"Hindi no! Hindi pa nga ako nagkaka boyfriend pregnant na kaagad?!" napairap nalang ako dahil sa sinabi ni Bakla. "Wag ka na ngang umirap jan bakla, sige na mag kwento kana ng mabigyan kita ng advice." sambit ni Jillianne. 

"Wow adviser ka na pala ngayon? Paki inform naman kami pag may time ka, ha?" pang asar nanaman ni Martin. Medjo natawa ako sa kanila pero di ko pinahalata. Hay! hindi talaga ako matatapos nito. Nag babangayan nanaman sila..

"Oh, shut up please?! Kung ayaw mung kuyugin ng sampung kalabaw jan!" Hay! Kailan ba sila matatapos sa bangayan nila? Medjo nakakasakit na sila sa bangs ha?

"Tama na nga hindi tayo matatapos nito eh." pag aawat ko sa kanila. Ang daldal talaga nila.

"Okay fine zip mouth na ako, mag chika ka na bakla." at ayon tumahimik na sila, ako naman huminga ulit ng malalim bago nag salita. "Alam nyo.." pa thrill ko pa.

"Hindi pa namin alam, hehe." sabay pa nilang sabi. Sinamaan ko naman sila ng tingin umiintirap kasi eh kaya ayon tikum na ang mga bibig nila kaya nag patuloy na ako.

"Mag kapitbahay na kami ni Darryn." sabi ko sa kanila tapos nag katinginan sila ni Martin at Jillianne tapos tumingin na ulit sila sa akin.

"Kyaa! Omg! Really?" sabay pa nilang tili halata mung kinikilig. Nagulat naman ako sa reaction nila kaya inawat ko agad sila dahil ang lalakas ng mga boses nila. Pinag titinginan tulo'y kami ng mga tao sa canteen dito.

"Aray naman, 'wag nga kayong magtitili jan nakakahiya, eh." saway ko. Grabi kung makatili para silang kinakatay na baboy, eh.

"Nako bakla ka! Ang swerte mo naman ang fafa ko kapitbahay mo! Ano 'yon dayaan?!" maarting wika ni Martin sa akin. Natawa nalang ako. "Bakit naman kayo naging mag kapitbahay girl?" tanong ni Jillianne sa akin.

"Malamang lumipat sila fafa Darryn ko ng tinitirhan! Bombels mo naman girl. 'Wag pahalata, pwede?" Natawa ako sa sinabi ni Martin kay Jill. Ano ba naman ang mga to halata talaga na mutual ang feelings nila. Hahaha!

"Whatever!" hiyaw ni Jiliianne at umirap nanaman ito. Sinabi ko naman kung anong dahilan kung bakit sila lumipat at sinabi ko rin sa kanila ang mga nangyari samin nung weekend pati narin yong kanina. Halos matawa nga sila sa mga kwento ko at the same time kinilig ang mga bruha. Hindi ko nalang sila pinansin expected na kasi na ganito ang mga reaction nila.

"Kumanta at sumayaw ba naman mag isa sa labas! Loka loka ka talagang bakla ka!" untag ni Jillianne sabay pahid ng luha sa mata nya dahil sa kakatawa. Oh di sya na ang masaya, ako na ang nakakahiya. Leche sila.

"Oo, nga girl napahiya ka tuloy sa fafa ko haha!" sabi naman ni Martin habang natatawa pa ito. Grabi! Mahal ko talaga tung dalawang to! Sobrang mahal! (In a Sarcastic way) Supportive talaga nila. Tsss! Akala ko ba papayohan nila ako? 'Yon pala nag uunahan pa sila sa pag tawa. Kakainis talaga ang dalawang to. Mag aaway pero tatawa bigla. May saltek lang te?

"Eh, malay ko bang nakita nya na pala ako sa ganoong scenario!" depensa ko sa sarili. Ayaw ko mang mainis pero naiinis na tuloy ako sa kanila. "Hay ewan ko sa sa'yong bakla ka! Baliw ka kasi eh, haha." Halakhak pang sagot ni Jill. Busangot nalang ang mukha ko whole lunch dahil sa kanila.

Nang matapos na kami sa pag chikahan. Nag pasya na kaming umalis ng canteen dahil may kanya kanya pa kaming klase tapos humiwalay na kami ng landas at tumungo sa tamang daan ay este sa next subject pala namin hehe. Buti nalang talaga at hindi ko nakita si Darryn ngayon dahil kung nagkataon na magkita kami ngayon baka lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.

Pero talaga nga namang mahal ako ng tadhana ng bigla kung nakita si Darryn kasama ang dalawang lalaking kaibigan nya. Halos liparin ko namn ang CR maka tago lang. Buti naman at naka abot naman po ako at hindi nya ako nakita. Hooo! What a day!

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now