CHAPTER 41

214 21 33
                                    

.

.

“B-Bong… “ tawag ko sa pangalan nya.

Sunod-sunod na malalakas na kabog ang naramdaman ko sa dibdib ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay Matutumba na lang ako anumang oras.

Mariin akong nakatitig sa mga mata ni Bong. God, I missed looking at those eyes. I missed everything about him. Sinisigaw ng damdamin ko na agad akong lumapit sa kanya at yakapin sya pero pilit na pinipigilan ng utak ko iyon.

I was about to open my mouth to say something but Bong immediately spoke.

“How are you, Bruce? Here’s some meds and fruits, hope you get better soon.” Sabi ni Bong habang diretcho ng nakatingin lang kay Bruce na para bang wala kami sa paligid nito.

“T-Thank you… Bong.”  Sagot naman ni Bruce na halatang nabigla din.

“So Uhm… I’ll go ahead. Nung nagsabi kase si Aimee na may sakit ka, naisip ko agad na dumalaw. Akala ko kase wala ka ng bisita kaya umakyat na ako. Anyways, mauna na ako Bruce. May you get well soon. “ paalam ni Bong sabay tapik sa braso ni Bruce at tumalikod na.

Akala nya wala nang bisita si Bruce kaya…  WHAT?!! So talagang hinintay nya lang talaga kaming umalis bago sya pumunta dito? Anong gusto nyang palabasin? Na ayaw nya talaga akong makita?

Napako lang ang tingin ko sa ngayon ay papalayo nang si Bong. My jaws are clenching as I watch him walk away from us. Nakakuyom ang mga palad ko at pilit kong pinipigilan ang sarili kong maglabas ng anumang emosyon.

Pero hindi ko na rin nagawang kimkimin na lang ang inis ko. Lumakad ako nang mabilis at sinundan ko si Bong. Bago pa man sya tuluyang nakasakay sa elevator. Agad ko syang hinila sa braso para mapaharap sya sakin.

“What was that?!” inis na tanong ko.

“What? “ tanong naman nya pabalik na wala man lang kaemo-emosyon ang mukha.

“Akala mo wala nang bisita si Bruce kaya naisipan mo nang pumunta dito? So hinintay mo lang talaga na makaalis ako? What the hell, Bong! “ pa galit na sabi ko.

Hindi naman umimik si Bong at diretcho pa din syang nakatingin sakin without any expression on his face na mas lalong nakapagpagalit sakin.

“Ganyan mo ba talaga ako ka gustong iwasan? Wala naman akong ginawang masama sayo ah! Bong, hanggang nya yon hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan mo kong iwanan sa ere nang ganun na lang. Hanggang ngayon sinisisi ko yung sarili ko for not making you stay. Kahit hindi ko maintindihan kung anong dahilan mo, mas pinipili ko pa ring maniwala na balang araw kakausapin mo ulit ako at babalik tayo sa dati.” Dagdag ko pa.

Naramdaman kong unti-unti nang sumisikip ang dibdib ko at hindi ko na nga napigilang maluha. Napayuko na lang ako dahil sa halo-halong emosyon nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit kay Bong but at the same time gusto ko syang intindihin. He must’ve had his reason. He must have!

I was wiping my tears at nakayuko at wala pa rin akong nakukuhang reaksyon mula kay Bong. Maya-maya ay naramdaman kong may humagod ng likod ko kaya agad akong napalingon sa nas a likod ko. Nakita ko si Ferdy na nakatingin sakin. Kita ko sa mata nya ang pag-aalala.

“Sabi ko naman sayo, kung may iiyakan ka man ay siguraduhin mo na karapat-dapat sya para sa mga luha mo. At sa pagkakataong ito sa tingin ko… “ naputol ang sasabihin ni Ferdy nang lingunin nya si Bong at mariin nyang tinitigan ito.

“… hindi kasing-halaga ng mga luha mo ang taong ito. “ matapang na sambit ni Ferdy.

Nabigla ako sa sinabing iyon ni Ferdy. Nang ibaling ko naman ang paningin ko kay Bong ay nakita kong nakatingin sya nang masama kay Ferdy. Mas lalo pa akong kinabahan nang biglang ngumisi si Bong.

“Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ka, dahil halatang hindi mo rin kilala kung sinong kaharap mo.” Nakangising sabi ni Bong.

Tila may laman ang mga salita nyang iyon. Binali ng naman nya ang tingin nya sakin but this time ay hindi na sya nakangisi. Matalim nya akong tinitigan.

“Hindi mo ba talaga kayang mabuhay nang ikaw lang at kailangan palagi kang may kasamang magtatanggol sayo? At… “ napangisi muli sya bago ituloy ang sasabihin.

“… mukhang hindi ka rin naman kayang ipagtanggol ng kasama mong to. “ natatawa-tawa pang sabi ni Bong.

Napakagat na lang ako sa aking labi sa mga sinabing iyon ni Bong. I felt guilty and sad about what he said. At the same time ay naawa din ako sa sarili ko.

Hindi ko nga ba talaga kayang ako lang mag-isa at walang iba na kailangan sumalo sakin sa tuwing naipit ako sa mahihirap na sitwasyon? Gaya na lamang ngayon. Ferdy came and tried to rescue me. Pakiramdam ko ay napakahina ko nang mga oras na yun.

Sunod-sunod na nag-unahan ang mga luha sa mga mata ko. Tama ang sinabi ni Bong. Coming from, who’ve been my savior since I-can-remember-when, siguro ay napagod na lang din sya at hindi ko sya masisisi sa bagay na yun because I know it’s on me, who’s always been so weak and fragile.

“I’m… sorry… “ dinig kong sabi ng isang malungkot na boses.

Hindi ko sigurado kung si Bong yun at kung tama ba ang pagka dinig ko, o kung sinabi nya talaga ang mga salitang iyon dahil halos pabulong na lang ang tinig. Nang iangat ko ang tingin sa kanya ay nakaharap na sya sa elevator.

“Bong… “ humihikbing sambit ko nang makita kong papasok na sya sa elevator.

Inalalayan na ako ni Ferdy pabalik sa unit ni Bruce habang marahang hinahagod ang likod ko.

“Duwag sya, Sara. Wag mo na syang iyakan. “ mahinang sabi ni Ferdy sakin tsaka kami naglakad.

SI Bong nga ba ang duwag? O ako, dahil hindi ko man lang nagawang pigilan na magkahiwalay kami ng landas when I know that I could’ve done something to make things better?

Wala na ba talaga akong ibang kayang gawin kundi iyakan ang mga nangyayari sakin ngayon instead of trying to resolve them? I pity myself so much.

 

N/A: Hi! Grabe naman ang sungit ng Bonget ng yarn?! Ako lang ba naiinis kay Bonget?

Pero kapit lang guys because heto na nga ang hinihintay nyo...

BONG’S POVs ARE COMING UP NEXT. So please, please, please, have patience in me dahil mahaba mahabang back-reading na naman ituuu huhu!

Big shawariwawt sa inyo @littleswanj @mommykily @jnlynhtfnt08 sa pangungulit at sa lahat ng matiyagang naghihintay pa rin. 🥺❤

And again, Sayo na nagbabasa ng kwentong ito, MARAMING SALAMAT SAYO! BURGER KA SAKIN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now