang nakatutok pa rin ang bagay na hawak nito sa baywang niya. Para lang silang magkasintahan na naglalakad.

"Bilisan mo." Sambit nito sa kanya.

Sinadya ni Sabrina na matisod para mawalan siya ng balanse. Gusto niyang agawin ang hawak nito pero hindi niya nagawa ng makitang baril iyon. Mas mabilis sa kanya ang bala kaya nagpadala siya sa hila ng lalaki. Sigurado siyang hindi ito magdadalawang isip na barilin siya sa gitna ng karamihan. Baka may madamay sa gagawin niya. 

Badass Female BouncerWhere stories live. Discover now