THIRTY-SEVEN

21 3 0
                                    

"Hays, bilis ng panahon." Sabi ni Gwen.

"Hindi ko talaga sukat akalain na ga-graduate ako," sabi ni Janelle.

"Ikaw lang 'tong walang tiwala sa sariling kakayahan," sabi ko kay Janelle kaya natawa si Gwen.

Time flies, it's been 2 months since Jk and I no longer had our conversation. Nalaman na rin nitong dalawa na aalis siya kaya panay comfort sila sa akin at iniwasan talaga masabi ang name ni Jk dahil alam nila under recover pa ako from him.

"Maaga naman uwian mamaya, kain muna tayo. Matagal na tayong hindi nakakalabas dahil sa dami ng pinapagawa atsaka exam din." Sabi ni Gwen.

Ilang linggo rin halos naging bahay at school ang routine ko bumalik ako sa usual self ko but this time I have a friend that I can talk about.

"My treat," sabi ko sa kanila.

Lumapad naman agad ang ngiti ni Janelle.

"Ayan na-miss ko yan," sabi ni Janelle kaya naman natawa si Gwen gano'n din ako.

Para lang din kami halos hangin ni Jk kapag nagkikita kami, iniwasan din niya 'tong dalawa kaya hindi ko na rin napapansin si Austin pero goods naman kami sadyang hindi ko na lang pinapansin kapag nasa school kami. Mas okay na rin yun para kapag wala na siya rito ay sanay na ako. Onti onti ko ng sinasanay ang sarili ko na walang Jk kahit sobrang hirap, nasanay kasi ako na nandyan siya sa harap ko para asarin ako or kaya naman mga banat niya na nakakakilig or mga kung ano anong way ng love language niya sa akin.

I miss him.

Pero kailangan ko magtiis sa mga susunod na araw hindi ko na siya makikita, mahirap pero kailangan ko kayanin kasi hindi ako makakausad kung magpapakalunod lang ako sa lungkot dahil naiwan ako.

Move forward Nevaeh.

Mabagal man ang pag usad okay lang as long as nakakausad ako sa sakit.

"Let's go," sabi ko sa kanila.

Nandito kami ngayon sa library naisipan namin na rito na lang muna magpalipas ng oras dahil hindi pa naman kami mga gutom. Ang plano namin na pagbabasa ay napunta lang sa pagkukuwentuhan.

"Ang sabi pupunta sa library para magbasa hindi magkuwentuhan, target lock library new place for chikahan." Sabi ni Janelle kaya binatukan siya ni Janelle.

"Ingay mo teh, nasa loob pa tayo ng library kaya lower down your voice." Sabi ni Gwen kaya napailing ako.

"Hindi mo naman kailangan batukan ako," sabi ni Janelle.

"Love language ko yan para sa'yo atsaka ang sweet kaya," sabi ni Janelle.

"Mapanakit ka masyado,"

"Shh," sabi ko ng mapansin mapatingin ang librarian.

Kaya naman mabilis kami naglakad paglabas pagkabalik ng libro na kinuha namin.

"Daldal niyo talaga," sabi ko pagkalabas namin ng library.

"Ayaw kontrolin ang boses eh," sabi ni Gwen kay Janelle.

"Wag kayo mag away sa tabi ko, ayoko ng maingay." Sabi ko sa kanila saka pumagitna.

"Anyway, saan ka pala mag aaral ng college if ever Nevaeh." Sabi ni Gwen kaya napaisip ako bigla.

"Ita-try ko sa school nila Ate Yla," sabi ko sa kanila.

"Wala ka second choice?" Tanong ni Janelle.

"Wala pa, first choice pa lang." Sagot ko.

"Bakit kayo? Saan ba kayo?" Tanong ko ng matahimik sila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें