SEVENTEEN

29 3 0
                                    

"Oh my gosh!?" Sabi ko pagkagising ko.

Nakita ko alas nuebe na kaya napabangon agad ako.

"Ano ba kasi ginawa ko kagabi at nakalimutan kung may pasok kinabukasan," sabi ko pa.

Naalala ko naiisip ko pa rin yung sinabi ni Jk akala ko mali lang pagkarinig ko pero malinaw talaga yun as in.

Sana bintana na lang din ako para lagi ka nakatingin sa akin.

Oh my gosh! Ano ba meaning niya? Grabe hulog na hulog na ako sasalohin niya ba 'ko?

"Tapos lintik na yan, medyo nakakaano kasi mga kinikilos niya tapos yung mga sinasabi niya parang may meaning o baka assuming lang ako tapos gano'n talaga siya sa lahat." Sabi ko pa.

Grabe hindi ako nakapasok dahil lang doon. Alam ko naman anong feeling ng crush mo yung tao ano pa at naging honor ako kung yun ay hindi ko alam.

Nag online ako saka bumungad sa akin ang chat nung dalawa na parehas tanong nasaan daw ba ako or kaya naman bakit hindi ako nakapasok.

Tumawag agad ako sa gc namin dahil alam kung break time. Sinagot naman din kaagad ni Gwen.

"Ven, are you okay? Pupuntahan ka sana namin kung alam lang namin saan ka nakatira kaso hindi namin alam eh." Sabi ni Gwen.

"I'm fine, kakagising ko lang nakalimutan ko mag alarm tapos ang mga magagaling kung pamilya hindi ako ginising." Sabi ko sa kanila.

Totoo naman kasi hindi man lang nila ako ginising, grabe akala mo hindi ako part ng family.

"Habol ka na lang this afternoon class, hinahanap ka nga kanina eh. Nanibago sila hindi ka raw nila nakita today. Atsaka isa pa baka may maka-miss sa'yo." Sabi ni Janelle kaya tinarayan ko siya.

"Sabi nga namin kay Ma'am baka po masama pakiramdam kaya hindi nakapasok," sabi ni Gwen.

"Tigilan mo 'ko Janelle, kayo lang naman makaka-miss sa akin." Sabi ko.

"Hindi mo sure," sabi ni Janelle.

"Tigilan mo nga yan Janelle, pasok ka na Gwen kasi baka may meeting kayo sa drama niyo. Sige na bye na ingat ka pagpasok see you." Sabi ni Gwen kaya nagpaalam na ako sa kanila.

Nilapag ko ng cellphone ko saka naglakad pababa para maligo at kumain ng almusal.

Halos lunch break na ako ng makarating sa school nakita ko pa ang ilan sa mga kaklase ko kaya nginitian ko na lang sila.

"Hey," sabi ni Jk sa akin na tinapik pa ang balikat ko.

"Uy hi," sabi ko rito saka lumayo dahil nasa balikat ko pa rin ang kamay nito.

Kumalma ka Ven.

"Kakapasok mo lang?" Tanong nito ng mapansin niya ang medyo basa kung buhok at naka suot pa ng bag pack dahil napansin kung tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Late ako nagising,"

"Tara kain tayo, wala akong kasama. Hindi pumasok si Austin dahil nagbabantay sa tita niya na nasa hospital." Sabi nito kaya naman naglakad na ako dahil alam kung hahawakan ako nito sa kamay.

Hindi ko gusto dumidikit siya sa akin baka mahirapan ako makaahon sa pagkakagusto sa kaniya, ayoko naman umasa. Atsaka isa pa baka mailang ako sa gagawin namin na dare.

At oo, gusto ko siya actually nasa denial stage pa ako kasi hindi ko tanggap na sa kaniya ako magkaka-crush kasi nga sabi ko hindi nga siya pasok sa standard ko.

Ang weird lang kasi kung sino pa 'tong hindi naman pasok sa standard ay sa kanila pa tayo magkakagusto, weird.

"Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now