TWENTY-ONE

31 3 0
                                    

"Hell week," sabi ni Janelle pagkalabas namin ng room.

Bukas na yung final exam namin this week ay nag quiz kami then long quiz sa iba kaya masasabi ko nga na hell week 'to.

"In fairness Princess ha? Improvement score mo ha," sabi sa kaniya ni Gwen.

"Well gusto ko lang ipaalam na malapit na ako maging ka level niyo, it takes time lang talaga." Sabi nito.

"Wow, edi good for you." Sabi ni Gwen saka pumalakpak.

"Thanks Pres," sabi niya rito kaya napailing na lang ako.

"Maiba nga ako, kamusta yung shoot niyo?" Tanong ni Gwen kaya naman tiningnan ko sila sandali saka tumingin sa dinaraanan namin.

"Ayos lang naman so far, medyo nasasanay na kami sa isa't isa then nagsisimula na rin maging comfortable kaya medyo madali lang na lang sa amin i-shoot. Magandang way rin yun." Sagot ko.

Actually Jk and I are okay after ko malinawan sa mga pinagsasabi ni Elaine ay mas napanatag ang loob ko umasa na baka nga ako ang gusto niya nahihiya lang siguro mag-confess kasi nga baka mawala yung kung ano man ang mayroon kami ngayon which is okay lang. As long as alam kung sa akin din ang end game eme lang I mean may chance na gusto niya ako ay sapat na sa akin. Oo ako na assuming, so... nagbase lang ako sa kung paano niya ako itrato.

"Mas naging close kayo ni Jk," sabi ni Gwen.

"Yep," sabi ko pa.

"Good to know para sa inyong dalawa yun since parehas kayong hindi friendly na tao," sabi ni Janelle.

"Hindi ka man lang ba nagkaroon ng pagka-crush kay Jk? I mean, look at him. Guwapo, matalino how do I know syempre famous siya napag uusapan siya sa campus, gentleman, marespeto tapos idagdag mo pa na may sense of humor tapos nabawasan pagiging suplado at pagiging mayabang not unlike before. Improvement yun kagaya mo." Sabi ni Gwen.

"Kaya nga Ven, secret lang naman natin 'tong tatlo walang makakaalam promise." Sabi ni Janelle tapos nakipag-pinky promise pa na sinabayan ko na lang dahil doon siya masaya.

"Crush mo siya di ba?" Sabi ko rito kaya naman kumapit sa braso ko dahil ako ang nasa gitna.

"Crush ko siya pero syempre nasa acceptance stage na ako kasi alam ko naman hindi niya ako type, atsaka masaya na ako sa medyo close lang kami as in medyo lang mga 25 percent ganern atsaka ikaw yun rason kaya ngumingiti siya sa amin everytime makita niya kami kahit saan samantalang noon hindi ata kami nag-e-exist sa kaniya. Atsaka isa pa crush lang yun hindi naman masakit sa heart, malayo pa sa bituka. Atsaka matanda na tayo para sa tampo na yan dahil lang crush ng kaibigan mo yung crush mo marami naman lalaki sa mundo." Sabi nito kaya bigla na lang tumabi sa kaniya si Gwen.

"Oh my gosh!? Hindi na ikaw yung Princess na nakilala ko. Seriously!? Nasasabi mo yan, teka baka nilalagnat ka." Sabi ni Gwen sabay hawak pa sa noo nito kaya hinampas ni Janelle ang kamay nito na nasa noo niya kaya natawa ako.

"I told you naman nagbabagong buhay na 'ko ayaw niyo kasi maniwala eh, college life is waving kailangan mas matured na ako." Sabi nito kaya naman hinaplos ko siya sa likod.

"I'm so proud of you, I believe you can do it." Sabi ko pa kaya naman niyakap ako nito.

"Uulitin ko ang tanong ni Janelle? Crush mo ba si Jk? Wala naman masama kung crush mo siya kasi tao ka eme lang, I mean natural na sa tao na may crush ka." Sabi nito.

