eleven | loophole

Magsimula sa umpisa
                                    

And if some crazy scientist learned about my condition, there's no doubt that I will be subject for experiments... I would be a fucking lab rat.

That's the dark side of science after all, it can drive people to madness just to feed their curiosity... they would be greedy and desperate for the truth to the point that they will only see me as an animal—scrutinizing every inch of my body and testing all known chemicals on me.

I won't let anyone do that to me.

Kaya hindi pwedeng malaman ng kahit sino na iba ang epekto ng virus sa akin. Hanggat kaya ko ring itago ang kagat ko, itatago ko ito. O kung sakali mang may makakita, mas mabuting isipin nila na ordinaryong infected lamang ako.

At para masigurong hindi ako makakapanakit ng ibang tao kung sakaling mawalan ako ng kontrol, iiwas na lamang ako sa kanila.

I know that I might be overthinking it again, but there's no harm on taking precautions.

Kung gusto ko pang mabuhay, kailangan kong mag-ingat sa bawat gagawin ko.

I also need to be careful on who to trust.

Whatever this is, I'll figure it out on my own.

My knowledge might still be limited in the actual medical field but I can still do something.

I can start from studying my blood sample. I'll have more ideas from there. Magiging madali lang din 'yon para sa akin.

Imposibleng sinuwerte lamang ako.

I am damn sure that there's an explanation behind this... it might even be useful to solve this catastrophe.

At hindi ako papayag na hindi ko malalaman kung ano 'yon.

Napahinga ako ng malalim at pinagpatuloy na ang paglalakad. Binilisan ko na ang mga hakbang ko. Pero kahit gano'n ay pinanatili ko pa rin itong tahimik dahil ayokong masundan ng mga infected.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang corridor papuntang comfort room.

Liliko na sana ako nang may mauna ng lumabas doon.

Pare-pareho kaming nagkagulatan nina Russell at Stefan, napamura pa ang mga ito at muntik na akong hampasin ng mga hawak nilang pamalo!

Agaran kong nilibot ang tingin sa paligid, walang infected na malapit sa amin pero mabilis ko pa rin silang hinilang dalawa papasok sa pasilyo.

"What the hell are you doing here outside?" mahina ngunit mariing tanong ko matapos bitawan ang mga braso nila.

Paano na lang kung sa lugar na maraming infected ko sila inabutan?!

"You scared the shit out of us! Akala namin zombie ka!" singhal ni Stefan at hinawakan pa ang dibdib niya. "Fuck, 'yong puso ko. Mas mamamatay ata ako sa gulat dahil sayo!"

Pinigilan kong matawa sa reaksyon niya. I have to remind myself that the rest of them still feared the possibility of getting bit and devoured by the infected. Ako lang naman itong hindi na natatakot dahil hindi na ako inaatake ng mga 'yon.

"We should be the one asking you that. Ang tagal mo na dito sa labas. Kanina pa kaming nag-aalala." saad naman ni Russell na ikinaseryoso ko.

They're worried... and I'm just lying to them.

"Kaya ko ang sarili ko," tanging sagot ko.

Umigting lamang ang panga nito at mataman akong tinitigan. "You might be capable of protecting yourself but that doesn't mean that we'll just let you take responsibility for all of us. Hindi mo kami kargo kaya 'wag mong akuin lahat ng dapat gawin. I know that you're not asking us for any help dahil iniisip mo na papalpak lang kami, but for God's sake, kaunting tiwala naman, hayaan mong tulungan ka namin."

F*ck, I'm Infected?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon