CHAPTER 6

157 22 5
                                    

.
.

Naka ilang lagok muna si Bruce sa beer na hawak nya bago nagsalita.

“Dito ako pumupunta kapag hindi rin masyadong okay ang pakiramdam ko.” Sabi ni Bruce habang nakatingin sa kawalan.

We are at the 64th floor of the building. Mga tangke ng tubig, mga wire at kung anu-ano pang tambak ang nandito.

Nakaupo lang kami ni Bruce doon habang tahimik na iniinom ang mga beer namin.

Ramdam kong gustong gustong malaman ni Bruce kung ano ang dahilan at halos madehydrate na ako sa pag-iyak ko kanina. Pero alam ko rin na ayaw nya akong pilitin na magsalita.

Nang makatig-apat na beer na kami ni Bruce ay napagtanto nyang wala na palang kasunod ang hawak namin.

“Halika na. Wala na tayong beer. Ihahatid ba kita sa inyo or gusto kong dito ka na muna mag-stay? “ pag-aya sakin ni Bruce.

“Ayokong umuwi. Pwedeng dito muna tayo? “ sagot ko naman.

“Pero ang lakas ng hangin dito, sobrang ginaw! Baka sipunin tayo. Halika na! “ pagpupumilit nya sakin.

Nagmakaawa pa rin ako kay Bruce na duon muna kami. Pero dahil nga malakas ang hangin ay nag decide sya na bumaba muna para kumuha ng blankets namin para hindi naman kami manigas sa lamig.

While Bruce is on his way down to his unit, my phone screen lit up. My mom messaged me.

Message from Mama:

                 Siguraduhin mo lang na sa pag-uwi mong bata ka ay may maayos kang paliwanag kung bakit dis-oras na ng gabi ay nasa layasan ka pa rin!

SERIOUSLY?! After finding out that I’ve been lied to my whole life, ganyan pa ang sasabihin nya sakin? Aren’t my feelings VALID? What does she expect me to do, itulog na lang matapos ang lahat?

Ibinaba ko ang phone ko at itinaob iyon. Hindi ko nagawang mag reply kay mama dahil awtomatikong nag unahan na ang mga luha ko sa pagpatak.

What did I ever do to deserve this? Mula pagkabata, lahat ng ginagawa ko ay para sa parents ko. Lahat ng gusto nila ay sinusunod ko nang walang patumangga.

Yung pakiramdam na isang anak lang ako pero parang lagi akong may kakumpetensya. Gusto ko laging mapapansin. Kulang ako sa atensyon.

Ang pagsisikap ko sa lahat ng bagay ay para maging proud sila sakin. Para din maramdaman ko sa sarili ko na may ambag ako sa pamilya kahit sa ganung paraan man lang. Para kahit sa simpleng “Congratulations, Sara! “ ay maramdaman ko na mahal nila ako.

Ngunit pano na ngayon? Para saan na ang lahat ng ginagawa ko? My life already turned upside down. The gap between me and parents have gone wider and I don’t think that it can be closed. Because not just a vast space was made between our family but also a deep pit inside of our hearts.

The only purpose, I thought, I had is now GONE.

Tumayo ako at lumakad sa pinaka dulong parte ng kinatatayuan ko ngayon.

My mind was hollow. I stood there for a few minutes while reflecting on how did I ended up hurting like this.

Pilit akong nag-isip ng maling nagawa ko, na para bang gusto kong isisi ang mga nangyari sa sarili ko. Pero bakit ako? Bakit sa huli ay sila pa rin ang iniisip ko imbes na ang sarili ko?

Tumulala na lang ako at kinausap ang sarili. Dala na rin ba ito ng kalasingan? Nababaliw na ata ako.

“64th floor. Parang maliliit na langgam ang mga sasakyan mula rito sa rooftop.” Sabi ko sa sarili habang dinadama ang malakas na hangin.

Nasa rooftop ako ngayon. At ano ang ginagawa ko dito? Suicide. Yup, magsu-suicide lang naman ako.

Bakit? Gusto ko eh. Gusto ko na. Pagod na ako. Sobrang pagod na pagod na ako. Sa paligid ko, sa magulang ko, sa Sarili KO!

Hindi ko na alam ang purpose ko sa buhay. Kahit anong gawin kong pagpapasya sa sarili, paulit-ulit lang ang nangyayari. PAULIT ULIT LANG DIN AKONG NASASAKTAN. Parang walang katapusan.

Well, atleast ngayon, siguro… meron na. Matatapos na. Tatapusin ko na.

“Hoy! Miss! Waaaaaaag!!!!”

Huling mga salitang narinig ko bago ako tumalon mula sa rooftop. Boses ng isang lalaki. Pamilyar ito sa pandinig ko.

Pero di bale na. Para saan pa kung aalalahanin ko pa sya. Hindi na rin kami magkikita.

Kahit kailan.

Napapikit ako nang mariin. Nakaramdam ako ng mainit na brasong humatak sa akin paakyat. Minulat ko ang mga mata ko at inangat ang tingin ko sa may-ari ng mainit na mga brasong ngayon ay nakapulupot sa akin.

Nag-init ang mga mata ko bago kumawala ang mga luha doon.

I met these narrow eyes, screaming for concern. My eyes got blurred for a moment then suddenly, everything went black.

A/N: Hi! Pati ako naiistress sa pamilya ni Sara eh! Buti na lang di sya natuluyang ma-tegi dahil may nagligtas sa lola nyo. O, mars! Alam kong mahirap ang life ha? Pero LABAN LANG. Wag kang tatalon sa rooftop. Lalo kung 1st floor lang bahay. Charr. And again, Sayo na nagbabasa nito, MARAMING SALAMAT! BURGER KA SAKEN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now