Chapter 7

21 3 3
                                    

       Sa tuwing may papagawang bagong trabaho si Krist kay Singto ay binibigyan n'ya ito ng isa hanggang dalawang linggo para maisagawa ang trabahong ibinibigay n'ya.Sa parte ng basket,mukhang matatagalan s'yang matuto.Kinagabihan,sinilip ni Krist si Singto sa kwarto nito ngunit wala si Singto.Lumabs si Krist para hanapin si Singto.Umikot na s'ya sa buong bahay pero ni anino ng hinahanap n'ya wala.

——————————————————

Krist's Pov

      Nasaan naman kaya 'yun? Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paghahanap sa labas.Hindi na ako nagdala ng flashlight dahil maliwanag naman ang buwan.Nahagip ng mga mata ko si Singto na nasa upuan at hawak hawak ang basket na mukhang hindi n'ya na natapos dahil siguro dinalaw na s'ya ng antok.Nakaub-ub s'ya.Naupo ako sa katapat n'ya at dahan dahan kong iniangat ang braso n'ya at tinanggal ang hindi n'ya natapos na basket.

“Sabi na eh,kaya mo,mas lalo mo akong pinapahanga dahil natututo ka na ,sana tuloy tuloy na 'to para hindi ka na mahirapan at.......” Medyo nalungkot si Krist. “ Para makabalik ka na sa buhay na kinasanayan mo...............isip bata ka talaga DUNKIN! .” Ngumiti ako dahil hindi ko akalain na matatawag ko s'ya ulit na Dunkin,after how many years ago.Hinawakan ko s'ya sa ulo, naramdaman kong nagigising na si Singto kaya tinigilan ko ang ginagawa ko sa kan'ya.

“Krist?”. Sabi n'ya noong s'ya ay nagising na.

“Kanina pa kitang hinahanap,bakit dito ka natulog?”.

“Inaral ko kasing gumawa ng basket eh.” Kinuha n'ya pa ang natapos nyang basket. “Ito oh!”. Ngiting-ngiti n'yang ipinakita saakin.Ang cute mo talaga.

“Hmm.........dapat lagi kang ngumiti.”

“Anong koneksyon naman nun sa ginawa ko?”.

“Wala.”

“Bakit naman ako dapat laging ngumiti?”. Paulit n'ya saakin,bakit nga ba?

“Kasi bagay sa'yo..............cute ka.” Diretsahang sinabi ko kay Singto at napatayo s'ya sa kinakaupuan n'ya.

“Paano mo nasasabi 'yan?”. Mahina n'yang tanong saakin.

“Bakit masama  ba? Wala bang nagsasabi sa'yo na cute ka?”.

“Meron,Siyempre!”.

“Oh,ayun na pala eh,anong problema kung sabihan kita ng cute?”.

“Usually mga babae ang nagsasabi sa'kin n'yan and never pang may nagsabi saakin n'yan na galing sa kagaya mong lalaki.”

“Mabuti naman kung gan'on.”

“Anong mabuti?”.

“Mabuti kasi,ako pa lang 'yung lalaki na nakapansin sa ka-kyutan mo at saakin mo unang nadinig 'yan.

“Ba.............baliw ka talaga!”. Nahihiya n'yang sinabi saakin at iniwan na ako.

“Saan ka pupunta?”. Natatawa ko namang tanong at tumayo na ako sa kinakaupuan ko. “Ako pala ang nauna,ako ang nauna,sisiguraduhin ko na ako din 'yung huli.” Dinala ko ang mga basket na ginawa nya at sinundan ko na lang si Singto.

——————————————————

Singto's Pov

        Anong trip ni Krist? Bakit ba ang dami n'yang baon na pang-asar saakin?Gusto ko lang naman patunayan sa kan'ya na kaya kong gawin ang lahat ng gusto n'yang ipagawa saakin.Pagkatapos n'yang sabihin na cute ako ay nag-diretso ako sa kwarto ko at ini-lock ko ang pintuan.Naupo ako sa kama para makalimutan ang nangyari pero pagkaupo ko palang ay naalala ko naman ang sinabi ni Krist saakin. MABUTI  KASI,AKO PA LANG 'YUNG LALAKI NA NAKAPANSIN SA KA-KYUTAN MO AT SAAKIN MO UNANG NADINIG 'YAN.” Ano ba nanlalambot na ako? Nahiga ako sa kama at napakunot ang aking noo.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon