"Mag-taxi na lang tayo, Krista."

"Sige."

Andito kami sa harap ng restaurant kung saan kami kumain. Naghihintay kami ng taxi. Habang nakatayo kami rito ay nagawa ko siyang titigan. Pangiti-ngiti lang ito habang napapayuko. Mas marami kasi siyang nainom na soju kesa sa akin.

Pag-sakay namin ng taxi humilig agad siya rito sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya. Ganyan naman yan, eh.

Pagdating namin dito sa tapat ng apartment ko, nagbayad na ako ng pamasahe namin saka kami bumaba.

"Hindi ka ba papasok, Max?"

"Hindi na, uuwi ako."

"Baliw ka talaga, nakainom ka."

"Hindi ako lasing."

"Kahit na."

"Okay lang! Sige na pumasok ka na."

"Bakit ka pa bumaba ng taxi kung balak mo palang umuwi?"

"Para siguraduhin na papasok ka sa apartment mo. Ayoko na magalit sa akin si Barney, baka isipin niya na pinapabayaan kita."

"Barry hindi Barney, ang kulit talaga!"

"Ayan na ang taxi. Pumasok ka na dali, babye na."

Isang madiin na halik ang iginawad niya sa pisngi ko.

Pumasok na ako ng bahay at sumakay na rin siya sa taxi. Naglock na ako ng pinto at umakyat sa kwarto. Sakto naman ang pagtawag ni Barry.

"Hello, Barry?"

["Diyan ako matutulog, Kris."]

"Ah, okay. Hintayin na lang kita."

Minsan dito talaga natutulog ang boyfriend ko. Mga isang oras din akong naghintay bago siya dumating. Mukhang kagagaling niya sa gym.

"Lagi ba rito si Maxine?"

"Hindi naman, kasama ko siya kanina pero umuwi rin siya. Hindi na nga siya pumasok dito."

"Sige, maliligo lang ako."

Tumango ako.

Bago pa dumating si Barry ay naligo na ako. Nauna na akong humiga at pagkatapos niyang maligo ay tumabi na siya sa akin. Niyakap niya ako at dahil malaki ang katawan niya ay madali lang niya akong naikulong sa mga bisig niya. Sinisimulan na naman niya ako sa paghalik niya rito sa leeg ko.

"Umayos ka nga."itinulak ko siya.

"Pakipot ka talaga, Kris. Mag-iisang taon na tayong magkarelasyon."

Kahit anong sabihin niya, hindi ko pa rin siya pinagbigyan sa kagustuhan niya.

.....

Pumasok ako ng office before mag-eight AM. Halos magkasunod lang kami ni Max na dumating at sabay na kaming umupo rito sa mga desk namin.

"Krista..."

Kinalabit niya ang braso ko.

"Bakit?"

"Oh, kailangan mo 'yan."

Nagtaka ako rito sa inabot niyang maliit na box.

"Ano to?"

Binasa ko ang description.

Cond*m?!

Itinuktok ko nga sa ulo niya!

"....sira anong gagawin ko diyan?!"

Bakit parang nagulat siya?

"Ibig sabihin hindi kayo gumagamit ng boyfriend mo nito?"

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon