Chapter 5

2.5K 128 14
                                    



Maxine Genares

Kanina pa tawag ng tawag si Ria kaya pinatay ko muna ang phone ko. Nasa balcony na si Maki naghihintay sa amin ni Krista. Paakyat pa lang kaming dalawa dala-dala ang mga food na niluto namin at mga wine. Pagdating dito sa balcony ay nilapag na namin ang mga dala-dala namin.

"Wala palang tubig. Saglit kukuha lang ako."sabi ko.

"Max, ako na. Umupo ka na diyan."

"Ah, okay thank you Krista."

Nakasunod ang mga tingin namin ni Maki sa kanya.

"Ang ganda naman ng crush mo. Pero loko ka Max, ah! Mukhang wala kang balak na ipakilala sa amin si Krista. Hindi ka ba proud na kaibigan mo kami?"

"Wala akong time."sagot ko.

Natatawa siya.

"Pareho pa naman tayo ng mga type na babae."

"Tumigil ka kung ayaw mong ihulog kita mula rito sa balcony!"

"Tsk! Masyado namang mainit yang ulo mo. Relax ka lang."

Bwisit na Maki 'to!

Lumipat kaya ulit ako ng apartment? Yong hindi nila alam. Kaso nakakapagod ang magpalipat-lipat.

"Ito na yong tubig."

Ibinaba ni Krista ang dala niyang pitsel dito sa table at umupo siya rito sa tabi ko, kaharap namin si Maki.

"Kumain na tayo."sabi ko at nagsimula na kaming kumain.

"Krista aware ka naman kung gaano kabait si Max?"

Susubo sana ako nong magsalita si Maki.

"Oo naman, madalas tahimik lang itong si Max. Pero lagi akong inaasar niyan, ako lagi ang pinagti-tripan niya sa trabaho at isa siyang hearthbreaker!" may diin talaga yong pagkakasabi niya. Ayos, ah!

"Ohh, natumbok mo. So alam mo naman pala."

"Oo, sa apartment ko laging may nakaluhod na babae sa harap niya habang umiiyak."

"Tsk! Tsk! Tsk! Ang tindi mo Max."saad ni Maki.

"Pwede ba tigilan niyo nga ako."sabi ko sa kanila.

"Krista, kunyare ligawan ka ng isang heartbreaker may pag-asa ba?"

Masisipa ko na siya! Kanina ko pa siya pinanlalakihan ng mata.

"No." Natigilan ako sa sagot niya. "....parang kami ni Max, tanggap ko siya bilang kaibigan pero kunyare manligaw to sa akin. Basted agad siya."

Grabe naman ang sakit non, ah! Tawa nang tawa si Maki. Sungalngalin ko kaya tong hayop na to! Nakakawalang gana tuloy kumain.

"Hindi rin naman kita type, Krista. Kung makapagsalita ka naman akala mo ang ganda-ganda mo."saad ko sabay labi.

"Sinagot ko lang yong tanong ni Maki. Ang sama mo. Tungkol sa heartbreaker ang tanong niya eh di ba ganon ka kaya ikaw ang example ko."

Hindi na ako kumain binuksan ko na lang itong wine at uminom. Tinititigan ako ni Maki, tumitig din ako sa kanya at binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Paano kapag nagbago ang isang heartbreaker. May pagasa ba sayo?"

Napakuyom ako. Ayaw talagang tumigil niyang tumigil!

"Tingin ko walang pagasa na magbago pa ang mga heartbraker, di ba Max?"tanong ni Krista saka siya tumingin sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan.

"Oo, hindi na ako magbabago."

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon