Chapter 18

17 3 0
                                    

Krist,

Alam kong kanina pa tumutunog ang cellphone ko at alam kong si Ate Pang ang paulit-ulit na tumatawag.Hinayaan ko lang tumunog ng tumunog ang cellphone ko,alam ko kung ano ang itatanong n'ya sa akin.Inayos ko na lamang ang sarili at nagbihis ng maganda pagkatapos noon ay nah-diretso na ako sa farm at doon ko naabutan si Singto na masayang sinasalansan ang mga platong ginamit ng mga trabahador.

"Sing?". Tawag ko sa kan'ya at agad naman n'ya akong nilingon. "Samahan mo ako."

"Saan?".

"Wag ka ng maraming tanong at sundin mo na lang ako."

"Pero may ginagawa pa ako."

"Magpalit ka na lang ng damit........" Utos ko naman. "Pero bago 'yun p'wede ko bang makuha ang good morning kiss ko? hindi mo binigay kaninang umaga,iniwanan mo na lang ako sa kwarto ng hindi ako dinadamitan." Dagdag ko naman,kita ko sa mata n'ya na nahihiya s'ya.Bakit pa s'ya mahihiya? Para namang may nakaligtaan ako sa kan'ya at sa akin.

"May makadinig sa'yo Kit......papalit na ako baka kung saan pa mapunta ang usapan na 'to." Nagmamadaling sinabi ni Singto at iniwan na ako.

Kanina pa akong nag-iintay dito sa sasakyan at kanina pa rin akong nag-iintay,ang sabi ko magpalit lang.Ganoon ba talaga s'ya magpalit,mabagal? Tumingin ako sa labas at nakita ko s'ya,kaya naman pala ang bagal naligo pa at nagpa-gwapo.Nag-ayos ba s'ya para maraming makapansin sa kan'ya? At naka-maong na shorts pa s'ya,kita na ang binti n'ya sa suot n'ya,masyado pang maikli ang manggas ng damit n'ya. Nakapasok na si Singto sa sasakyan,pagkasakay na pagkasakay ni Singto ay minaneho ko na ang sasakyan.Tahimik lamang ang aming biyahe hanggang sa hindi na nakatiis si Singto at pinansin ako.

"Kit,Bakit ba ayaw mo akong kibuin? Dahil ba 'to sa kanina? Doon sa pag-tanggi ko? ". Sunod aunod n'yang tanong sa akin.

"Kapag sinabi ko bang oo,anong gagawin mo?". Tanong ko pero hindi ko s'ya tinitingnan.

"Gagawin ko? ................Okay,sorry."

"Sorry? Para saan?".

"Di ba 'yun 'yung gusto mong madinig mula sa akin?".

"Wala naman akong hinihiling na gan'on sa'yo ah."

"Ano ba talaga 'yun !?". Medyo nag-iba na ang pagtatanong sa akin ni Singto pero bigla na lamang na nabanat ang aking pisngi tanda na ako ay napangiti dahil sa salitang binitiwan n'ya.

"Mahal kita." Mahinahong sinabi ni Singto sa akin.

"Ano'ng sinabi mo?". Nakangiti kong tanong kay Singto.

"Isang beses ko lang sasabihin 'yun,kung gusto mo ulit na sabihin ko 'yun bayaran mo muna ako."

"Bayad? Minahal nga kita ng walang bayad tapos simpleng salita lang 'di mo pa maulit." Seryoso kong sinabi kay Singto.

"Sabi ko MAHAL KITA!". Tiningan ako ni Singto at kinindatan ako.

"Mas'yado mo na akong pinapakilig Sing baka masanay ako hanap hanapin ko.".Hindi na kumibo si Singto at itinuloy ko na lamang ang aking pagmamaneho.Inihinto ko ang sasakyan sa plaza.Puro puno't halaman na lamang kasi ang nakikita ni Singto kaya naisip ko na dalahin ko s'ya dito.Bumaba na kaming dalawa,kita ko sa mga mata n'ya na aliw na aliw s'ya sa nakikita.

"Bakit tayo nandito?". Masaya n'yang tanong sa akin ngunit hindi n'ya ako tinatapunan ng tingin dahil sa paggala ng mga mata n'ya sa paligid.

"Magde-date tayo." Sagot ko sa kan'ya at inilahad ko ang kamay ko sa kan'ya. "Tara?".

"Baliw ka ba? Ang daming tao." Nakangiti n'yang sinabi at naglakad pauna sa akin.Napailing na lang ako dahil sa hindi n'ya pagtanggap sa kamay ko,isip bata talaga s'ya,mas lalo s'yang kumu-kyut dahil sa inasal n'ya. "Hahawak ka din sa akin. Sing hintay." Pag-habol ko naman sa kan'ya.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now