Chapter 8

22 3 0
                                    


      Hindi naman nagtagal ay natuto na si Singto sa paggagagwa ng basket,akala ni Krist ay doon na mai-stock si Singto dahil alam n'ya sa sarili n'ya na mahirap talagang gumawa ng basket.Sa susunod na tatrabahuhin ni Singto ay hindi naman ganoong kahirap dahil maghuhulog lang naman s'ya ng mga buto sa lupa at tatabunan ito.

“Akala ko mai-stock ka na sa paggawa ng basket ah!”.

“Ako pa ba? So what's the next for us?” Tanong ni Singto na nagpatahimik kay Krist ng bahagya.

“Next for us?”. Mukhang gulat na tanong ni Krist.

“Oo,anong susunod na gagawin natin?  'yung ituturo mo?”.

“Ah!”.

“Bakit? Ano bang akala mo?".

“Yun nga.Pero bago ko sabihin 'yun sa'yo,naaalala mo ba na sa ginawa nating mga baskets ay may natira? Hindi na nabalikan ng mga buyers dito?”.

“Oo, bakit?

“Yung mga natira,gusto ko ibenta mo!”.

“Ha!? Ibenta!?”. Gulat na tanong ni Singto.

“Mukhang gulat na gulat ka,simple lang naman 'yun eh.Nagkakaintidihan naman tayo,sumunod ka saakin.” Pag-mamando ni Krist at lumakad ng seryoso na sinundan naman ni Singto.

——————————————————

Krist's Pov

       Wala nang nagawa si Singto kundi sundin ang gusto ko.Isinama ko s'ya sa bayan,pero sa kabilang bayan kami nagpunta kasi doon kami nakadepende.Kung dito kami magbenenta,wala kaming kaagaw dito at isa pa,mas maraming buyers dito ng basket kaysa sa unang bayan,wala ring masyadong bumibili doon kung meron man mga matatanda ngunit iilan lang.

“Nandito na tayo!”. Bumaba ako mula sa sasakyan na sinundan naman ni Singto.

“Dito?”. Taas kilay na tanong ni Singto saakin.

“Oo dito,ano pang hinihintay mo!? Magbenta ka na,tumatakbo ang oras.”

“Pero hindi ako marunong magbenta.”

“Edi mag-isip ka ng paraan kung paano.” Masungit kong sinabi sa kan'ya.Inirapan na naman n'ya ako,akala ko ba?..........ewan ko.

“Bili na kayo.......bili na kayo ng mga basket,magaganda ito.” Walang emosyon at mahina na sinabi ni Singto.Anong tinatawag n'ya?

“Kahit maghapon ka mag-tawag d'yan walang bibili sa'yo.Alam mo ba kung bakit? Para ka lang nagtatawag ng kung anong insekto sa ginagawa mo,kahit nga insekto siguro hindi lalapit sayo!”. Sermon ko sa kan'ya nang makita ko ang inaasal n'ya.

“Paano ba kasi!?”. Pag singhal n'ya saakin.

“Lakasan mo naman ang boses mo,lagyan mo ng energy..........wala kasing buhay ang ginagawa mo.”

“Energy?”. Bulong pa ni Singto.Bago magsalita si Singto ay nakita ko s'yang
huminga ng malalim.“Bili na kayo ng baskets! Maganda't matibay ito,ako mismo ang tumulong upang mabuo ang mga ito!”. Sigaw ni Singto at medyo sumasayaw pa s'ya kahit nakikita ko sa itsura n'ya na ayaw n'ya.Pinansin n'ya ako kasi nakita n'ya siguro na natatawa ako. “Anong tinatawa mo?”

“Para ka kasing tuod d'yan! Lagyan mo ng gimik.” Utos ko sa kan'ya at halatang naiinis na s'ya.Tumayo ako ginaya ko ang pagsasayaw n'ya kanina  tapos ay naupo na ako. Nakita ko s'yang huminto at parang may iniisip pa,nag-iisip ba s'ya ng gimik? Sige lang Singto,hihintayin kita...............Nakita kong papalapit saamin si James.Anong ginagawa n'ya dito? Kami lang dapat ni Singto ang magkasama ah,nandito na naman s'ya, hindi ba p'wedeng kami lang dalawa!?

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now