Chapter 15

22 3 6
                                    

Krist,

       Gabi na ng makarating kami nina James, Aling Pan at Mang Benny sa farm.Pagkarating kaagad namin ay dumiretso na ako sa bahay at hinayaan ko na lamang sina Aling Pan at Mang Benny ang umasikaso sa bilin ng may-ari ng pabrika.Sumama saakin sa bahay si James.

“Krist,ayos ka lang ba?”. Pansin saakin ni James.“Kanina ka pa wala sa sarili ah,muntik ng umayaw si Mr.Tana sa deal natin.Pagkaalis natin,magkasalubong na ang kilay mo hanggang pag-uwi ba naman, gan'on pa din?.Ano bang problema?”.

“Si Singto kasi,hindi ko alam kung bakit ba hindi n'ya ako maintindihan,o nagpapanggap lang s'ya na hindi!”. Himutok ko naman kay James.

“Teka nga!Ano bang ibig mong sabihin,ha!?”.Tiningnan ko lang s'ya at agad n'yang nakuha ang sagot ko. “Krist,'yan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo eh.Sundin mo na kaya kung ano 'yung alam mong tama,kaysa mag-risk ka sa isang desisyon na alam mong hindi p'wede.” Payo naman saakin ni James.Risk? Palagi na lang ba may risk pagdating sa pagmamahal!?

      Kanina ko pa iniisip ang payong ibinigay saakin ni James.P'wede bang maging selfish kahit ngayon lang? Feelings ko naman,'wag na 'yung pinagkasunduan.Hinanap ko si Singto sa loob ng bahay pero wala s'ya.Saan ka na ba,Singto? Kung kailan handa na ako na magpaka-selfish t'saka naman kita hindi mahagilap! Sa paglalakad ko sa hanggang labas ay nakita ko s'ya sa ilalim ng puno kung saan palagi s'yang tumitigil. Nilapitan ko s'ya nang tahimik.
“Anong ginagawa mo dito?”. Pansin ko kay Singto pero hindi n'ya ako kinikibo.“Kinakausap kita.” Nadinig ko ang buntong hininga n'ya pagkatapos kong magsalita.

“Hanggang sa pag-sagot ba,kailangan mo pa ring ipaalala?” Tanong n'ya saakin pero hindi n'ya ako tinatapunan ng tingin.

“Ano bang problema,Singto?”.

“Wala.” Simple n'yang sagot sa'kin.Paanong wala? Kung wala bakit biglang nanlamig ang pakikitungo n'ya saakin? Hinawakan ko ang kamay n'ya kaya s'ya'y napatayo mula sa pagkaka-upo. “Krist p'wede ba? Tigilan mo na 'yang gan'yang pakikitungo saakin!?”. Galit n'yang sinabi pagkatapos halbutin ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak ko.

“Ano bang problema? Kasi hindi kita maintindihan,hindi ko maintindihan kung saan ka nanggagaling,bakit ka nagagalit!”.

“Ikaw ang problema,dahil sa'yo.....kung ano-ano ang tinatanong saakin ni Kaye.Tinulungan ko na s'yang mapalapit sa'yo tapos pag-iisipan n'ya pa ako ng.......” Ramdam ko ang pagkagalit ni Singto dahil sa boses n'ya pero sa sandaling sasabihin n'ya na ang dahilan kung bakit s'ya'y nagagalit,bigla na lamang s'yang napahinto

“Ng ano?........Kung hindi mo sasabihin saakin kung saan ka nanggagaling,hindi kita maiintindihan.......Anong sinabi ni Kaye?".

“Iniisip ni Kaye na may gusto ako sa'yo.” Mabilis n'yang sinabi. “Tinanong n'ya ako kaya nagkakaganito ako!”.

“Anong sinagot mo?”.

“Dapat pa bang itanong kung anong sinagot ko,ha!? Parehas tayong lalaki,dapat bang oo!?”. Diretsahan n'yang tinanong saakin.DAPAT BANG OO!? May mali ba kung oo ang isagot mo? “Pero.......” Pang-bibitin n'ya sa sasabihin n'ya saakin.

“Pero ano?”.

“Hindi ko s'ya sinagot kasi.......” Naging mahinahon na ang pananalita n'ya.“Kasi hindi ko alam.” Hindi mo alam? O ayaw mong aminin? Lumapit ako sa kan'ya at tiningnan n'ya lang ako.

“Ano nga bang nararamdaman mo para sa'kin?”. Seryoso kong tanong sa kan'ya na ikinatahimik n'ya kaya inulit ko ang tanong ko. “Bukod sa pagiging kaaway,boss, guardian,kaibigan ba,o kapatid,ano ba ako para sa'yo?”. Lumunok ako na sinundan naman n'ya bago sumagot.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Where stories live. Discover now