FORTY-THREE

27 3 0
                                    

"Alam mo Ven kung binili mo na lang lahat yan ng matapos na tayo," reklamo ni Ate Yla.

"Ang dami mo naman kasi pinipili, bilhin mo na lahat ng matapos na tayo at makakain. Kanina pa tayo nandito Ven." Dagdag pa ni Ate Elle kaya naman hindi ko sila pinansin.

Ang ingay nila, kanina pa sila panay reklamo samantalang hindi pa naman kami nag iisang oras na nandito.

"Kalma lang mga te, gusto ko yung maganda ako." Sabi ko sa kanila na nakatuon pa rin ang atensyon sa paghahanap ng dress.

I invited them to come with me kapalit ng libre dahil hindi naman nila ako sasamahan ng walang kapalit. Nasa Mall kami ngayon at naghahanap ako ng dress para sa graduation namin any color naman daw ay puwede. Pero I decide na it's an either black or white dress.

Hirap pumili.

"I already told you Ven to choose with these two, look ang ganda nila tingnan. Isukat mo muna tapos ipakita mo sa amin." Sabi ni Ate Yla.

I believe in Ate Yla taste proven ko naman yun pero hindi lang ako makontento at may hinahanap pa rin ako. Alam niyo yun hindi talaga tayo titigil hanggang hindi tayo satisfied sa bagay na yun.

"Do it," sabi ni Ate Elle saka ako hinila papunta sa dressing room kaya wala na akong nagawa.

Buti na lang at walang tao kaya pumasok agad ako.

"Labas ka para makita namin if okay ba siya with you," sabi ni Ate Yla.

"Opo Nay," sabi ko na halatang hindi nila narinig dahil hindi sila nag-response. Inuna ko yung white na sleeveless na may kaonting flower na design. It is simple yet mukhang bagay sa akin.

Tapos na kami mag-pictorial kaya I decide to buy a new dress that I will be going to wear to my graduation that is held 2 days from now. It's only my free time since tomorrow I will going to stay at home and make my beauty rest. Atsaka pending pa ang aking speech wala pa akong nasisimulan kasi ayoko lang gawin muna.

Syempre nagpahinga lang muna ako atsaka saglit lang yun hindi na rin 'to bago sa akin dahil nga last time nag-speech din ako nung junior high ko kaya basic na lang 'to.

"Kinain ka na ba ng fitting room be?" Sabi ni Ate Elle habang kumakatok kaya binuksan ko saka naglakad palabas.

"Ay hala! Ganda. Sabi na nasa nagdadala yan eh." Sabi ni Ate Yla.

Yes, she's right nasa nagdadala nga ng damit yan. Binabagayan dapat natin sa atin yung susuotin natin kaya masasabi ko na bagay nga sa akin.

"Next mo na yung black para alam namin saan yung pipiliin namin," sabi ni Ate Elle na tinutulak pa ako.

"Akala mo ikaw ang susuot, kumalma ka Ate Elle ako ang magsusuot kaya wag ka masyado paladesisyon sa buhay." Sabi ko saka naglakad pabalik sa fitting room.

Sinukat ko ang itim na one-sided lang na may mga kaonting curves ganern plain lang pero may design na parang sa kurtina. Maganda rin siya para sa akin pero if I will choose to the white and black mas bet ko yung white ganda ko kasi roon tingnan

"I'm done," sabi ko pagkalabas.

"Oww, cute." Sabi ni Ate Yla.

"Bagay din sa'yo pero I'll go with white," sabi ni Ate Elle.

Same Ate Elle, same tayo ng pinili. Hinihintay ko si Ate Yla na bumoto ng may iabot 'to sa akin na white rin na dress.

"Wear it, mukha siya maganda for me. I think babagay din yan sa'yo." Sabi nito.

Kinuha ko 'to saka tiningnan. She's that the type of dress na sexy pero masasabi ko naman na maganda siya.

"Hurry up, move." Sabi ni Ate Yla kaya naglakad na ulit ako papasok sa dressing room.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now