CHAPTER 1

399 22 7
                                    

                                        .
                                        .
Isang araw na naman ang mag-uumpisa at kailangan kong maitawid.

*Ring, ring* napabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang pagtunog na iyon ng aking cellphone.

Ano ba naman yan, ang Aga-Aga!” ungot ko habang nag-iinat at inaabot ang aking cellphone sa lamesa sa gilid ng aking kama para sagutin ito.

It’s Bruce aka “Minerva” ang bestfriend kong beki.

“Hoy, Vicenta! Anong petsa na! Kaloka, naghihilik ka pa ata! Baka nakakalimutan mo may exam tayo ngayon?” bungad sa akin ng kaibigan kong galit na galit sa kabilang linya.

Ang aga mo naman akong sigawan! Hindi ba pwedeng mag good morning ka man lang saken, bago ka mag kukuda dyan? Grabe to! “ reklamo ko naman sa kanya dahil talagang natulig ang tenga ko sa boses nya.

“Eh jusko naman kase, anong oras na! Kung di pa kita tinawagan baka umabot ka pa… sa third subject natin mamayang hapon! Bumangon ka na dyan at hihintayin na lang kita sa labas ng school. Bilisan mo! Bangon na!” panenermon sakin na Bruce.

“Oo na. Eto na nga kikilos na. Text na lang kita pag malapit na ako. Byeee! “ Sabe ko naman bago ibaba ang telepono at nagsimula na akong mag-asikaso.

Ako nga pala si Sara Vicenta Duterte. Everyone calls me Sara. Si Bruce lang ang tumatawag saken sa second name ko lalo na pag naiinis sya saken o kaya naman ay nagugulat.

I’m 21 years old. Business Management ang kinuha kong kurso at malapit na akong grumaduate dahil 4th year na ako.

Hindi ko talaga gusto ang kursong kinuha ko pero dahil ito ang gusto ng mama ko ay sinunod ko na lamang sya.

Gusto ko talagang maging astronaut. Nakakatawa? Seryoso ako no! Gusto kong makarating sa buwan, magpalutang-lutang sa kalawakan habang tinatanaw ang walang hangganang universe.

Pero dahil mahirap naman na abutin ang pangarap ko na yun ay pinangarap ko na lamang maging flight attendant. Hindi man ako makapunta sa kalawakan, atleast nasa ibabaw naman ako ng mga ulap.

Kaya lang, masyado akong masunurin bilang isang anak. Mas sinunod ko ang gusto ng magulang ko kesa sa kung ano ang pangarap ko. Mali ba yun?

.

.

Time: 7:45am

Nasa labas na ako ng school at nagpapalingon-lingon dahil hinahanap ko si Bruce. Tinawagan ko sya para magkakitaan kaming dalawa.

*ring, ring*

“Huy, Minerva! Asan ka ba? Kala ko dito tayo sa gate magkikita? Nandito na ako.” Sabi ko habang tuloy pa rin ako sa paglingon, baka sakaling matanaw ko kung nasan sya.

“Teka heto na. May kinausap lang kase ako kani- oh ayan, natatanaw na kita bakla! Wag kang aalis dyan sa kinatatayuan mo sasabunutan kita! “ sabi nya naman sa kabilang linya sabay end ng call.

May mahinang kurot akong naramdaman sa aking tagiliran kaya napatingin ako sa aking likuran. Si Bruce na nga iyon.

“Ano Tara na?” tanong ko sa kanya.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now