Chapter 4

29 3 6
                                    

Makalipas ang ilang linggo.........

Mababa na ang araw ngunit wala pa ring gumigising kay Singto na kalembang ng pinag-umpog na dalawang takip ng kaldero.Dahil naalimpungatan si Singto ay nagkusa na s'yang gumising,bago tumingin sa orasan ay nagkamot mo na s'ya ng ulo.

"9:00 A.M na pala." Sabi ni Singto at nag-diretso sa CR para maligo.Pagkatapos n'yang maligo ay nag-ayos na s'ya para hindi na s'ya masermunan pa ni Krist.Bumaba na s'ya at nakita si Krist na naghahanda ng agahan.

------------------

Krist's Pov

Hindi ko ginising si Singto dahil alam ko na napagod s'ya sa ginawa namin magdamag ng walang pahinga.Isa pa,may pupuntahan kami.Napansin kong bumababa na si Singto kaya binati ko s'ya pero as usual,di n'ya na naman ako pinansin at basta na lamang naupo sa upuan.Mood swing!?

"Good morning Singto.So anong pakiramdam nang walang gumigising sa'yo?". Pasimula ko naman. "Singto?". Pagtawag ko dahil di nga ako pinapansin.

"Nagtataka nga ako Kit eh,anong nakain mo at hindi ka nag-bwesit?".Bato n'ya naman sa'kin ng tanong.Teka.......tama ba ang nadinig ko,tinawag n'ya ako Kit imbis na Krist?

"Kit?".

"Huh?".

"Tinawag mo akong Kit,hindi ba?............so ibig sabihin ba n'yan pwede kitang tawaging Sing?". Imbis na sumagot ay inirapan n'ya na lamang ako. "Alam mo,mag-iisang buwan ka na dito pero hindi pa rin nagbabago ang ugali mo,kung gan'yan ka ng gan'yan,hindi ka talaga makakaalis dito."

"Wala akong pakialam!".

"Or mas gusto mo dito kasi nandito ako". Pang-aasar ko.

"Sino namang gugustuhing makasama ka?".

"Ikaw." Nginisian ko s'ya dahil napipikon na s'ya."Tulungan mo na lang ako dito nang may pakinabang ka."

"Ayoko."

"Hindi ka kakain?".Wala naman s'yang choice kahit ayaw n'ya akong makasama pero choice ko na makasama s'ya simula pa lang.Natatawa talaga ako kapag sinusubukan n'yang magluto kahit hindi naman n'ya kaya,well at least sinusubukan n'ya,noong una naiinis s'ya sa pagtawa ko pero maya maya pa ay parehas na kaming tumatawa.Ang gaan sa pakiramdam ko parang 'yung pakiramdam ko 15 years ago.

------------------

Singto's Pov

Ang aga-aga pambu-bwisit ang bungad saakin nito ni Krist eh.Hindi nga ako ginising ng pinag-umpog na kaladero,pinalit naman ang pang-aasar.Binati n'ya ako good morning pero hindi ko s'ya sinagot at naupo na lamang ako sa upuan .

"Nagtataka nga ako Kit eh,anong nakain mo at hindi ka nag-bwesit?". Tanong ko naman sa kan'ya.Natawag ko s'yang Kit imbis na Krist, Singto mag-ingat ka naman sa sinasabi mo baka akalain nito maayos na kaming dalawa,hindi naman n'ya siguro narinig 'yun kaya walang dapat ipag-alala.

"Kit?". Pagtanong n'ya saakin. Nadinig nya pala.

"Huh?".Maang-maangan ko pa.

"Tinawag mo akong Kit,hindi ba?............so ibig sabihin ba n'yan pwede kitang tawaging Sing?". Hindi porket tinawag kitang Kit pu-pwede mo na akong tawaging Sing,mga naghahabol lang na babae ang p'wedeng tumawag saakin ng gan'yan. "Alam mo,mag-iisang buwan ka na dito pero hindi pa rin nagbabago ang ugali mo,kung gan'yan ka ng gan'yan,hindi ka talaga makakaalis dito."

"Wala akong pakialam!".

"Or mas gusto mo dito kasi nandito ako". Talagang ang laki ng confidence ng lalaking 'to sa sarili n'ya ah! Naalala ko naman kung straight ba sya?

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now