Chapter 2

1K 50 0
                                    

"Aww!" Reklamo ni Magnus ng sikuhin ni Sabrina. 

Alaga siya sa ehersisyo. Matigas ang kanyang kalamnan. Maganda at malusog ang kanyang katawan pero sa ginawa ni Sabrina parang balewala ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya tumagos sa kanyang ribs ang siko nito. 

"Tol, ayos ka lang?" Tanong ni Ken. 

Nakangiwi siyang tumango. 

"Kung gusto nyong ayusin ang problema nyo, sumunod kayo sa'kin." Muling sabi ni Sabrina. 

Nakangising sumunod ang mga lalaki kay Sabrina. Pinakita pa ng isa ang nakakuyom nitong kamao kay Magnus. 

Umiling na lang si Magnus at marahang hinaplos ang nasaktang tagiliran. Maayos siyang tumayo ng bahagyang nawala ang sakit. Umakbay sa kanya si Ken habang na sa unahan nila si Jude. Naglalakad sila patungo sa likod ng bar. 

"Hindi ka ba nagtataka sa kilos ngayon ni Jude?" Tanong ni Ken kay Magnus. 

"Nagtataka rin ako. Hindi siya mapakali at mukhang kinakabahan." Sagot niya pero si Sabrina ang tinitingnan niya. Para itong robot maglakad. Hindi man lang gumagalaw ang ulo. Diretso lang itong nakatingin sa unahan. 

"Dahil 'yan sa kapatid niya. Ayaw niyang nagagalit iyon."

"Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong. Lihim siyang ngumiti ng humagod ang tingin niya sa magandang hulma ng pang-upo ni Sabrina. Ang liit din ng baywang nito kahit hindi hapit sa katawan ang suot na uniporme. 

"Kagaya ng nangyari sa iyo kanina, nasampolan na rin siya ni Sabrina noong uminom kami sa Bar na ito at nagkagulo. Mas malala lang iyon dahil sadyang mainit ang ulo ni Sabrina. Wala ka noon dahil umattend ka sa binyag ng panganay ni Vander at Dawn."

Naalala ni Magnus ang kwento noon ni Ken tungkol sa nangyaring gulo. Nalasing ang dalawa at aksidenteng natumba sa kandungan ng babae sa kabilang mesa. Doon nagsimula ang gulo na kinasangkutan ng mga ito. 

"Narito na tayo." Anunsyo ni Sabrina ng makarating sila sa likuran ng bar. 

Maliit ang espasyo roon pero walang kahit anong gamit. Nahaharangan iyon ng mataas na bakod na yari sa dikit-dikit na kawayan. May ilang halaman baging na gumagapang sa mga iyon. 

"Kahit mag-patayan kayo rito, walang makikialam. Huwag lang kayo gagawa ng gulo sa loob ng bar. Dinadagdagan nyo ang trabaho namin." Muling sabi ni Sabrina. 

Humarang naman si Magnus sa daan nito. Seryoso itong tumingin sa kanya pero ngumiti lang siya. 

"Ms. Sabrina, sa ganitong paraan mo ba aayusin ang gusot sa pagitan namin? Paano kung masaktan kami rito? Kilala mo naman kami 'di ba? Kaya mo bang panagutan kung mapapahamak kami?" May panghahamon niyang tanong. Gusto niyang makita ang natatakot nitong reaksyon. 

"Mas lalo kang mapapahamak kung hindi ka aalis diyan. Tumabi ka!" Seryoso pa rin nitong sagot. 

Hinila naman siya ni Ken kaya nakadaan si Sabrina. Sinara pa nito ang pintuan na dinaanan nila kanina. 

"Seryoso ba siya?" Tanong ni Magnus kay Ken. 

"Sa palagay ko, oo. Hindi marunong magbiro si Sabrina. Ayaw niyang magkaroon ng karagdagan na trabaho. Sumunod na lang tayo." Sagot ni Ken. 

"Lumpohin ang mga iyan at wasakin ang mga mukha nila!" Utos ng lalaki sa mga kasama at bigla na lang sumugod sa kanila. 

"Maraming salamat at sumunod kayo rito, mga ungas!" Sambit ni Jude na siyang humarap sa mga lalaki. 

"Tutulungan pa ba natin?" Tanong ni Ken sa kanya. 

"Kulang pa sa kanya 'yan. Hintayin na lang natin matapos." Sagot ni Magnus. 

Badass Female BouncerWhere stories live. Discover now