TWENTY-FOUR

26 3 0
                                    

"Paasa ka," sabi ko saka siya hinampas sa braso.

"Bakit? Umasa ka?" Tanong nito sa akin kaya tumahimik ako.

Pagkapasok namin sa loob naamoy ko agad ang pabango na amoy lalaki kaya naman napatingin ako sa loob ng kuwarto. Malinis sa kuwarto, dagdag na naman sa points ng pagkagusto ko sa kaniya hays.

"Ewan ko sa'yo Jk, alam mo Jk tutal at nandito na rin naman tayo lahat lahat. Siguro kailangan ko na 'to sabihin sa'yo para sa ikakapanatag ng kalooban ko at ng isip ko. Ano man ang mangyari no regrets yun ang sinabi ko sa'yo few weeks ago. Jk, hindi ka pasok sa standard ko pero wait patapusin mo ako." Sabi ko sa kaniya dahil nakakunot agad noo niya nung sinabi ko na hindi ka pasok sa standard ko.

"Noon oo nung hindi pa tayo love team, ayoko talaga na-a-attach sa tao kasi alam ko sa sarili ko na madali ako ma-attach sa isang tao which is proven ko mismo. Nung naiwan ako ng mga kaibigan ko sobrang attach ako sa kanila kaya ang hirap sa akin mag-move on ayun ang problema sa akin kaya ilang beses kita gusto iwasan kasi nga na-attach na ako sa'yo Jk. Oo Jk gusto kita ewan ko bakit sa'yo pa siguro dahil sa mga kilos mo assuming na ako kung assuming pero masyado big deal sa akin yung action at sinasabi mo sa akin kaya sinabi ko na baka crush ako tapos nawalan ako ng pag asa nung nagkausap kayo ni Elaine, nandoon ako sa tabi niyo. Ako yung nandoon Jk alam mo yun pero doon ko na-realize na kahit ako yung nandoon hindi pa rin ako ang pinili. Bakit Jk? Kung wala ka naman plano salohin ako itigil mo yung ginagawa mo sa akin kasi ayoko na bandang huli sasabihin mo sa akin na kaibigan lang kaya ko ibigay." Sabi ko rito saka siya tinalikuran.

"Sinabi mo na yan sa akin last time, remember last time sa canteen sinabi mo rin yan sa akin naputol yung sasabihin ko that time kasi sumulpot mga kaibigan mo kaya nawala atensyon mo sa akin tapos nawala sa isip mo yun kaya hinayahan ko na lang. Naghintay pa ako ng time na itatanong mo ulit sa akin. Ayoko lang mag-open up agad sa'yo kahit sabihin mo pa sa akin na umamin ako para no regrets. Aamin naman ako kaso nauna ka na kaya hinintay na lang kita ulit kaso I know na tatanong mo rin ulit sa akin and this is it. Wala na dahilan para itago ko pa." Sabi nito sa akin saka hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa mata niya.

"Nevaeh matagal na kita gusto, naalala ko that time I saw you kasama mo si Ate Yaz nag-meet na kami ni Ate Yaz sa isang event tapos kilala ko rin si Kuya Klyde sinabi ko sa kaniya na nagkaroon ako ng crush at first sight ako sa'yo tapos ayun yung reason nung time na nakita mo kami tapos parang close kami dahil nga may secret kami na tinago namin ng matagal. Nagkataon din nakilala mo ate Yla mo, I swear wala akong alam na may gano'n na dare pero sobrang thankful ko dahil sa dare na yun nalaman natin ang isa't isa sino ba naman mag aakala na mahuhulog ka sa akin samantalang hindi nga ako pasok sa standard mo. Pero tutal nandito na rin naman yan, gusto mo rin naman ako edi wag na natin gawin na 24 hours gawin na lang natin habang buhay as magjowa." Sabi nito kaya hinampas ko siya sa kamay.

"Baliw ka ba?" Sabi ko saka umupo sa kama niya.

"Hindi ibig na we like each other ay dapat jowa na natin ang isa't isa," sabi ko.

Aba ano 'to fast forward lang hindi ko man lang nararanasan maligawan.

"Edi anong gusto mo mangyari?" Tanong nito.

"Wala, balik sa dati. Sapat na sa akin na alam kung may gusto ka at least ngayon hindi na ako assuming. Totoo pala talaga yung instict ko. Wag natin madaliin ang bagay, let's enjoy na lang kung anong mayroon tayo ngayon." Sabi ko rito.

"Puwede na kita ihatid sa bahay niyo?"

"Still no, hanggang sa kanto lang na sakayan. Wag ka na makulit." Sabi ko sa kaniya saka siya nilapitan.

Nag ayos na kami para sa live namin at facebook niya ginamit namin naka-tag lang ako.

"Ay hala grabe, wala pa naman ilang minuto dami na agad tao." Sabi ko pagkatingin sa viewers niya.

"Abangers yan," sabi pa niya.

"Hi guys, kamusta kayo? Sa mga hindi po nakakakilala sa akin. My name is Nevaeh Montivilla. Ayan puwede po kayo mag-drop ng question niyo sa baba if may gusto kayo malaman." Sabi ko sa kanila saka umupo sa tabi ko si Jk.

Sinandal nito ang ulo niya sa balikat ko kaya tinulak ko 'to para umayos siya ng pagkakaupo.

"Hoy, say hi to them. Ang dami nagpapa-notice. Wag ka madamot Jk, i-notice mo sila dali." Sabi ko pa kaya naman napaayos siya ng magkakaupo.

Sinunod niya ang sinabi ko na i-notice niya ang mga nagpapansin kaya halos lahat ata ay na-notice niya kaya the whole time nakangiti lang ako not until basahin ko yung comment ni Gwen.

"Layag na lagay yung ship ko, notice me po mga idol." Pagbasa ko kaya nagkatinginan kami ni Jk saka natawa.

"Hi Gwen," sabi ko rito.

"Hello Gwen, gusto niyo ba ng chismis?" Sabi ni Jk kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Bukas may chismis ako," sabi nito saka ako inakbayan kaya hinampas ko siya.

"Nakarinig lang ng chismis nandito agad si Michelle," natatawang sabi ni Jk kaya napatingin ako kay Janelle na nag spam ng comment kaya naman napailing ako.

"Paano po kayo naging love team?" Basa ko sa comment.

"Ang namili sa amin yung mga teacher sa school na pinapasukan namin and I think tama sila ng desisyon na kami ang piliin, see? Nag work kami." Sabi ni Jk kaya napangiti na lang ako.

"Label reveal po," basa ko naman sa comment.

"Friends," sagot ko.

"Friends na may feelings, ay hala sorry nadulas ako. Friends po kami." Sabi ni Jk kaya naman tinarayan ko siya.

Pagtingin ko sa comment puro mga ayiee at may ilan na heart lang comment mga halatang kinilig.

"Ask ko lang po, anong first impression niyo po sa isa't isa." Basa ko sa comment.

"Ako personally talaga ha, no offense pero mayabang talaga siya for me ewan ko ba sa lalaki na 'to napaka ewan tapos ngayon napaka-nice see ngayon napatunayan ko na mas babae pa siya sa akin." Sabi ko rito.

"First impression ko with her, ano hmm..." Sabi nito na tila nag iisip.

Ang tagal naman mag isip ng lalaking 'to first impression na nga lang hindi pa masagot atsaka isa pa kahit anong impression naman sabihin niya sa akin ay ayos lang matatanggap ko.

"Wala akong maisip basta ang alam ko, crush ko siya unang kita ko pa lang sa kaniya." Sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now