Chapter 11

21 3 3
                                    

Krist

        Hindi ko inakala na gusto akong makasama ni Singto ngayon,hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o ano,gusto kong ngumiti at sumigaw pero anong rason ko para gawin 'yun? Kailangan ko na talagang kilalanin ang sarili ko kasi nahihirapan na akong ilarawan ang nararamdaman ko,hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa nangyari kanina.
      
         Dinala ko si Singto sa may kubo kung saan una kaming natulog ng magkasama at magkatabi.

“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ni Singto saakin.Nahahalata n'ya kaya na kanina pa ako nakangiti?

“May ipapakilala ako sa'yo.Sumunod ka saakin.” Nagpunta ako sa likod ng kubo.

“Sino?”. Tanong n'ya habang sumusunod saakin.

“Siya.”.Nakangiti kong sinabi habang tinitingnan ang kabayo ko na nakatali.Nag-iisa lang ang kabayo ko at hindi ko s'ya ipinagbebenta kahit ang daming gustong bumili nito.Kulay brown ito,mahaba ang buntot at maganda ang tindig kaya siguro maraming gustong bumili nito.

“Aww.........may kabayo ka pala?”. Nakangiti at hindi makapaniwalang tanong ni Singto saakin.

“Gulat na gulat ka?”. Nakangiti kong sinabi at nilapitan ko ang kabayo ko tsaka s'ya hinaplos. “Ang pinakamamahal kong kabayo na si KitKin.”

“KitKin? Pangalan ba iyun?”. Natatawang sinabi at tanong ni Singto.Anong nakakatawa sa pangalan ng kabayo ko? Edi dapat matawa din s'ya sa sarili n'ya.

“ Anong nakakatawa sa pangalan ng kabayo?”.

“Wala naman.......pero bakit KitKin?”. Taka n'yang tanong saakin.

“Isang napaka-importanteng tao sa buhay ko.Ano gusto mong sumakay?”. Pag-aaya ko.

“Hindi ako marunong.”

“Tuturuan kita,masaya ito ? Sandali lang.” May kinuha ako sa loob ng isang maliit na lalagyan,kinuha ang uupuan ni Singto,iisa lamang ito kaya kaniya na lang.Pagkakuha ko ay ipinatong ko na sa likuran ng kabayo ko. “Mauna kang sumakay.”

“Hindi talaga ako marunong......” Pag-aalinlangan ni Singto.

“Aalalayan kita.........”

   
      Inalalayan ko si Singto na sumakay sa kabayo,medyo nanginginig si Singto ng s'ya ay aking binatawan.Ramdam ko ang kaba nya dahil sa pagdikit ng aking katawan sa katawan n'ya.Siya ang nasa unahan habang ako naman ang nasa likuran at umaalalay sa kan'ya.

“Singto kalma lang,nandito lang ako sa likuran mo.”. Sabi ko nang mahinahon para mawala ang kaba n'ya kahit papaano.“Ganito,hawakan mo 'yung tali,aalalayan kita para mapalakad s'ya.” Utos ko naman sa kan'ya at ito'y sinunod naman n'ya.

“Pagkatapos,ano ng gagawin ko?”.

     Dahil nga nasa likuran ako ni Singto nag-mistulang nakayakap ako sa kan'ya,na s'yang ganoon nga naman ang posisyon naming dalawa.Pagka-alalay ko sa kamay ni Singto para mapalakad ng kabayo ay ramdam ko na masaya s'ya at naaaliw,ganoon din naman ako pero hindi mawawala ang pagkakataon na tinitingnan ko s'ya nang nakangiti.Naglibot-libot kami sa farm gamit ang kabayo.

——————————————————

  
      Masayang naglilibot ang dalawa sa farm,habang naglilibot sila,nakita nina James at Kaye ang dalawa,bakas sa mukha ni James ang pagkatuwa habang ang Kaye naman ay walang bahid ng kasiyahang makikita.

“Kaya pala wala silang dalawa eh,nagliliwaliw ng mag-kasama.” Sabi naman ni James. “Akalain mo,dati dati sobrang ayaw ni Singto na makita si Krist pero ngayon sobrang lapit nila sa isa't isa.” Dagdag pa nito.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now