Nag tanong muna siya regarding sa past lessons, pero bakit ako lagi ang natatawag?  Kahit hindi naman ako nagtataas, ako talaga ang puntirya, halos ma-drain na utak ko.

★★★

“Ya! Buti nalang naka 90 sakto ako.” I heard Cassidy.

“She’s really a terror.” Narinig ko pa ang classmate ko.

“Buti nga ikaw naka 95, e.” Cassidy said then she pouted. Nagpaalam na ‘ko sa kaniya dahil pupuntahan ko pa si Ma’am, I sighed, hindi ko alam kung tutuloy pa ‘ko, nakakatakot, e.

Nasa tapat na ‘ko ng opisina niya at nagdadalawang isip kung kakatok ba ‘ko, but I still decided na kumatok. I knocked several times, kaso walang sumasagot, dahan-dahan kong binuksan ang door knob at sumilip, walang tao.

“What are you doing here,” I heard the familiar voice na nagsalita sa likuran ko kaya agad akong nagulat. She raised one of her eyebrows at pumasok sa loob, sumunod naman ako.

“Do I need to repeat my question?” sungit.

“Bumibisita po.” Sagot ko sa kaniya at naupo sa couch. Naupo naman siya sa swivel chair niya at naka crossed arms, I look away, nakaka distract.

“I’m not sick.” Sabi niya kaya napanguso ako, lumapit naman ako sa pwesto niya.

May nilapag naman ako sa lamesa at tinitigan niya ‘yon.

“What’s that?” tanong niya.

“Baunan po,” she glared at me, “hehe, joke lang po.” I chuckled. Umupo naman ako sa tapat niya at binuksan ‘yon.

“Open niyo po, Ma’am.” Sabii ko at nginitian siya. Binuksan naman niya ‘yon at nakita kong nabigla siya pero nawala rin agad.

“Cookies?” tumango naman ako.

“What kind of design is this?” tanong niya pa.

“Si Cookie Monster, ikaw ‘yan, Miss.” Sagot ko.

“Really, I thought it was a dinosaur.” Sabi niya kaya napakunot noo ko, ano raw? Dinosaur?

“Hindi naman, e.” I said then pouted, tinaasan niya ako ng kilay.

“Then, what do you want me to do with that?” mataray na tanong niya.

“Inumin niyo po.” Sagot ko at akma niyang ibabato ang ballpen na hawak niya sa akin, agad akong lumayo.

“Villarreal!” she said in a warned tone, natawa naman ako bigla.

“What’s funny?” tanong niya pa, agad akong bumalik sa upuan.

“Nothing, Miss. You’re cute po pala kapag naiinis.” Sabi ko sa kaniya, napahinto naman siya dahil sa sinabi ko.

“S-shut up.” Sagot naman niya.

“Try to taste it, Miss.” Sabi ko, nakita kong nag aalinlangan siya kaya kumuha ako ng isa at sinubukan subuan siya.

“Here’s the airplane.” Sabi ko at bigla siyang natawa ng mahina, her voice, really magical.

“Fine,” sabi niya, akala ko ang kakagatan niya ‘yong hawak-hawak ko, kaso ang kinagatan niya ‘yong cookies na kagat-kagat ko sa bibig, she lean closer pa para abutin ‘yon, I felt her lips touch mine and I smell also her sweet scent, agad akong natulala.

I watch her eating the cookies, damn, what was that? I swallowed hard. Para siyang reyna kung kumain, tapos ako ‘yong alipin na nagaabot, kidding, ang ganda-ganda ko, e.

“H-how’s the taste, Miss?” alanganin na tanong ko, though hindi pa ako nakaka recover dahil kanina.

“Horrible.” Sagot niya.

“Miss naman e!” reklamo ko, tumingin naman siya sa akin ng masama.

“Are you raising your voice to me, Rainiel?” malamig na tanong niya kaya nanahimik ako bigla.

“I’m just kidding, It tastes fine.” Sagot niya pa kaya napangiti ako. I watch her eat the cookies kaso may tira pa, kukuhain ko na sana nang pigilan niya ‘ko.

“Don’t, leave it here.” Sabi niya, kaya tumango ako, leave it here raw.

Nakita ko napatingin siya sa kamay ko, kaya agad ko tinago sa likuran.

“Give me your hand.” Utos niya kaso hindi ko pa rin sinunod.

“May kamay naman po kayo, Miss, bakit hihingiin niyo akin?” sabi ko sa kaniya, pero blanko lang niya akong tinignan.

“Villarreal, I’m not playing with you anymore, just give me your hands.” Sabi niya, kaya nag aalangan akong pinakita sa kaniya kamay ko, may paso kasi. Napailing siya at may kinuha sa drawer.

“W-what are you doing, Miss?” nauutal na tanong ko sa kaniya.

“Puputulin daliri mo.” Sagot niya kaya nabigla ako.

“Of course lalagyan ng ointment, hindi kasi nag-iingat.” Pinanood ko lang siyang lagyan ‘yon, nakatingin lang ako sa kaniya, ang ganda niya. Hanggang sa matapos siya.

“Thank you po, Miss.” Sabi ko at nginitian siya, kaso hindi naman niya ako binalingan ng tingin.

“Becareful next time.” Sabi niya pa, lumabas ako sa opisina niya at napahawak ako banda sa puso ko.

Shit, what is this? What's happening to me?

Deceive MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin