THIRTY-SIX

19 3 0
                                    

"This certificate of recognition was presented to Ms. Nevaeh Montivilla for being the best actress in the movie entitled "kung puwede lang" category of SBM (School Best Movie) given this 15th of June 2018 at Diliman Covered Court." Sabi ng host kaya napatayo agad ako.

"Congratulations Ms. Nevaeh Montivilla for winning as best actress." Sabi pa ng kasama niya kaya naglakad na ako paakyat sa stage.

Nakipag-shake hand ako saka tinanggap ang certificate ko na nakalagay na sa frame.

"Bigyan natin ang ating best actress ng pagkakataon para magbigay ng kahit maiksi na speech lang." Sabi ng host saka inabot sa akin ang mic.

Napabuntong hininga agad ako saka ko sila tiningnan at nakita ko ang mga kasama ko na pumapalakpak.

"First of all allow me to introduce myself, my name is Nevaeh Montivilla grade 12 humss student from Alley University. During our shoot, I feel nervous because of being the first-timer actress who had the opportunity to become the main character. Lahat halos gusto maging bida pero may mga times talaga na kung ano pa ang ayaw natin na role ayun pa yung sumasakto na napupunta sa atin. What I learn is to try things that we do not want, and try to out of our comfort zone because the true challenge of life is starting when we go out of our comfort zone and we can't learn when we're not able to try things. Walang masama sa pagkakamali ang masama hindi mo sinubukan ang mga bagay, always remember na there's a regret on the things we don't try. Wala naman mawawala kapag sumubok tayo ang mahalaga sa lahat sinubukan natin wala tayong pagsisihan. Maraming salamat sa turo, payo at mga sermon na nagsilbi ko inspirasyon para matuto at mas magpursige. This will not be going to be possible without the help of the people around me. Salamat po rito, congrats po sa lahat ng sumali. Better luck next time po. It serves as an experience sa ating lahat." Sabi ko saka nag bow.

"Ayan, tama nga naman si Ms. Montivilla sa mga sinabi niya. Napakaganda ng mensahe niya at syempre napakaganda rin niya. Napag alaman ko partner na ayan daw si Ms. Montivilla ay isang vlogger. Paturo naman po paano mag make up." Sabi nung babae kaya natawa na lang ako.

"Kaya naman pala kilala rin halos, ipagpatuloy mo lang yan hija. Malayo ang mararating mo basta wag ka lang makakalimot lumingon sa pinanggalingan mo." Sabi niya kaya tumango lang ako.

Nagpalakpakan ulit sila ng sinabi ulit ang pangalan ko.

Tatawagin na si Jk para ibigay ang best actor award ng mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko ay si Papa kaya naman napatayo agad ako.

"Lalabas lang ako be, pakitingnan na lang 'to." Sabi ko kay Kathrina dahil siya ang katabi ko.

Naglakad na ako palabas dahil masyado maingay sa labas hindi rin kami magkakarinigan ni Papa.

"Yes po, hello Pa." Sabi ko pagkasagot ng tawag niya.

"Nandayan ka pa ba sa diliman?"

"Yes po, mamaya pa po 'to matatapos. Bakit po?"

"Hintayin mo ako riyan may ibibigay ako,"

"Dapat hinintay na lang niyo sa bahay Pa, nag abala pa po kayo." Sabi ko rito.

Magkikita naman kami sa bahay ba't hindi na lang doon ibigay eh.

"Malapit na ako," sabi nito.

"Sige na nak, hintayin mo ako sa labas." Sabi nito.

"Sige po, ingat." Sabi ko kaya pinatay na ni Papa ang tawag kaya naghintay na lang ako kaysa pumasok pa at baka nandito na rin yun si Papa.

Medyo naririnig yung nagsasalita loob kaya alam kung tapos na si Jk magsalita, kahit na kausap ko si Papa ay pinapakinggan ko pa rin pagsasalita ni Jk sa harap ng mga tao.

