Chapter 12

22 3 1
                                    

Late na ng nagising si Singto dahil na rin siguro sa puyat na naranasan n'ya kagabi.Bumaba s'ya para lumanghap ng sariwang hangin pero paglabas n'ya sa bahay ilang sirit ng tubig ang sumalubong sa kan'ya na nagmumula sa hose na gamit ni Krist.

"Oi!.............." Gulat na sinabi ni Singto ng masiritan s'ya ng tubig.Pagtingin ni Singto,si Krist ang may hawak ng hose.Nag-aagawan pala sina Kaye at Krist ng hose habang naglalandian,este naglalaro ng tubig.Kung makikita mo basang basa na ang dalawa dahil sa pagbabasaan nila.Kung pagmamasdan mo si Kaye,nakikita na ang pangloob n'yang suot pati na rin katawan nito.

"I'm sorry Singto!." Sabi ni Krist pero hindi nito tinatapunan ng tingin si Singto."Kaye,ikaw ah!". Natatawang sinabi ni Krist.

"Krist,tama na!". Sabi naman ni Kaye na malumanay,aakalain mong nagpapa-kyut s'ya. Tumaas ang kilay ni Singto dahil sa nakikita n'ya,wala na s'yang nagawa kun'di pumasok sa loob para ayusin ang kan'yang sarili.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na s'ya mula sa k'warto.Wala s'yang trabaho ngayon dahil linggo,pagkadating n'ya mismo sa labas wala na ang dalawa sa labas.

------------------

Singto,

Ang aga-aga naman nilang magharutan,at talagang sa harap pa ng bahay,isa pa,nag-aaksaya pa sila ng tubig,hindi ba nila naisip na ang mahal ng tubig,'yung iba nga hirap na hirap pang maghanap ng mapagkukunan ng tubig.Ako ang laging sinisermunan n'ya tapos pasaway din pala s'ya.Nakakainis,umagang-umaga pinapainit nila ang ulo ko,buti na lang at linggo ngayon,wala akong trabaho p'wede akong umalis at magliwaliw ng hindi sila nakikitang magkasama.

"Saan naman kaya ang next location ng paghaharutan nila?". Tanong ko sa sarili ko at nakangiting umalis sa bahay,dapat sarili ko na lang ang isipin ko hindi sila.Habang nilalakaran ko ang basang daan ay nadulas ang paa ko,babagsak na sana ako sa lupa pero buti na lang may humila saakin sa tabi para hindi ako madulas." Salamat." Sabi ko at tiningnan ko kung sino ang humila saakin para tulungan ako.Krist!?

"Ano,'ayos ka lang?". Tanong saakin ni Krist.Sa daming p'wedeng tumulong saakin dito sa farm bakit s'ya pa!?

"Oo!". Inis kong sagot.Hindi ko rin alam kung bakit ako inis.

"Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos ah." At talaga nakuha mo pa talaga akong tanungin.

"Talagang hindi!May dalawa kasing tao na magdamag nanood ng TV kagabi tapos kanina lang umaga,nag-aaksaya pa sila ng tubig.Ano,hindi makapaghintay sa kaligayahan?". Walang reaksyon kong sinabi pero halata sa boses ko ang pagka-inis.Tiningnan n'ya lang ako,hindi n'ya ba naintindihan na sila ang tinutukoy ko? "Anong tini-tingin tingin mo ?".

"Nagseselos ka ba?". Natatawang tanong ni Krist.Ano,ako nagseselos sa kanila?Baliw ba s'ya? Bakit n'ya naman naisip 'yun?. "'Yung pagtahimik mo ba,ibig sabihin ay oo?".

"Lutang ka ba? O napasukan na ng tubig 'yung utak mo?".

"Umamin ka na,nagseselos ka talaga."

"Bakit naman ako magseselos? May namamagitan ba saating dalawa? At isa pa, I like girls and i will never ever like with the same gender as I am! Okay? Dami mong sinasabi,d'yan ka na nga!". Sabi ko at nagmadaling umalis,parang ako 'yung madaming sinabi ah.Nagpunta na lamang ako sa lagi kong tinatambayan.Nahiga ako sa nalililuman ng puno pero paghiga ko ay naalala ko ang sinabi ko kay Krist kanina na,babae ang gusto. "Bakit ko ba nasabi 'yun? Maliwanag naman siguro sa kan'ya 'yun kaya dapat hindi na ako mag-alala."

Krist,

Pagkatapos kong ihatid si Kaye sa kwarto kung saan s'ya p'wedeng maligo at magpalit ng damit ay inayos ko na din ang sarili ko.Nang ako'y maayos na,dumaan ako sa likod para hindi na ako lumigoy kung saan,kailangan ko pang ayusin ang mga naging kalat namin ni Kaye.Nakita ko si Singto na palabas na ng bahay kaya sasalubingin ko s'ya pero nakita ko na hindi s'ya tumitingin sa dinadaanan n'ya kaya nagmadali akong lapitan s'ya,buti na lamang na sumakto ako at nahila ko sa tabi,kung hindi ako dumating baka nadapa na s'ya.Pagkatapos n'yang magpasalamat sa malumanay na paraan ay napalitan ito ng inis na tono ng makita n'ya ako.May mood swing ba 'to? Binibiro ko lang naman s'ya pero sineryoso n'ya,hindi n'ya naman kailangang sabihin saakin ng harapan na babae ang gusto n'ya at hinding hindi s'ya magkakagusto sa lalaki. "May nagawa ba akong mali para ipaliwanag n'ya saakin na hindi n'ya ako gusto,masyado s'yang sumubra dahil sa inasal n'ya saakin.Bakit parang umiiwas s'ya saakin?".

------------------

Tumagal ng ilang araw ang ganoong set-up ng dalawa hanggang sa dumating ang kaarawan ni Krist.Tumulong si Singto sa paghahanda ng surpresa para kay Krist.Sila-sila lang ang nag-diwang ng kaarawan ni Krist,bukod kina Krist,Kaye, James at Singto ay ang mga tauhan sa farm.Medyo lumalalim na ang gabi,ang natira na lamang sa lamesa at nag-iinuman ay sina Krist, Singto, James, Kaye at ang mag asawang Pan at Benny.

"Para sa kaibigan kong napaka-gwapo,simula High School,mapabakla,lalaki at babae nagkakagusto sa kan'ya.Cheers sa kapogian!". Masayang sinabi ni James at itinaas ang baso,at nagsi-kampayan din naman ang lahat.

"Kapogian? Baliw!". Natatawang sinabi ni Krist.

"Mamigay ka naman Krist." Dagdag pa ni James.

"Manigas ka,akin lang 'to!". Pag-sakay naman ni Krist sa kalokohan ni James.

"Kagwapo-gwapo nito si Krist pero hanggang ngayon wala pa ring ipinapakilalang nobya saamin......" Ani naman ni Mang Benny.

"Mang Benny naman....." Nahihiyang sinabi ni Krist.

"Aba! Halos itinuring na kitang anak,apo na lang ang hinihintay namin ni Pan." Dagdag pa ni Mang Benny.

"Krist,umamin ka nga........ BOYFRIEND ba ang gusto mo?". Tanong ni James at nagtawanan naman sila.

"Baliw ka ba?.....pero if mag-change ako ng heart someday baka pu-pwede." Sabi ni Krist sabay inom ng alak na ikinangiti naman ni Singto ng bahagya.Pagkatapos uminom ni Krist ng alak n'ya ay tiningnan n'ya si Singto.

"Cheers sa CHANGE OF HEART !". Sigaw ni James sabay taas ng baso,senyas 'yun para mag-kampayan sila.

"Anak,bagay kayo ni Kaye.Bakit nga ba hindi mo s'ya ligawan?". Tanong naman ni Mang Benny.

"Ewan ko nga ba d'yan kay Krist." Singit naman ni Kaye.

"Mang Benny kapag ba naging kami ni Kaye,okay na sa inyo?". Pabirong tanong ni Krist.

"Abay okay na okay.Bagay naman kayo at walang masama doon." Pag-sang-ayon at paghalakhak ng lahat maliban kay Singto.

Pagkatapos marinig ni Singto ang sinabi ni Krist parang nabingi s'ya sa k'wentuhan ng lahat,wala na s'yang nadidinig kun'di ang paglunok n'ya ng alak ng sunod-sunod.Maya-maya pa ay nakarami na si Singto kaya naka-ub-ub na lang ito sa lamesa.Napansin naman ito ni James kaya sinabi n'ya ito kay Krist.

"Krist? Si Singto hatid mo muna,ako na bahala mag-bantay kina Kaye." Sabi naman ni James."Tumba na rin sina Mang Benny."

"Oh sige." Tumayo si Krist at nilapitan si Singto. "Singto? Singto? Halika na." Tawag ni Krist kay Singto."Gising na?". Nagising na si Singto at pilit na iminumulat ang mga mata n'ya.

"Ha? Tapos na ba?".

"Tara na,hatid na kita sa kwarto mo."


Inalalayan ni Krist si Singto sa paglalakad pero hindi pa sila nakakalayo ay natumba na si Singto.Tinatawag s'ya ni Krist sa pangalan nito pero hindi umiimik si Singto kaya kinarga na lamang ni Krist sa likuran n'ya si Singto.Karga karga s'ya ni Krist hanggang sa loob ng bahay,animo'y isang bagong kasal na handa na para sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

🐢⚙️🦁

"Bakit naman ako magseselos? May namamagitan ba saating dalawa? At isa pa, I like girls and i will never ever like with the same gender as I am! Okay? Dami mong sinasabi,d'yan ka na nga!". Sabi ko at nagmadaling umalis,parang ako 'yung madaming sinabi ah.Nagpunta na lamang ako sa lagi kong tinatambayan.Nahiga ako sa nalililuman ng puno pero paghiga ko ay naalala ko ang sinabi ko kay Krist kanina na,babae ang gusto. "Bakit ko ba nasabi 'yun? Maliwanag naman siguro sa kan'ya 'yun kaya dapat hindi na ako mag-alala."- Singto

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Onde histórias criam vida. Descubra agora