CHAPTER 21

146 20 6
                                    

.

.

One week na ang nakalipas mula nung nakalabas ako ng hospital. Hindi pa rin ako pumapasok sa school dahil kinailangan kong mag self-study para sa mga lessons na nakaligtaan ko nung naaksidente ako.

Iniiwanan sakin ni Bruce lahat ng copies ng mga dapat kong pag-aralan, plus, mga personal nyang take-down notes. Pag-uwi nya naman ay tinutulungan nya na rin ako sa pag-aaral kapag wala syang masyadong ginagawa.

Naging okay naman ako sa buong linggo na to. Madalas ay dinadalaw ako ni Bong sa condo ni Bruce, lalo kapag buong raw ang klase ni Bruce at wala akong kasama.  May araw din na kasama pa nya ang kapatid nyang si Aimee.

Dumadalaw din saken si Mans. Minsan pa nga ay nagkasabay sila ni Bong sa pagpunta sa condo. Hindi naman ganon ka-awkward ang dalawa. Well… siguro ako lang yung naiilang dahil sa alam ko na walang idea si Mans tungkol sa kung anong meron sa pagitan ko at ni Bong.

Nakakaramdam pa rin ako ng sakit ng ulo kaya kahit na discharged na ako sa hospital ay tuloy pa rin ang gamutan ko. Unti-unti na ring gumaling ang karamihan sa mga galos ko.

Habang nakasalampak ako sa sahig ay may nag doorbell kaya agad akong tumayo para tignan kung sino iyon.

Nang buksan ko ang pinto ay nakita kong si Greta pala iyon. Nakatayo sya sa harap ko at may dalang mga pagkain. Ngumiti ako sa kanya at akmang babatiin ko na sana sya nang bigla akong matigilan.

Agad na nabura ang ngiti sa mukha ko nang makita ko kung sino ang taong nakatayo sa likod ni Greta at may hawak na bulaklak.

“P-…Papa…” nauutal kong sabi.

Biglang bumilis ang paghinga ko at agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

“May we come in, Sara? “ tanong ni Greta saken.

Tumango naman ako at pinapasok sila. Naghihintay akong iabot saken ni papa ang bouquet na hawak nya pero inilapag nya lang iyon sa center table sa harap ng sofa kung saan sila nakaupo ni Greta.

I was just standing in front of them, clueless of what is happening. Salitan kong tinitignan si papa at Greta until Greta spoke.

“So…  how are you feeling, Sara? “ tanong niya saken.

“O-Okay naman ako… “ nahihiyang sagot ko naman.

Habang magkausap kami ni Greta ay pansin kong panay ang lingon ni papa sa kabuuan ng unit ni Bruce hanggang sa madako ang paningin nya sa isang sulok kung saan nagkalat sa sahig ang mga inaaral kong lessons bago sila kumatok kanina.

“How’s your academics? Are you keeping up with your absences? “ tanong ni papa.

Hindi pa rin nya ako tinitignan mula pa kanina at nanatili lang syang nakatingin sa mga libro at notebooks na nasa sahig. His face is still emotionless and his voice is flat.

“Opo… Papa. Tinutulungan naman po ako nina Bruce at Bong sa mga lessons na kailangan kong habulin. Binigyan din po ako ng school ng isang linggo to atleast prepare myself. “ sagot ko habang nakayuko.

Tumango lang sya at wala pa ring reaksyon ang mukha nya.

Tinulungan ko si Greta na ihain ang mga pagkain na dala nila habang si papa ay patuloy lang sa paglibot sa buong bahay.

“About that Bong… “ biglang nagsalita si papa.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kaba nang banggitin ni papa ang pangalan ni Bong.

Hello, My Moon! 🌙Donde viven las historias. Descúbrelo ahora