"Ay palaka," sabi ko ng sumulpot si Jk.

"Nagulat lang ako," sabi ko saka umiwas ng tingin.

"Ayaw mo na--

Naputol ang sasabihin nito ng dumating si Papa.

"Hi nak," sabi niya sa akin saka ako hinalikan sa noo.

Okay na rin yun kasi feeling ko magda-dramahan na naman kami ni Jk sawa na akong umiyak, baka wala ng luha lumabas sa mata ko dahil naubos na kakaiyak.

"Bakit pa kasi pinuntahan ako rito? Napagod lang kayo Pa." Sabi ko rito.

"Pinapabigay ng mga ate mo, nakita ko kasi sila kanina kaya sinabi nila sa akin na nandito ka at okay lang ba dalhin ko sa'yo itong box. Hindi ko alam ang laman ng mga yan." Sabi nito saka inabot sa akin ang box kaya kinuha ko agad 'to.

"Masaya ako para sa nakuha mo na best actress, pagpatuloy mo lang yan. Balang araw mawawala rin yung hiya mo sa maraming tao basta nandito lang kami palagi para suportahan ka." Sabi nito sa akin saka ginulo ang buhok ko.

Niyakap ko agad siya kaya naramdaman ko ang paghaplos niya s likod ko.

"Salamat Pa," sabi ko rito.

"Basta kayo," sabi ni Papa kaya naman napabitaw ako.

"Mag-text ka lang kapag pauwi ka na or kung may pupuntahan ka para alam nila sa bahay," sabi sa akin ni Papa kaya tumango ako.

"Sige na bumalik ka na sa loob at baka nakaabala na ako," sabi ni Papa.

Paalis na sana siya ng matigil siya.

"Ikaw pala yung love team ni Ven, salamat sa pag aalaga mo sa kaniya." Sabi niya kaya nanlaki agad ang mata ko.

I taught Jk are not here, so it means the whole time his listening to our conversation.

Chismoso talaga.

"It my pleasure po," sabi ni Jk.

"Makatagpo ka sana ng babae na mamahalin ka at aalagaan ka," sabi ni Papa saka tinapik si Jk sa balikat.

"Puwede po ba yung anak niyo?" Sabi nito kaya sinipa ko siya.

"May sinasabi ka hijo?" Tanong ni Papa kaya naman tinulak ko palayo ng kaonti si Jk pero mahina lang.

Thank God at hindi narinig ni Papa buti na lang mahina pandinig ni Papa kapag sobrang hina ng pagkakasabi mo.

Buwisit kasi na Jk 'to.

"Sabi po niya Pa, soon daw po. Sige na Pa alis ka na po. See you mamaya sa bahay." Sabi ko sa kaniya saka siya hinalikan sa pisnge.

Hinila ko naman agad si Jk palayo.

"Baliw ka? Huwag mo sabihin yun. Maniwala pa yun sa'yo." Sabi ko rito saka siya binitawan.

"Ang bigat mo, kainis ka." Dugtong ko pa.

"Nagtanong lang naman ako kung puwede ba na ikaw? Ano naman masama sa tanong ko?" Sabi nito na tila inosente.

"Iiwan mo rin ako kaya wag ka na magtanong pa, wag mo na paasahin pati mga magulang ko." Sabi ko rito saka tumalikod sa kaniya.

"Nevaeh..."

"Tama na Jk, masakit lang kapag pinag uusapan natin kaya please lang hayaan mo muna akong maka-move on." Sabi ko rito.

"Ang hirap..."

"Walang madali,"

Huminga ako ng malalim saka siya hinarap.

"Simula ngayon araw na 'to hindi na kita kakausapin pa, huling beses na 'to. Makakatulong 'to para maka-move on ako." Sabi ko sa kaniya.

"Tama nga sila, promises are meant to be broken. Sana hindi ka na lang dumating kung iiwan mo rin ako." Sabi ko saka naglakad papasok.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now