CHAPTER 22

186 26 26
                                    

.

.

“So… sorry, Bong. Di ko sinasadya.” Sabi ko habang nakatingin kay Bong.

Kailangang may gawin ako ngayon. Dahil sa hilantsa ng mukha ng dalawang to ay mukhang may hindi magandang mangyayari. Isa pa ay napaka-awkward ng ganitong sitwasyon.

Ng tagumpay naman akong putulin ang tinginan ng dalawa at nakuha kk ang atensyon ni Bong.

“O-okay lang, Sara… “ sagot ni Bong habang nakahawak sa bandang tiyan nya na nasiko ko.

“Masakit ba? S-sorry, sorry Bong. Hindi ko talaga sinasadya” Sabi ko habang nakatingin sa tyan ni Bong.

Akala ko ay mawawala na ang tensyon sa pagitan ni Mans at Bong nang mga panahong iyon pero mali ako.

“It’s okay, Sara. Hindi naman masakit, wag kang mag-alala” he said with a very beevish voice then gently caressed my cheek with his thumb.

WHAT THE HELL IS GOING ON???

Napasinghap naman ako sa ginawa nyang iyon lalo nan ng nginitian nya ako. Why do I feel like he’s doing this on purpose? Mas lalo lang nagiging awkward ang sitwasyon between us three jusko!

Ibinababa din ni Bong ang kamay nya when Mans loudly cleared his throat at kunwaring nagpalingon-lingon. Nakita ko pang napangisi si Bong nang tanggalin nya ang kamay sa mukha ko kaya naman I gave him a “what the hell are you doing” gaze. Agad namang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nya nang makita ang tingin ko sa kanya.

Nang lingunin ko si Mans ay busy na ito sa phone nya. He was acting like nothing happened but I can feel his irritation by the frown on his face. Na-guilty naman ako dahil don.

Mans is a good friend of mine. He’s been very kind to me ever since. Hindi ako sanay na ganito sya. Bahagya akong napayuko at napasimangot.

Bigla namang tumayo si Bong.

“I’ll go get us some snacks. Bruce? “ sabi ni Bong sabay tingin kay Bruce.

Agad naman syang sinamahan na busy sa pagpi-picture kanina sa playground.

Naiwan kaming dalawa ni Mans at ilang minuto din kaming tahimik.

“Si… Bong? “ sabi ni Mans sabay lingon sakin.

“Mm? “ tipid kong sabi.

“Is he… Sara, is… is Bong courting you? M-may gusto ba sayo si Bong? Are you two… “ utal-utal na sabi ni Mans.

Marion akong napalunok. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hirap akong ibuka ang bibig ko para sagutin ang tanong ni Mans.

Kita ko ang panlulumo sa mga mata ni Mans at bahagya akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam ang sasabihin kay Mans.

“N-no… No he’s… he’s not, Mans. Hindi naman nanlilig-“ naputol ang sasabihin ko.

“If he’s not, then I will. Gusto kitang ligawan. Please let me court you, Sara. “ mariing sabi ni Mans sakin.

Nabigla ako sa pahayag nyang yon at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam kong pinagpawisan ako dahil sa narinig ko.

Nakatitig kami ni Mans sa isa’t isa. Muli nyang kinuha ang kamay ko at marahang pinisil ang mga yon.

“I wanted you to know how much I like you, Sara. Sana mabigyan mo ko ng pagkakataong ipakita sayo how Pure my intentions are.” Dagdag pa ni Mans habang mariing nakatingin sa mga mata ko.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now