FOURTEEN

28 3 0
                                    

"Bakit hindi mo sinama yung mga kaibigan mo?" Tanong niya sa akin pagkaupo namin.

"Ayoko ipaalam sa kanila na close tayo isa pa crush ka ni Princess," sabi ko rito.

Sila na nga lang mayroon ako kaya hanggang kaya ko itago 'tong kung ano man mayroon sa amin ni Jk gagawin ko.

"Crush lang naman pala eh, asawa nga naaagaw ito pa kaya na crush." Sabi nito kaya tinarayan ko siya.

"So? Anong gusto mo iparating Mr. Murillo?"

"Nothing Ms. Montivilla," sabi nito kaya naman inirapan ko siya.

"Paano ka ba nakilala ni Ate Ysabella? Siya kasi ang nag-decide nakisakay lang si Ate Mirielle sa trip niya pero si Ate Ysabella ang nagplano ng lahat eh." Sabi ko saka yumuko pero bumangon din ulit.

"You mean si Ate Yla?"

"Yep, Yla short for Ysabella and yes ate ko siya." Sabi ko rito.

"Bunso ka pala sa inyo?"

"Yes, apat kami. Si Ate Yazmine tapos Ate Yla then ate Mirielle tapos ako. Apat kami na babae." Sabi ko sa kaniya.

"I heard her name with kuya Cejay, na-kuwento niya na mayroon something sa kanila or magkalandian ata sila basta parang gano'n pero ang alam ko wala sila label. Hindi kami nagkausap ni Ate Yla kaya wala akong idea sa kung ano man ang pinapagawa niya sa'yo." Sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Hays, buhay." Sabi ko saka sinimulan uminom ng kape.

Gusto pa sana bayaran ni Jk 'tong order ko ng mapansin niya na kulang ang pera ko pero nagawan ko ng paraan buti na lang tumatanggap sila ng bayad through gcash.

"Buti hindi ka nagmana sa kaniya?" Tanong nito kaya umiling ako.

"Mas pipiliin ko pa si Ate Yaz kaysa kay Ate Yla I'm not saying ayoko kay Ate Yla what I'm trying to say is ayoko magmana ng kalandian kay Ate Yla puwede kay Ate Yaz loyal yun stick to one." Sabi ko sa kaniya.

"Loyal din ako," sabi niya.

"Pag iisipan ko ang bagay na yan," sabi ko rito kaya natawa siya.

Napailing na lang ako at sandali kami natahimik kaya naman naisipan ko basagin ang katahimikan.

"Anyway, pakisabihan nga yung Austin na yun na wag masyado pasmado ang bibig." Sabi ko rito.

"Gano'n lang talaga yun, hayaan mo at support sa loveteam natin yun. Hayaan mo at doon siya masaya." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Matagal ko na 'to gusto itanong pero dahil ngayon lang tayo medyo naging close siguro okay lang na itanong ko sa'yo ang bagay na ito. Bakit pala bigla ka nagbago? I mean, before kasi naririnig ko sa mga kaklase ko hindi naman sa chismoso ako or what sadyang malakas lang boses nila kapag nag uusap sila. Bale sabi ni sayang daw si Nevaeh Montivilla famous pero wala naman friends. Madalas makikita mo nasa library siya o kaya naman naglalakad mag isa habang seryoso lang ang mukha tila ka raw hindi ngumingiti tapos baka raw dahil mapili ka sa kaibigan at gusto mo ka level mo yung kaibigan mo." Mahaba nito na sabi kaya napailing ako.

"Baka iniisip mo kalalaki kung tao ang daldal ko, minsan lang naman yan most of the time tahimik lang ako." Sabi nito.

Hindi ko ine-expect na magiging storyteller siya daig niya pa ako. The first time I saw him, nakakunot ang noo niya tapos hindi siya halos namamansin tapos ngayon iba na siya. Nag ibang tao bigla si Jk just like me. Iba na epekto ng pagiging loveteam namin masama ata 'tong sign ha.

"I have trust issue,"

"Why?"

"My friend I value and trust would betray and leave me, nagpakatotoo ako sa kanila and I even stay with them whenever they have their problems tapos nung ako na may kailangan walang nandyan for me, kailangan lang nila ako kapag may gusto sila sa akin kuhanin feeling ko kinaibigan lang nila ako dahil matalino ako may makokopyahan sila simula nung oras na yun sinumpa ko na hindi ko kailangan ng kaibigan na kaya ko mabuhay mag isa. Kaya when I'm starting to become a senior high school nagbago na ako naging cold mysterious type akong student." Sabi ko rito.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz