Chapter 16

21 3 3
                                    

Singto,

Umaga na ng magising ako,hindi ako sigurado kung ano ng oras na pero nambilog ang mga mata ko nang mapatingin ako sa orasan na nakadikit sa dingding ng kwarto ni Krist na 11:00 A.M na pala.Ganoon ba talaga ako nanibago sa nangya-------- Teka,nasa kwarto ako ni Krist!? Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong himbing na himbing si Krist,pati rin pala s'ya hindi pa nagigising.Siguro nagtataka na 'yung iba kung bakit hindi pa kami umaalis ng bahay o nakikita man lang sa farm.Napansin ko ang mga damit namin ni Krist na nasa sahig pati ang suot naming pantalon,siguro naman 'yun lang ang hindi namin suot hindi ba? Tiningan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot,salamat at may suot pa rin ako.Mag-uunat sana ako pero pag-unat ko ng braso ko ay bigla itong sumakit pati na rin ang hita ko.

"Oy!". Sabi ko ng maramdaman ko ang sakit at hinawakan ko ito.Bakit naman s'ya sumakit ng ganito?

Dinala ni Krist si Singto sa kwarto nito.Nakakalat na ang damit nila sa ibaba ng kama p'wera sa pantalon nila na suot suot pa rin habang sila ay nasa taas ng kama.Hawak ni Krist ang kamay ni Singto na nagmimistulang nakapiit pareho dahil sa paghawak n'ya,makikita sa kamay at daliri ni Krist na medyo namumula ito dahil na rin siguro sa p'wersa ni Krist,medyo makikita na rin sa braso ni Singto ang ugat n'ya na lumulutang dahil sa pagkakahawak ni Krist.Nadag-anan din ni Krist ang hita ni Singto.

"Aray ko! Nangyari nga talaga s'ya!". Sabi ni Singto at napahawak sa hita sa ibabaw ng kumot.

"Good morning." Nakangiting bati saakin ni Krist at naupo din. "Bakit? "

"Ang sakit ng braso at hita ko eh!".

"Patingin nga..." Kinuha ni Krist ang braso ko at tiningnan,makikita ang pamumula nito siguro na din sa pagkakahawak n'ya kagabi. "Sorry,hindi ko napansin na napahigpit ang hawak ko,'yung hita mo?". Akmang titingnan ni Krist ang ilalim ng kumot pero naitulak ko s'ya ng bahagya.

"Oy!". Napatingin s'ya saakin. "Para namang hindi ko nakita kagabi." Pang-aasar n'ya sa'kin.

"Tch! Siguradong hinahanap na tayo sa farm.........." Aalis na sana ako sa kama para kuhanin ang mga damit ko pero hinila ako ni Krist papuntang ibabaw n'ya. "Aray ko! Masakit nga ang braso ko diba?".

"Masakit? Pagalingin ko......" Mahinahong sinabi saakin ni Krist at hinalikan ang braso ko pagkatapos ay ngumiti saakin.Unti-unti n'yang inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko pero pinigilan ko s'ya. "Anong gagawin mo?".

"Kukuhanin ko ang good morning kiss ko." Sabi n'ya.

"Sobra ka na,bitawan mo na ako,magbibihis na ako." Nagulat na lang ako ng pagpalitin ni Krist ang p'westo naming dalawa. "Kit?".

"Please........" Pagmamakaawa ni Krist habang naka-pout.

"Hindi pa tayo nakaka-toothbrush or mumog man lang eh....." Pag-angal ko naman.Sa totoo lang nahihiya ako kahit may nangyari na,nadala ako ng damdamin kagabi pero ngayon,ewan ko ba.Tiningan ko si Krist at naka-pout pa rin s'ya." Kit?" Tumingin s'ya saakin.Ako na mismo ang naglapit ng mukha ko at idinampi ang labi ko sa kan'ya.Humiwalay ako ng nagdampi na ang labi namin,kita ko sa kan'ya na nadismaya s'ya. "Gusto mo bang tumayo na ako dito o kukuhanin mo 'yung gusto mo?". Taas kilay kong tanong sa kan'ya at ngumiti naman s'ya at hinalikan na ako,naramdaman kong ibinubuka n'ya na ang labi n'ya kaya sinundan ko lang s'ya pagkatapos n'ya akong hinalikan ay bumaba na ang halik n'ya sa leeg ko. "Kit?".

"Hmm?". Itinigil n'ya ang ginagawa n'ya at tumingin saakin.

"Bumangon na tayo,hinahanap na tayo doon." Sabi ko,akma n'ya ulit akong hahalikan pero tinakpan ko ang bibig n'ya. "Bangon na tayo." Binitawan ko na ang bibig n'ya.

"Hmm...." Umalis sa ibabaw ko si Krist. "Bihis ka na." Utos n'ya saakin,hinila ko ang kumot na tumatakip sa aming dalawa kaya napakuha s'ya ng unan at itinakip sa bandang baba ng baywang n'ya. "Sing?".

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now