Chapter 10

21 3 1
                                    

Krist

       Kanina magkasama lang kami ni Singto,ngayon hindi ko na alam kung nasaan s'ya.Nandito kami ngayon sa loob ng bahay,natigil lang kami sa pag-uusap nang makita kong pumasok si Singto,nahahalata ko na may iniisip s'ya na hindi ko naman maintindihan.

“Singto?”. Tawag ko sa kan'ya at kami'y kanyang nilingon.“ Ah Singto,si Kaye nga pala.”

“Hmm...........nice to meet you,Kaye!”. Bati naman n'ya.

“Nice meeting you din Singto, Ano ka dito?”. Tanong ni Kaye kay Singto.Pansin ko na hindi sumagot si Singto dahil sa pagtahimik n'ya kaya nagdesisyon ako na ako na ang sumagot.

“Oh, Kaye si Singto, kapatid s'ya ni ate Pang,'yung nakukuwento ko sa'yo dati.”

“Yung kinukuwento mo na parang kapatid mo na?”.

“Parang gan'on na nga......” Medyo alangan kong sinabi at tiningnan ko si Singto na ganoon din naman ang ginawa n'ya saakin.

“Ah......” Singit naman ni Singto. “Enjoy lang kayo mukhang na-miss n'yo ang isa't isa,ayoko namang maka-sagabal.........nice meeting you again Kaye.” Paalam ni Singto at umalis na lang bigla.Anong SAGABAL ang sinasabi n'ya?

(Kaye.Si Kaye ang isa sa pinaka-kasundo na babae ni Krist simula high school pa lang,sila nina James,Kaye at Krist ang magkakabarkada noon, nahiwalay lang si Kaye nang mapag-dedisyonan ng pamilya nila na iwan na ang pagiging probinsyana at ituloy ang buhay nila sa abroad.Maganda s'ya,maganda ang hugis ng katawan,maganda ang mata,maputi,kumbaga lahat ng lalaki ay magkakagusto sa kan'ya.)

——————————————————

Singto

        Iniwanan ko na sila sa loob baka maka-isrorbo pa ako sa kanilang usapan.Natisod ako habang naglalakad dahil pumasok sa isipan ko ang tanong saakin ni Kaye,na kung ano ba ako sa bahay na 'yun. Iba ang dating saakin ng tanong na iyun o  masyado lang ako nag-iisip...........ano nga ba ako sa pamamahay ni Krist? Nagtatrabaho kay Krist? Kaibigan ni Krist ? Kapatid ni Krist? Tch! 'di ko alam,tsaka isa pa,nakuwento ako dati,kilala na ba ako ni Krist? Nagkakilala na ba kami?

“Uy Singto?”. Tawag saakin ni James. “Si Krist,nasaan?”.

“Malay ko,diba makakaibigan kayong tatlo!?”. Bulong ko.

“Ha?”.

“Ah sabi ko nasa loob,kausap 'yung Kaye ba 'yun?”.

“Sabi na e........si Krist kaagad ang pupuntahan nun,paborito nga naman....” Nakangiting sinabi ni James saakin.

“Close sila no?”. Tanong ko at medyo ngumiti ako,bakit ba hindi ako makangiti ng maayos?

“Ay sinabi mo pa! Since nasa high school kami, kami na 'yung barkada, wala ngang makalapit na babae d'yan kay Krist eh,bukod sa hindi ini-entertain ni Krist,laging nakabakod si Kaye,para nga sya 'yung girlfriend dahil sa pagiging sobrang protective n'ya kay Krist.........minsan,inaakala na silang dalawa nga,kaya 'di ako magtataka kung bago makaalis si Kaye,maging sila o.....baka 'di na umalis si Kaye. ” Pagbabalik tanaw ni James.Mukhang close na close nga sila ni Krist,pansin ko naman,tsaka tama naman si James,bagay sila,kumbaga perfect match nga.

“Saan ba nagpunta si Kaye?”.

“ Dinala s'ya abroad ng parents n'ya kasi doon na nakabase parents n'ya,siguro nandito lang sya for vacation..........”

“Ah buti naman.”

“Buti naman?”. Takang tanong saakin ni James.Anong buti naman Singto?

“Ah........buti naman kasi nandito na s'ya,magkakasama-sama na kayo ulit.”

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now