"Tutal napatunayan niyo naman na tapat kayo sa akin sige may secret ako sa inyo na sasabihin, yes crush ko si Jk siguro nung mga nakaraan na araw hindi ko agad masabi kasi nga iniisip ko baka kabag lang 'to at nabigla lang ako kasi naging mabait siya sa akin pero nitong mga nagdaan na araw napansin ko na lang sa sarili ko na crush ko na pala siya hindi ko lang matanggap kasi nga last time na pinag usapan natin siya ang sinabi ko hindi siya pasok sa standard ko tapos na-realize ko lang bigla yung napanood ko sa tiktok about sa kung sino pa yung hindi pasok sa standard natin sila pa yung magugustuhan natin something like that and yes actually totoo yun." Sabi ko kaya napatango sila.

"Oo legit yan, like tipong ayaw natin sa red flag pero napupunta tayo sa red flag kasi sila yung gusto natin or kaya naman sa kanila tumibok puso natin gano'n grabe na talaga." Sabi ni Janelle.

See? Hindi lang ako ang nakaranas alam ko makaka-relate sila. Kung sino pa yung hindi mo naman gusto in the first place roon ka pa talaga all of sudden na-fall like what the heck? Tapos yung hindi mo naman type magiging gusto mo. Anong silbi ng standard natin, paepal lang ganern. Panggulo lang natin sa heart or makakatulong para ipa-realize sa atin na hindi na kailangan ng standard basta kanino tumibok puso mo yun na yun.

"Naks, love team lang kayo ipapaalala ko pero kung kaya naman hanggang real life why not. Support kami." Sabi ni Gwen.

"Oh my gosh! Ayan ha, ikaw ha. Standard ka pa riyan na nalalaman." Sabi ni Janelle.

Pinatahimik ko sila dahil bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Jk kaya naman natahimik kami.

"Uy hi," bati niya sa amin with matching kaway pa kaya kumaway yung dalawa.

"Hello," sabay nila na bati.

"May dala akong food, luto ni Mama. Marami kasi kaya gusto ko ibigay sa inyo yung iba. Sakto pala ang pagdating ko naabutan ko kayong papasok pa lang." Sabi ni Jk kaya naman nagkatinginan kami saka siya nginitian.

"Let's have a lunch together," sabi ko saka nauna maglakad papasok.

Dahil malakas ang tama nung dalawa ay sila na lang daw bibili at kami na lang daw ang maiwan dito ni Jk ang mga loko ay halatang kinikilig pa rin dahil sa nalaman nila.

Napansin ko rin na wala naman nagbago kay Janelle kaya sigurado akong hindi siya affected kaya dapat gano'n din ako kay Elaine at kay Jk since wala naman kami at wala rin ako karapatan para magselos kasi wala naman ako dapat ikaselos in the first place.

Naging immature lang ako that time.

Huwag na sana maulit pa kasi hindi nakakatuwa.

"Nagkita ulit kayo ni Elaine?" Panimula niya.

"Nagkataon lang na parehas kami mag isa at sa KFC kumain," sabi ko pa.

"May sinabi ba siya sa'yo?" Tanong nito na parang kinakabahan.

"Wala naman siya nasabi sa akin dapat ba mayroon?" Sabi ko saka siya nginitian.

"Nothing," sabi niya kaya tumango na lang ako.

"After ng exam let's have a collab," sabi niya sa akin.

"Anong content?"

Don't tell me yung 24-hours magjowa challenge agad. Aba hindi pa ako handa gawin yun kailangan ko muna ng kaonting practice eme lang yun syempre. Kailangan ready muna ako physically and mentally.

"Ikaw ba? Anong gusto mo? Go ako kahit anong gusto mo?" Sabi nito.

"Grabe naman kasi Jk talaga naman on the spot," sabi ko kaya natawa siya.

"Ang cute mo," sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Ayan na naman siya jusme. Lord please give me a sign kung need ko na ba i-let go o ilalaban pa.

Give me a sign.

"Wala akong maisip," sabi ko.

"Let's have a live na lang later since may mga fans tayo as love team, let's do a question and answer portion." Sabi nito.

See? Pinag isip pa ako tapos siya rin pala makakaisip ng puwede namin gawin.

"Wait," sabi ko tapos nilabas ko ang phone ko to check my notes if may gagawin ba ako this week or even next week since ayoko magpakasaya ng may stress pa na iniintindi.

Okay, maluwag ang schedule ko puwede ako magsaya.

"Sige," sagot ko.

"Hays Nevaeh, pasalamat ka hindi kita kaya tiisin. Wag mo na ako iwasan ha? Nami-miss kita." Sabi nito saka ulit ginulo buhok ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now