THIRTY

21 3 0
                                    

"Nagbago ang flow dahil nagkasakit ka," sabi sa akin ni Jk pagkasakay ko sa kotse nila.

One week akong nawala at alam naman ng mga kasama ko yun, sinusumpong kasi ako kaya hindi muna ako hinayahan ni Mama na pumasok kasi baka imbes tuluyan na akong gumaling ay mas lumala pa.

"Anong nangyari?" Tanong ko rito.

"Dapat ang susunod na scene ay yung aamin na tayo pero pumasok doon sa eksena yung umalis ka bale wala na tayong chance na umamin. Sayang yun bebs kasi gusto ko yung scene na yun. Pero sana maibalik." Sabi nito.

I was felt guilty kasi I know kasalanan ko yun dahil kailangan nila baguhin dahil nga wala ako. Kailangan nila mag adjust.

"Sorry," sabi ko sa kaniya.

"For what?" Nagtatakang sabi nito.

"Dahil sa akin nagkaroon ng changes," sabi ko kaya naman hinawaka niya ang kamay ko.

"Okay lang as long as gumaling ka, ano ka ba wala ka kasalanan. Ayos lang yun, nag alala pa nga sila sa'yo at gusto talaga i-check if okay ka na ba talaga eh. Health ang importante rito kaya as much as possible mag iingat sa lahat ng sitwasyon." Sabi nito saka sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Na-miss kita, iniiwasan ko lang na sobra ka ma-miss para hindi ako masyado asarin. Ang clinche ko raw feeling magjowa tayo." Sabi nito sa akin saka hinawakan ang kamay ko at pinaglaruan 'to.

"Nami-miss ko na rin yung pagiging sadista mo, grabe ang bilis naman ng panahon. Wala pa rin yung dare ng mga ate mo." Sabi nito kaya naman natawa ako.

"Hindi ko alam bakit wala pa naman yung dare ay may feelings na tayo sa isa't isa," sabi ko pa rito.

"Sayang din yun," sabi nito.

"I told you puwede naman magjowa habang buhay na challenge," sabi niya kaya naman napangiti ako.

"Hindi mo nga ako nililigawan eh,"

"Nagpapaligaw ka ba?" Tanong nito saka umayos ng pagkakaupo at tiningnan ako.

"Ay bawal pa pala," sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba na I discover na ang tawag sa atin ay M.U," sabi niya.

"How did you know?"

"Someone told me na once may feeling kayo sa isa't isa pero wala kayong label and hindi naman kayo friends, consider as M.U which means mutual feelings kumbaga parehas tayo may gusto sa isa't isa. Isa pa madalas tayo magka-chat ito lang mga week hindi kasi nga ayaw ni Tita na na-e-expose ka sa phone." Sabi niya kaya tumango ako.

"I agree," sabi ko na lang.

"Masaya naman siya di ba?" Sabi nito.

"Oo, as long as masaya tayo sa ginagawa natin okay lang na walang label. Hindi natin kailangan magmadali." Sabi ko saka ako naman ang sumandal sa balikat niya.

"By the way malapit na rin tayo gumraduate, anong course balak mo kunin?" Tanong nito sa akin.

"I'm planning to take Mass comm how about you?"

"Undecided pa,"

"Akala ko Engineering or Architect ang plano mo i-take," sabi ko rito.

Since stem kasi siya ay iniisip ko na baka gano'n course ang plano niya i-take. Conclusion ko lang naman yun eh.

"Ewan ko pa, I was thinking pa. Ikaw lang kasi naiisip ko hays." Sabi nito kaya naman napairap ako.

"Nandito na tayo," sabi ni Kuya Roel kaya napaayos ako ng upo.

Pinagbuksan niya kami kaya nagpasalamat na lang ako.

"Text na lang po kita if magpapa-sundo na po kami," sabi ni Jk.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now