FOUR

47 3 0
                                    

"Guess who?" Bungad na sabi sa akin ni Ate Yla.

"Guess who mo mukha mo ate," mataray kung sabi rito.

Paano kakapasok mo pa lang guess who na agad ang bungad sa akin.

"Ingay niyo," sabi naman ni Ate Elle kaya napairap na lang ako.

"Bahala nga kayo riyan," sabi ko saka naglakad paakyat sa kuwarto ko.

Before changing my cloth I check first my Facebook since I promise Princess and Gwen that I will be going to confirm their friend request once I'm at my home.

Nakita ko agad ang gc na ginawa nila na may name pa ng group namin then may subject pa para ng sa ganoon alam namin na we have our group project.

"It's kinda weird to have a group that also consists three-person," sabi ko saka napailing.

Nagpalit na ako saka naisipan na i-charge na lang ang phone ko bago naglakad pababa para makipag usap sa mga ate ko.

"Balita ko pupunta rito si Ate," sabi ni Ate Yla kaya naman agad kami natuwa ni Ate Elle.

"Kailan daw?" Tanong ni Ate Elle.

"Hindi ako sure since kay Mama ko lang din nalaman," sagot nito kaya napatango na lang ako.

"Ma-" naputol ang pagtawag ko kay Mama ng sumulpot na lang 'to bigla.

"Baka next week nandito na siya," sabi ni Mama. 

Kaya naman halos matuwa ako at tumalon sa good news. We miss her so much. Hindi kami sanay na wala si Ate sa bahay kaya medyo sad kami nung mawalay siya sa amin.

"Sana may pasalubong na dala si Ate," sabi ni Ate Yla kaya napatango ako.

"Malay niyo chismis ang pasalubong niya," sabi ni Ate Elle kaya napailing ako.

"Ay bet ko yan, for the Marites ang mga ferson." Sabi ni Ate Yla kaya naman napakunot ako ng noo.

"Ang isa riyan tahimik pero hindi pa nagsisimula sa dare, aba galaw galaw bunso." Sabi ni Ate Yla kaya natuon ang atensyon nila sa akin.

"Can you just give me at least a month to prepare this dare," sabi ko rito.

"Months?" Gulat na tanong ni Ate Elle.

"Why don't you just start right now, wala naman mawawala sa'yo bunso isa pa hindi niyo naman need ipaalam na dare lang yun." Sabi ni Ate Yla.

"Madali lang sabihin ate mahirap gawin," sagot ko rito.

"Wag ka kasi masyado advance mag isip, nagagawa ng what if at overthink sa buhay mo. Chill ka lang dapat." Sabi ni Ate Elle.

How can I do that if I'm under pressure?

"May expiration yun sis," sabi ni Ate Yla kaya inirapan ko siya.

"Expiration!? Can't you see ate I'm on the getting-to-know stage tapos you are saying na may expiration about doon. Common, don't pressure me." Reklamo ko kaya nagkatinginan silang dalawa saka natawa.

"Dami mo naman arte sa buhay," sabi ni Ate Yla saka tumigil sa pagtawa kaya gano'n din si Ate Elle.

Masyado na akong nakaramdam ng pam-bu-bully sa dalawa na 'to feeling ko tuloy hindi nila ako kapatid dahil sa pinapagawa nila.

"You know naman na we love you so much right? Take this dare as a challenge for you. Common try to discover new content and be sociable with other YouTubers just like you. I-apply mo naman ang people change na motto sa buhay." Sabi ni Ate Elle kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Bahala na nga kayo riyan," sabi ko saka naglakad pabalik sa kuwarto ko.

Kapag tumagal pa ako kasama sila baka ma stress pa ako lalo kaya kailangan ko lumayo sa dahilan kung bakit ako nai-i-stress.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now