"Seryoso naman." I countered back.

"Are you done? If yes, come with me." She said at biglang umalis na kaya sinundan ko naman siya. Napunta kami sa office niya at naupo naman ako sa couch.

Dumiretso siya at pumunta sa kusina, ilang minuto bumalik din siya at may dala siyang Ice Tea. Parang kuminang naman mga mata ko. Lumapit siya at iniabot sa akin.

"Here,"I heard her kaya dali-dali kong kinuha.

"How did you know Miss na mahilig ako rito?" I asked sabay uminom.

"Instinct," sagot niya.

"I forgot, I put a poison in it." She added kaya nanlaki naman ang mga mata ko, ibubuga ko sana nang sinamaan niya ako ng tingin, kaya nilunok ko nalang.

"Don't forget to wash that glass." Paalala niya habang naglalakad papunta sa swivel chair niya. Galing kala ko naman libre, may bayad pala.

★★★

Ikalawang araw na namin at puro pinagbubuhat niya ako ng mga karton sa storage room. Hindi ako makapag pahinga ng maayos, paano binibilingan ako. Ginawa ba naman akong sundalo, kaya mapapasunod ka nalang.

Hinihingal akong umupo, ugh! Ang lagkit ko na! Kasalukuyan akong nasa labas ng storage room nakaupo sa lapag.

"If you are done, come with me." She said, walang gana ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa office niya. Pasalampak akong naupo sa couch.

"Hay," naglakad siya papalapit sa akin at may dala-dalang towel.

"Wipe your sweats." She said at iniaabot sa akin, tinignan ko naman 'yon.

"Punasan mo 'ko, Miss." Nakanguso kong sabi.

"No."

"Yes."

"I said, No."

"Yeeeesss." I raised my eyebrows but she raised her too.

Walang anu-ano'y bigla niyang binato sa mukha ko ang towel.

"Miss naman eh! Bakit kailangan mamato?" reklamo ko habang hinihimas ang mukha ko.

"You're annoying." She said plainly, then she crossed her arms.

"Edi dzon't, kay Nat-Aray! Nakakadalawa na po kayo ah!" Reklamo ko nang pulbo naman ang binato niya sa akin. Headshot na Headshot. Nakatingin naman siya akin ng masama, ano ba problema nito?

Kaso hindi pa nakuntento, at T-shirt naman ang binato niya sa akin. Triple kill. At least, kumpleto, 'di ba?

"What?" tanong niya na halatang naiinis.

"Wala, Miss. Sabi ko gusto ko ng Nata De Coco." I said habang nakanguso na inaayos ang pinagbababato niya sa akin.

Tumingin ako uli sa kaniya at masama pa rin ang tingin na pinupukol niya sa akin. Ang ganda niya kaso, ang sungit.

Nagsimula naman akong pinunasan ang mukha ko.

"Talikod." I heard her.

"Huh?"

"Are you deaf?" naiirita niyang tanong.

"Huhdog." Pang aasar ko, at bago pa mangyayari ang sakuna, tumalikod na ako. I can feel her hands na marahan na pinupunasan ang likod ko. Inabot ko naman sa kaniya ang pulbo.

"Miss, hindi po ba kayo nandidiri? Syempre pawisan ko." I asked her, confident naman ako na mabango pa rin ako.

"No." She plainly answered kaya hindi ko maiwasan mapangiti.

"I can wipe your sweats using my bare hands." She added, hindi ko maiwasan mapangiti. Syete ka talaga heart! Manahimik ka kahit minsan!

"Harap." Narinig ko siya kaya humarap ako, now I can see her gorgeous face. Napakarilag.

Napadako siya sa katawan ko, and she gulped, what's the matter? I realized na tumutulo pala ang pawis sa leeg ko pababa sa damit kaya bumabakat ang katawan ko.

"Ikaw nalang." She said, at nag iwas ng tingin. May binigay pa siya na panibagong towel.

"You can change your clothes sa CR, baka magkasakit ka pa." She added, tumayo naman ako at pumunta sa cr.

Nang makapagpalit na 'ko, naabutan ko siyang nakayuko sa lamesa kaya umupo ako sa tapat niya. Pinanood ko naman siya kung paano matulog. Hindi talaga nakakasawa kahit titigan mo siya ng magdamag.

Napaka swerte talaga kung sino magugustuhan ni Prof.

"Hanggang kailan mo 'ko panonoorin?" I heard her kaya bigla akong natauhan.

"Kahit araw-araw." Bumangon naman siya at sumandal sa swivel chair.

"Miss, pupunta po ba kayo sa Camping?" I asked her.

"You?" balik na tanong niya sa akin. Wow, tanong ko, tanong niya rin.

"Opo?"

"You are not sure." She said and crossed her arms.

"Opo, okay na ba, Miss? So ano pupunta po ba kayo?" I asked again.

"Okay." Sagot lang niya, really?

"Eh? Anong 'okay'?" I asked full of confusion.

"Okay." Sagot niya ulit kaya sumuko na ako.






"One of my favorite memories with her."

Deceive MeWhere stories live. Discover now