CHAPTER 14

147 19 15
                                    

.

.

Did I just confess to Bong? Did I just professed that I like him? Napatakip na lang ako sa aking mukha.

Naramdaman kong lumapit si Bruce sa akin kaya humarap ako sa kanya habang takip ko pa rin ako mukha ko. Lumapit ako sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Hindi naman sya gumalaw at nanatili lang nakatayo.

“Vicenta, nakita ko yun… “ mahinahong sabi ni Bruce.

“Hindi naman kase… ano eh… hindi ko naman sya niyakap ehhh” naiiyak na sabi ko.

“Gaga! Hindi yon. Hindi yun ang tinutukoy ko” Sabi ni Bruce na para bang may labing sa tono nya

Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko at inangat ang tingin kay Bruce. Tinitigan ko sya nang may pagtataka.

“Hindi lang basta sa kilos. Kundi sa mga mata nyong dalawa. You like him, Sara. And I know he likes you too. Kita ko kung paano ka nya ingatan. Kita ko ang saya sa mga mata nya kapag kasama ka nya. At ganun din ang nakikita ko sayo. “ marahang saad ni Bruce.

“Bruce…natatakot ako. Ayoko. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko” nangingilid ang luha ko habang sinasabi ko iyon.

Nginitian lang ako ni Bruce at niyakap.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. And on top of those, ay ang kung paano ko maiiwasan si Bong simula bukas at sa mga susunod pa na araw.

Nang matapos kaming mag-usap ni Bruce ay nagpahinga na kami. Hindi naman ako agad na nakatulog dahil nga kay Bong. Bandang huli ay napagod na ang utak ko sa kakaisip at dinalaw rin ako ng antok.

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Bruce. Hindi na kami nakapag almusal dahil late na kami. Habang nag di-drive siya ay binuksan ko ang car radio.

“… I’d spend forever wonderin’ if you knew,

I was enchanted to meet you… “

Mabilis ko ring pinatay ang radio. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bumabalik ako sa mga oras na nakakatitigan ko si Bong nang marinig ko iyon. Para bang ang lapit nya lang sa akin kahit na hindi ko sya nakikita. Minumulto ba ako?

Nagulat naman si Bruce sa inakto kong iyon. Saktong nasa parking area na kami ng school kaya nilingon nya ako sa passenger’s seat.

“Huy, Vicenta! Okay ka lang sis? “ nagtataka g tanong ni Bruce.

“O-Okay lang…  okay lang ako. “ nauutal na sagot ko naman.

I tried my best not to get distracted. I shrugged off my thoughts about Bong so I can focus on the things I need to do. Pero talagang kahit saan ako magpunta, kahit saan ako lumingon, para bang nakikita ko sya. Nararamdaman.

Lalo akong nakaramdam ng pagkayamot nang makarating kami sa gate ng university at may lumapit sa aking isang lalaki. Pamilyar ang suot nyang uniform sa akin. Hindi dahil dun din sya pumapasok sa University kundi dahil suot nya ang uniform ng La Luna Café.

Oo. Yung Café na pagmamay-ari ni Bong.

Nakangiti syang lumapit sa amin ni Bruce at nag-abot ng kape sa aming dalawa. Nagulat naman ako dahil hindi naman ako nag-order. Unang-una sa lahat, hindi kami dumaan sa Café na iyon at dumeretcho kami ni Bruce dito sa school.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya siniko ako ni Bruce para kunin na namin ang iniaabot ng barista na iyon.

“Uh… sir, wala po kaming-“ agad na naputol ang sasabihin ko.

“Utos po ni sir Bong na ihatid ko po yan dito para sa inyo.” Nakangiting sabih ng lalaki.

Naniningkit ang mga mata ni Bruce habang nakatingin sakin at humihigop sa kape nya. Tila ba kilig na kilig sya nang malamang kay Bong galing iyon.

“Hi! Umm… nasa Café ba si Bong ngay-“ hindi na tapos ni Bruce ang sasabihin nang sikuhin ko sya.

Inirapan naman nya ako habang pinanlalakihan ko sya ng mata.

“Wala po sir, eh. May importante daw pong inaasikaso” Sagot ng barista.

“Ay ganun? Busy siguro sya… “ dagdag naman ni Bruce.

“Ang sabi po samin biglaan daw pong umalis papunta ng amerika. Hindi po nabanggit kung kelan po ang balik nya.” Sabi ng lalaki.

Nagpaalam na ang baristang iyon sa amin na pasimple pang hinahrot ni Bruce kanina. Habang ako ay napatulala nang malaman kong si Bong… 

Iniisip ko kung paano sya iiwasan dahil palagi kaming nagtatagpo kahit sa di inaasahang sitwasyon. Pero sa pagkakataong ito, tila ba nakaramdam ako ng lungkot nang malaman kong umalis si Bong.

It’s like I don’t want to be around him but not that I don’t want him around me. I never wish for him disappear though.

Tinapik ni Bruce ang likod ko nang mapansing balisa ako habang naglalakad kami. Hindi ko pa rin ginagalaw ang kapeng ipinabigay ni Bong. Hawak ko ito ng dalawang kamay nang may maramdaman akong parang may matigas na bagay sa tissue na nakabalot sa baso.

Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang isang maliit na black and red na card. It says, “Marcos Events Solutions” with contacts details. I flipped the card to see if there’s anything on the back of it and poof! There’s a message… from Bong.

The little star was surrounded by so many, as it tries to shine like the others. The universe is so crowded yet the little star felt so alone.”

Keep safe, my little star. —Bong

Mapait akong napangiti nang mabasa ko iyon. Ibinulsa ko ang card at tuloy-tuloy na naglakad.

Inisip ko na lang na mas mabuti na rin na wala si Bong. Atleast mas makaka-focus ako sa studies ko. Isa pa kailangan ko na ring harapin ang responsibilities ko sa family business namin na iniwan sakin ni mama.

Itutuon ko na lang ang atensyon at oras ko sa mga mas importanteng bagay and use them to refrain myself from thinking about Bong. I can do this!

A/N: Hi! Mapapakanta ka na lang talaga ng “BAKIT DI NA LAAANG TOTOHANIN ANG LAHAT” hahahaha!

BTW. This chapter is intentionally “short”. I want Bonget kase to have chapter/s of his own POV Para di po nakakalito. Yun lang scroll ka na po ulit Haha 😆 Daghan salamat 💚

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now