EPILOGUE

60 3 0
                                    

(Play pusong ligaw by Jericho Rosales while reading this part.)

After 6 years...

"Sa wakas makakaramdam din ng walong oras na tulog," sabi ko ng malaman na may 2 days akong day off.

"Naks," sabi ni Mabelle sa akin.

I'm currently working as a Radio broadcaster also known as Dj naka-assign ako sa pagbabasa ng letter or mga love story na napapakinggan niyo sa gabi. Gabi ang schedule ko kaya madalas ako sinusundo ni Papa.

"Anong plano mo?" Tanong ni Mabelle habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Matulog,"

"Wala ka man lang kasi love life edi sana nakikipag-date kapag day off mo," sabi nito akin.

Napailing na lang ako sa sinabi nito. It's been 6 years since Jk left I can finally say I move on but it is still the part of my heart that wants him to be back because I'm still praying and waiting for him.

"Babalik ka pa ba Jk? Handa na akong isarado ang pahina na minsan tayong dalawa ang naging paksa." Sabi ko sa isip ko.

"Are you still in love with him? Maybe because he is your greatest love," sabi ni Mabelle ng mapansin ang pananahimik ko.

"He is always," sabi ko rito.

Greatest love na nga siguro matatawag 'to. Siya ang unang minahal ko at hanggang ngayon siya pa rin ang hinahanap ko. I'm still waiting for him to come back to me and this time we have our label.

"Maiba na nga tayo, madilim sa labas baka umulan bigla. May dala ka ba na payong?" Tanong nito sa akin kaya umiling ako.

"Okay lang," sabi ko ng alokin ako nito ng payong.

"Pauwi na rin naman ako atsaka day off ko rin if ever magkasakit ako okay lang, I'm on my home after all nothing to worry." Sabi ko rito kaya napailing siya.

"Sige na nga po," sabi niya sa akin natawa ako.

Nagpaalam na akong aalis kaya naman naglakad na ako palabas. Pagkalabas ko tumingin agad ako sa ulap, madilim nga. Siguro ay nagbabadya na rin ang pagbuhos ng ulan ilang minuto lang ngayon kaya nagmadali na ako sa paglalakad papunta sa terminal ng sakayan.

Maaga akong nakauwi ngayon, usually and out ko talaga ay 12 or 1 am kaso ngayon ay 10 kaya hindi ako masusundo ni Papa atasaka sinabi ko na rin na wag na niya ako sunduin at dumeretsyo na sa pag uwi para makapagpahinga naman siya.

"Kung kailan kasi ako nagdadala ng payong saka hindi umuulan tapos ngayon naman na wala akong dala uulan, malas." Bulong ko pagkabuhos ng ulan.

Sakto naman na bumagsak ang ulan kung kailan nakarating na ako sa terminal. Pahirapan sa pagsakay dahil umuulan, nagsisiksikan ang mga tao paunahan sila sa pagsakay kaya napailing ako.

Wala akong plano makipag unahan sa kanila kaya napatingin ako sa paligid ko, nakita ko ang Starbucks. Naisip kung mag kape muna habang nagpapatila ng ulan tutal at may pera naman din ako atsaka second-time lang akong iinom sa Starbucks dahil mas pipiliin ko na lang maghulog sa limang piso, masarap din naman timpla nila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora